Track 01: SPEAK NOW

908 24 20
                                    

PLAY THE MUSIC.

-------

"Ako yung tipo ng babaeng hindi dapat sumisira ng isang kasalan, pero ang taong mahal ko, ay hindi isang klase ng lalaking dapat na nagpapakasal sa maling babae." 

Napakasarap ng tulog ko nang magising ako sa tawag ng Bestfriend ko sa cellphone ko. Sinagot ko naman kaagad ito.

"Hmm. Bakit?" Medyo namamalat ko pang sinagot ang tawag niya.

"Bestfriend! Gumising ka! Ngayon ikakasal si Lester! Diba mahal niyo pa ang isa't isa? You should interrupt his wedding! Or else, your life will be miserable, FOREVER!"

Nagising ako sa sinabi sa akin ni Abbygale. Pupunta ba ako ng kasal? Mahal namin ang isa't isa, pero ayokong maging dahilan para mag away sila ng mama niya. Naikwento ko na ba sa inyo? Fixed marriage lang ang meron sila. Napilitan siyang hiwalayan ako, Mahal niya ako, pero may sakit ang papa niya, at ginagawa niya ito para sa ikaliligaya nito.

Heto naman ako, nagparaya.

Alam kong ilang araw nalang ang ilalagi ng ama niya, YUN ANG INIISIP KO NUNG UNA. Pero simula nung nagkasundo sila nung babaeng ipinagkasundo sa kanya, Lalo pa yatang humaba ang buhay nun, pero ok lang sa akin yun, Hindi naman ako yung taong humihiling ng kamatayan para sa isang tao.

Umupo ako sa kama ko, pinag isipan ko kung pupunta pa ba ako ng kasalan. Kinuha ko yung invitation sa gilid ng desk ko. Tiningnan ko ito ng maigi.

"Pupunta pa ba ako?" Yan ang mga salitang tumatakbo sa isipan ko, Masakit kaya sa pakiramdam na makita yung taong mahal mo na ikakasal sa ibang babae.

Pupunta pa ba ako? Hindi ko alam. Bahala na.

Sa simbahan ako dinala ng mga paa ko. Bawat hakbang ko papasok, kaba ang dulot nito sa dibdib ko. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ko pa naisipang pumunta dito.

Bago ako pumasok sa simbahan, may matandang humawak sa kamay ko, at nagsabing:

"Speak Now, or Forever hold your peace."

Iniwanan niya ako sa lugar na kinatatayuan ko, parang nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niyang iyon. Hanggang sa dumating ang oras na nawala siya sa paningin ko.

Hanggang sa pumasok na ako sa simbahan, nag umpisa ng tugtugin ng Pianista ang tugtog na ginagamit pang kasal. Ang tugtog na yun ay nagmukhang DEATH MARCH sa pandinig ko. Nakita ko si Lester sa altar, inaantay ang parating niyang bride. Isa isa silang naglakad papunta sa kani-kanilang upuan.

Sinusubukan kong makita ako ni Lester, pero hindi niya ako mapansin, nababakas ko sa mukha niya na parang may hinihintay siya.

Andito lang ako Lester, kung alam mo lang.

Songs to Stories Presents: TAYLOR SWIFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon