Track 02: FIFTEEN

562 12 3
                                    

"Freshmen na ako, may mga bagay na akala ko alam ko na, pero sa huli ko lang na realize, wala pa talaga akong alam sa mundo.. Natuto akong magmahal at maging masaya ng sabay. Pero hindi ko naiwasan na at the age of Fifteen, may mga bagay na naibigay ako na HINDI KO NA MAARING MAIBALIK PA."

PLAY THE MUSIC.

------------------

First day ng School, kasama ko ang Best friend ko na si Abbygale na kumakain ng Lunch. Hindi na kami kagaya ng dati nasa Grade School na mga batang gusgusin, na naglalaro sa o kaya naman naglalaro ng Bahay bahayan. High School na kami, kaya kailangan na naming mag adjust.

Minsan nga dumarating yung time na magbubulungan kami, kasi may nakita kaming gwapo, tapos sabay kaming kikiligin. Karamihan ng natitipuhan namin is yung Seniors namin sa school. Natural na sa amin yun, mag bestfriends na kami since elementary. And you know, Abbygale is with me na habang tumatanda ako. Nakita niya yung way na kung paano ako nagdalaga.

Pumunta kami sa Locker namin, magkatabi kami ni Abby ng Locker, nang buksan niya ang Locker niya, may nakita siyang sulat. Sulat na nagmula sa Secret Admirer.

Syempre, bilang Best friend, Kinilig naman ako para sa kaibigan ko.  Bilang secret admirer nga daw siya, hindi namin mahulaan kung sino. Kasi nga, freshmen palang kami, hindi pa kami bihasa pagdating sa mga love na yan.

Nagpatuloy ang araw at nagpatuloy din ang panunuyo ng secret admirer ni Abbygale sa kanya. Everyday, iba ibang letters ang natatanggap niya galing dito. At pakiramdam ko, nahuhulog na sa kanya ang bestfriend ko kahit hindi pa naman sila nagkikita.

At dumating na nga ang araw na nagtapat ito kay Abbygale. At ang lalaking ito ay isang Senior. Ang lalaking lagi naming pinagbubulungan, ang lalaking matagal na niyang crush. Kaya nung nakita niya ito, mabilig na naging mapalagay ang loob niya rito. 

Niligawan ng Senior si Abby ng mas personal. At hindi rin nagtagal, nakuha nito ang matamis na oo ng kaibigan ko. Naging sila. Lagi na silang magkasama.

Dumating na din sa Point na naiiwanan na ako ng kaibigan ko kasi lagi silang magkasama ng boyfriend niya. Minsan, ako nalang ang kumakain mag isa, nakakalungkot isipin, pero kailangan kong maging masaya, kasi alam kong masaya naman ang kaibigan ko pag kasama niya ang boyfriend niya.

Hanggang sa unti-unti na ngang lumalayo ang loob ko sa Bestfriend ko. Asan na yung dati kong bestfriend?

Yung lagi kong kasama pag may problema ako?

Yung lagi kong matatakbuhan kapag may tinatakasan ako.

Asan na siya lalo na sa mga panahon na kailangan ko ngayon ng masasandalan.

Andun siya, kasama ang boyfriend niya.

Pero wala akong sama ng loob sa Bestfriend ko, alam kong masaya siya, at kailangan ko ding maging masaya para sa kanya. 

Songs to Stories Presents: TAYLOR SWIFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon