Chapter 2 Brat

7 1 0
                                    

Tam Tam's POV

Walang ganang pumasok ako sa school. Nakakainis kasi yung balita sakin ni Mommy eh. -_____-

Palakad-lakad lang ako sa campus ng may nakita akong isang lalaking nagsskateboard sa bandang canteen.

"Miss tabi!"

*bogsh*

Nabangga nya yung isang babae na nerd na nakaheadphones.

"Sorry Miss hindi ko sinasadya" Narinig ko na sabi nya. Binigyan nya ito ng panyo kasi natapunan ng juice ang damit nung babae pagkabangga ung lalaki sa kanya. Kinuha naman nya iyon at pinunasan ang sarili.

"Sorry talaga, Ok ka lang ba?" Tanong nung lalaki sa babae.

"Ok lang, sige may klase pa ko eh" sagot nung babae na halatang namumula ang mukha pagkakita nya dun sa lalaki... Si Kenji.

" Infairness ha." Ok naman sya eh, ang cool nya. Turn on kasi ako sa mga lalaking medyo gangster type kung kumilos pero gentleman na tao.

Pumunta na ako sa klase ko, maaga pa naman pero mas mabuting nandun na ako para makita ko mga mukha ng tatlo kong aso. Haha! Si Jhanelle, Meisha at Fiona.

"Oy day! Ba't ganyan mukha mo? Parang bagot na bagot ka ah?" Bungad sakin ni Meisha pagpasok ko ng room.

"Nakita ko kasi mukha mo." Pang-aasar na sabi ko. Habang natatawa naman si Jhanelle at Fiona.

"Ge. Ganyan ka na sakin ah." Malungkot na sabi nya.

"Uy Girl! Di ka na nasanay dyan sa ugali ni Tam Tam. Hahaha!" Dugtong naman ni Jhanelle na tawa pa ng tawa.

"Si Mommy kasi nakakainis" Hays! Grabehan talaga to.

"Anyare? Tanong ni Jhanelle. "Siguro nagsigawan kayo gamit ang korean language noh?" Dugtong ni Meisha. "Uy bakit nga Tam?" Sabi ni Fiona.

Hays! "Remember nung Saturday? Nung Coffee Party ni Stephanie? Alam kong bata pa ako para gawin yun. Kaya ako di nakapunta sa Coffee Party kasi that time nakipag........." Hindi ko gusto sabihin sa kanila kasi baka ipagkalat nila at malaman ng iba baka masira lang image ko sa school.

"OMG! Ba't mo ginawa yun? -Jhanelle
"Nalaman na ni Mommy at Daddy mo? Ano sabi? -Fiona
"Bakit? Pano na yan! Sino ang ama? Waaaaah Tam pano mo mapapalaki ng maayos yang bata! Teenager ka pa lang Tam na walang alam sa pag-aalaga ng bata. Huhuhuhu" -Ang pinaka-OA sa lahat na si Meisha.

"What the fvck, Anong pinag-iisip nyo? Haysh! -_____- Mga utak nyo sarap prituhin." Ay mga baliw na toh? Kung ano ano pinang-iisip.

"Huh? Kung hindi ka nakipag-you know! Eh ano pala? >__<

"Nakipagcar-racing ako" Bawal naman talaga yun sa mga teenagers diba?

"Pssssh. Kala namin kung ano na! Nalaman ba ng Mommy mo kaya ka ganyan ngayon?"

"Oo. At bawal na daw ako magdrive ng kotse ko." Nakakaiyak. :'( Ang Baby Terrence ko. Huhuhu! Yun ang ipinangalan ko sa car ko kasi.... wala trip ko lang XD

"Tch . Baliw ka naman pala eh. Magagalit talaga si Tita Michelle sayo nun" Hindi na natuloy ang usapan namin kasi dumating na ang Teacher namin.

Hays! Nakakaantok talaga ang Science! -_______-

______________________________

Bored akong umuwi sa bahay after ng class ko. "Hays" Napabuntong hininga na lang ako pauwi eh kasi ba naman namimiss ko ang kotse ko! Huhuhu.
Habang pauwi, dumaan muna ako sa isang malaking tindahan na malapit sa bahay. Bumili ako ng chuckie at malaking clover na syang kinaaadikan ko.

Habang basa counter, "Miss, Php 75.00 po lahat" Inabot ko sa kanya kung bayad. "Ibabalot po ba sa plastic?" Nabeastmode ako sa sinabi nung counter. "Hindi! Ilagay mo sa sako para kasyang-kasya!" Pagtataray ko sa counter. Beastmode na nga ako dahil sa boring at nakakaantok kong teacher, tatanungin pa ko ng ganyan! Commonsense nomon oy! -____-"

Hindi ko na pinatagal pa ang pagsstay ko dun sa bwesit na tindahan na yun. Lumabas na ako kaagad at naglakad na ako papunta sa bahay.

Nasa harap na ako ng gate ng bahay namin at may nakita akong isang box doon at tsaka kinuha. "To: Tamie Akishi, Thanks for inspiring me everyday. -Anonymous"

Yan yung nakalagay sa note. Eh? "Weird" pumasok na ako sa loob ng bahay at nilagay ko lang sa sofa yung box. Hindi lang ako sanay. And it is not cool.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sorry sa napakatagal kong update! Huhu. Nakalimutan ko kasi yung password ng wattpad acc ko eh! :'(
And now I'm baaaack. Hahahaha!

Mood of the day: Hapiness.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unhappy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon