Track 04: I KNEW YOU WERE TROUBLE

300 6 2
                                    

"Lahat lahat nagflashback sa utak ko. Lahat ng maling ginawa ko, lahat ng katangahan ko bigla nalang nag sink in. Hindi ko alam kung paano ko maibabalik lahat, paano ko maidederetso lahat ng nabaluktot. How come na ang taong mukhang Anghel ay mala demonyo pala ang ugali?"

PLAY THE MUSIC.

------------------------------------------

"Miss, dito ka na nakatulog sa bar. Umaga na po."

Ginising ako ng Janitor, naramdaman ko yung malamig na tiles ng banyo, dito na pala ako nakatulog. Bigla kong naalala yung nangyari kagabi. (Now I'm lying on a cold hard ground, chos.) 

Well, I have a boyfriend, correction, EX after he dumped on me. I met him on a gas station, accidentally.

Ganito kasi yun, naka kotse ako, tapos naka motor siya, then nasa gilid na ako nung tank, siniksik niya pa talaga dun yung motor niya para lang siya talaga ang maunang magpagas kaysa sakin.

"Excuse me? Di mo ba nakitang nandito na ako?"

"Ay miss? Nandiyan ka na pala?"

So ganun na nga kami nagkakilala, niligawan niya ako, nung una, ayokong ayoko talaga sa kanya, pero unti unti din akong na fall. Oo, inaamin ko, ayaw sa kanya ng mga kaibigan ko, pero mas pinili ko siya, kasi alam kong ako ang makakapagpatino sa kanya.

Sinagot ko siya.

"Saan tayo pupunta?" Huminto kami sa isang bahay, hindi ko alam kung kaninong bahay.

"Halika na." Hinila niya ako, nagpahila nalang ako.

Pumasok kami doon, nakita ko ang mga tao doon, nagdadrugs. Iba't ibang uri ng drugs, may shabu, marijuana, ecstacy at cocaine.

"Babe, umalis na tayo dito."

"Masasarapan ka naman e. Subukan mo lang." Hinawakan niya ako sa wrist para di ako makalabas.

"Ayoko talaga, please. Umalis na tayo dito."

"Kung mahal mo ako, titikim ka." Napatigil ako sa sinabi niya.

Dahil sa kanya, natuto akong magdrugs. Nung una, hindi ako sanay, pero nasanay din ako. Sabay kaming nagdadrugs. Ang sarap sa pakiramdam, nawawala lahat ng problema mo, pakiramdam mo, lagi kang masaya.

Unti unti akong iniluwa ng mga kaibigan ko, pero ayos lang yun, basta nasa tabi ko yung mahal ko.

"Halika, pumunta tayo ng bar."

Nagkayayaan kami sa Bar, nakita ko siyang may hinalo sa inumin ko.

"Anong hinahalo mo?" Tinanong ko siya, pero high pa rin ako.

"Basta, inumin mo nalang."

Ininom ko, tapos biglang nagdilim ang paningin ko, umiikot ang paligid ko, pero gising pa rin ang diwa ko.

Nakita ko ang boyfriend ko sa may dance floor, may ibang kahalikang babae.

Sinubukan ko silang puntahan, pero hindi ko sila makita sa sobrang dami ng tao, bumibigat ang tiyan ko, nasusuka yata ako.

Pumunta ako ng CR para sumuka, pagkatapos ko, nagdilim nalang bigla ang paningin ko.

"Hindi mo makikilala ang sarili mo, hangga't hindi mo ito nawawala."

--Taylor Swift

Songs to Stories Presents: TAYLOR SWIFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon