Baekhyun's
Tahimik akong naglalakad sa hallways. Halos walang mga estudyanteng naglalakad dito, I mean, it's already 5:30 in the afternoon. Nauna na kasing umuwi si Kyungsoo sakin, bestfriend ko, may errand daw na kailangan niyang i-attend. Di na lang din naman ako sumabay sa kanya kasi binilinan ako ng homeroom teacher namin na puntahan siya sa office along my way home.
Naglakad ako patungo sa locker area. Kukuha lang naman ako nang ilang libro para basahin pag-uwi, tutal wala naman akong gagawin sa condo. Chanyeol's not coming over tonight, sabi niya pinapa-uwi siya ni tita.
Chanyeol's parents and mine are quite close. Magbebestfriends kasi sila nung early years nila, up until now they're still keeping contacts with each other, constantly holding meet-ups and stuff.
A small smile crept it's way onto my face as I thought of that one moment. There was this one meet-up when they said that Chanyeol and I would make a great love team. They were rooting for us two, pero di naging kami ni Chanyeol. Instead, bumagsak siyang Kyungsoo. Hmmm~ Well, I can't do anything about that can I? Besides—.
"Baby, matagal ka pa ba dyan?" Narinig kong bigkas ng isang boses sa likod ko. Sumabay dito ang pagyakap niya sakin. He buried his face in my neck, causing me to feel a little bit ticklish.
"Baby, malapit na ako. Wag mo ngang gawin yan! Nakikiliti ako!" Natatawa kong sabi at hinarap siya ng nakangiti.
Mas lalo akong napangiti nung makita kong nagpupuppy eyes siya. He's cute as always. Lalo na sa height niya.
"I love you baby." Sabi ko at hinila siya para sa isang halik. Ginantihan din naman niya iyon at mga ilang segundo ay humiwalay na.
He smiles at me, making my heart beat like crazy. "I love you too. Let's go?" Sabi naman niya. Matamis akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya. It sent electricity like feelings through my body.
"I love you Suho."
-xxx
Matapos ang ilang minutong biyahe. Kumaliwa si Suho para ipark ang kotse niya. Nandito na kami sa condo ko.
I lookedcat him with a gratefull smile etching my lips. "Thanks Suho." Mahina kong sabi pero malalaman mong punong puno ito ng sincerity.
Nabigla ako sa paghila niya sakin. Hinalikan niya ako sa noo at sinabing. "Alam mo namang di kita pwedeng pabayaan diba Baek? I love you and I won't let anything happen. Cause I swear, kung may mangyari man, I won't forgive myself." Tapos hinalikan niya ako ulit.
I smiled. Ang swerte ko talaga kay Suho. Kaya nga kapag nagtataksil ako sa kanya, nakokonsensya ako. He loves me, pero nagagawa ko siyang lokohin.
I shook off the thought abd faced him. "Mahal na mahal din kita Suho. Uhhmm~ How about pumasok ka muna sa loob? Magpahinga ka muna." Bigkas ko habang hinahawakan ang kamay niya.
He smiled brightly at me. "Awww, ang swerte ko talaga sayo Baek. Tara!" He replied, going out of the car and opening my side.
Once again, he held my hand. We walked side by side with each other. I really love Suho, that I think I'd die if I lose him.
Agad agad kong tinype ang password nung kaharap na namin ang pintuan. Di ko binibitawan ang kamay niya. I want to hold his hands forever.
Masaya kong pinihit ang doorknob ng pintuan. I was hoping to see just an empty room pero halos mapanganga ako nang makita kong naka-upo si Chanyeol sa sofa.
Napatingin ako kay Suho, tapos napabalik ang tingin kay Chanyeol. Parang wala lang din naman kay Suho ang scenery. Alam kasi niyang close ang families namin, kaya ganun.
BINABASA MO ANG
i • love lust | baekyeol
Romancecan you love the pain created by the lust you have? || short story