Chapter 3

1.3K 18 0
                                    

CAVITE

"Aria, may bisita ka."

Isang linggo siyang naglagi sa bahay ng mga lola niya at nagdahilan siya sa trabaho na may sakit. Tawag ng tawag si Gary at pati si Dahlia. Nagsend pa ng text messages ang mga ito at nagkukunwaring concern na concern pero sinabi niyang nagkaroon ng emergency kaya bigla siyang nawala. Patawarin siya ng Diyos pero idinahilan niya ang kaniyang lola. Later on, sinabi niyang nahawa siya sa trangkaso kahit hindi totoo. Ang ipinagtataka niya ay hindi nagpunta ang mga ito sa bahay ng mga lola niya kahit pabalat bunga. Kung talagang gusto siyang makita at makausap ay sasaglitan siya pero siguro ay ganoon talaga kapag guilty— magaling gumawa ng dahilan.

Nagsend pa ng message na kapag magaling na raw siya saka sila magkita. May pa-I miss you pa ang dalawa. Hindi man lang nangilabot. Mga walanghiya. Paano ba nasisikmura ng mga ito na lokohin siya at gawing tanga? Somehow, she thinks Gary can do this to her. Maraming lalaki ang nagloloko. But Dahlia? She is her best friend. Wala siyang natatandaang kasalanan sa babae. At wala rin silang pinag-awayan kahit noon.

"I'm tired, Ma. Pakisabing sa ibang araw na lang bumalik. " Whoever that is, wala siya sa mood.

Nakuha niya ang kaniyang kotse sa bar na pinuntahan niya nang gabing 'yon at dahil family owned ay may malasakit ang mga ito sa mga customers. Walang gasgas ang kotse niya o sabit. Wala rin attempt na basagin ang bintana para pagnakawan ang loob.

"Nasa labas si Gary. Nakakahiya roon sa tao. Aba, umayos ka at baka mawala pa sa 'yo ang lalaking 'yon. Baka tumandang dalaga ka, ikaw rin."

Dumapa siya sa kama at pagkaraan ay bumangon. Ayaw niyang ipahiya ang mga magulang. At mabuti pa nga siguro kung tapusin na niya ang relasyon nila para hindi na siya kulitin pa nito. Inayos niya ang sarili at saka lumabas ng silid. Naabutan niya si Gary na ngumingiti at panay ang type sa cellphone. Hindi niya kailangang makita para malaman na may kalandian ito. At sino pa ba ang babae kung hindi ang kaibigan niya?

"Hi, sweetheart." Magiliw ang naging pagbati nito sa kaniya nang maramdaman ang presensiya niya. Tumayo ito at akmang yayakap nang umatras siya. "What's wrong?" Kaagad na kumunot ang noo ni Gary. "Magaling ka na 'di ba? Wala ka ng germs."

Pero ikaw mayroon. Gusto niya iyong isagot sa lalaki 'yon pero nagpigil siya.

"We can't be too sure. Mabuti na 'yong sigurado." Itinuro niya ang sofa na inupuan nito kanina. She did a mental note of sanitizing it later. Aria chose to sit across from him. "What brought you here?"

Napatawa si Gary. His usual charming smile that she used to love doesn't appeal to her anymore. Back then, may mga lalaking nagtangkang manligaw sa kaniya. Gwapo, matalino at galing sa mayamang pamilya. Pero mabilis na sumuko ang mga ito. That told her that their feelings weren't true as it is short lived. Si Gary lang ang nagtiyaga at hindi niya maiwasan na makaramdam ng kirot. How could he throw everything away so easily? Baka nanawa na rin ito sa kaniya kaya tumikim ng iba.

"You are being weird, sweetheart. Of course I want to see you. I missed you. And I haven't thank you yet for the birthday party. I had fun, pero mas masaya sana kung hindi ka biglang nawala. Okay na si Lola?" Tumango siya at pekeng ngumiti. "What's wrong? Why do I feel like you don't want to see me? You barely talk to me. You don't want me to touch you. What's going on, Aria?"

Finally, Gary called her by her name. Naaasiwa siya kapag tinatawag siya nitong sweetheart. That endearment used to make her swoon, pero ngayon ay nagtitindigan ang mga balahibo niya. Ano nga ang tawag ni Gary kay Dahlia? Honey? Yuck.

"I need a break."

"Okay," nalilitong sagot nito. "Babalik na lang ako sa ibang araw." Titig na titig ito sa kaniya na para bang binabasa ang nasa isip niya.

"No." Umiling si Aria. "You don't understand. Hindi mo kailangang bumalik sa ibang araw."

Nakita ni Aria kung paano magngalit ang bagang ni Gary. "Are you breaking up with me? Is that what you're trying to say?" Hindi siya umimik. "Why are you doing this to us? Wala akong matandaan na pinag-awayan natin. We were so happy last week."

Sinalubong niya ang mga mata ng nobyo at hindi siya makapaniwala na kaya nitong tingnan siya ng diretso. Ganoon kakapal ang mukha niya? Hindi siya nakokonsensiya kahit kaunti na niloko siya nito? No remorse at all?

"Let's get married," pagkaraan ay bulalas nito. Ikinagulat ni Aria ang sinabi ni Gary. Kung magsalita ito tungkol sa kasal ay para bang nag-aaya lang na mamasyal kung saan.

Ang pag-aasawa ay hindi ginagawang biro. Sagrado ito para sa kaniya dahil maganda ang naging ehemplo niya. Mahal na mahal ng mga magulang niya ang isa't isa. Even her grandparents on both sides are living in harmony despite the old age.

"I know I don't have a ring but we can pick something you like and—"

"I don't need a ring, Gary. Hindi 'yon ang sukatan para pakasalan kita."

"If you don't want marriage, then what do you want?" inis na tanong nito sa kaniya.

"I need a love that's true."

Tumiim ang titig ni Gary sa kaniya. "A love that's true— we have that. Mahal kita. Hindi ako magtitiyaga na manligaw ng ganoon katagal kung hindi kita mahal. Dalawang taon na tayong magkasintahan, why would you think our love is not true?" Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito. He is angry at her. "Did you meet someone?"

Siya? Siya pa ang pinagbintangan.

"Did you cheat on me?" tanong nito sa kaniya.

Putangina. Hindi niya napigilan ang mapamura sa isip dahil alam na alam nito kung sino ang nagloko sa kanilang dalawa... kung sino ang nauna.

"Did you?" balik tanong niya sa lalaki.


The Grumpy CEO Married Our MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon