Chapter 6

1.7K 17 0
                                    

Nang magbalik si Aria sa table nilang magpipinsan ay pinagpapawisan siya ng malamig. Pumipitik ang ugat niya sa may sentido at kahit kumalma na ang sikmura niya ay hindi pa rin siya mapalagay. Lalong sumakit ang ulo niya sa malakas na tugtugin at hiyawan ng mga tao. So she shut her eyes at saka sumandal sa upuan.

"Are you okay? You didn't drink but you looked wasted as fuck." Wala talagang filter si Blanca kahit noon at mas lumala pa nang tumanda. Sa kanilang magpipinsan ay ito ang pinakamatabil ang bibig.

Aria didn't open her eyes. "I need air."

"Or maybe you just need to get laid." Tumawa si Carri at may paghampas pa ito sa hita niya.

"Your mouth, Carri," saway niya sa pinsan. Nahawa na ito kay Blanca. Ah, who are they kidding? Matabil lang ang mga bibig ng mga ito at mukhang pasaway but they are still unexperienced. Maybe they experienced a kiss here and there, but they are virgins.

Unlike her.

"Oh come on, Aria. We are all adults now. Hindi na tayo mga bata. Pwede na ngang gumawa ng bata e." Humagikhik si Carri. Inirapan niya ito. Pero napansin niya ang pagkunot ng noo ng pinsan at sinundan niya ang tinitingnan nito. "Isn't that Gary?"

Hindi umimik si Aria. Wala na sila ng dating nobyo at kung lumabas man ito na may kasamang iba, wala na siyang pakialam doon. She won't be surprised if he is out with Dahlia pero hindi ito ang babaeng kasama nito. Aria doesn't know this one at mukhang bago.

"Kaya naman pala sumama ang pakiramdam mo kasi may bagyong ex." Delayne's attempt to make her laugh was poor pero ngumiti rin siya ng bahagya. "Huwag na lang natin pansinin. We are here to celebrate Aria. Available na siya ulit!" Kinuha nito ang alak at dahil may tira pang kaunti sa baso ng pineapple juice ay naki-join siya.

Aria doesn't care about Gary and his new girl. Malaki ang problema niya kahit hindi pa siya sigurado at wala pang ebidensiya. Siya 'yong tipo na bagong maging problema ay nabigyan na niya ng solusyon. Pero sa pagkakataong ito, walang ibang lunas. She's not sick. She might be pregnant. Isa pa sa iniisip niya ay kung paano magrereact ang mga magulang niya kung sakali.

One day at a time.

She told herself to take a deep breath. Sa dami ng iniisip niya ay halos malimutan niyang huminga. True to her word, Blanca brought her home by midnight at sa kwarto niya natulog. Blanca used her make up remover at pati ang closet niya ay pinakialaman. She borrowed her cotton shorts and oversized shirt saka nahiga sa kama. She did the same and just when she thought Blanca's asleep, bigla nitong tinawag ang pangalan niya.

"What is it?" Aria rested her arm on her forehead and closed her eyes.

"You don't seem okay. May problema ba?"

"Wala," tanggi niya.

"We may not see each other daily but we talk, Aria. Alam ko kung kailan ka masaya at may iniinda. I'm a good listener."

Bumuntong hininga si Aria. Gusto man niyang sabihin ang tungkol sa hinala niya ay natatakot siya. Blanca might panic and tell on her.

"Ang dami mong ininom na pineapple juice kanina. Hindi ba nangasim ang sikmura mo?"

"Hindi naman."

"Then why did you run to the bathroom? Are you pregnant?" Aria knew she was going to ask. Nurse si Blanca sa US. Kahit walang preno ang bibig nito ay may sense naman kausap.

"Hindi ako buntis," tanggi niya. Hanggang hindi siya nakakapagtest at hindi nacoconfirm ng doktor ay pangangatawanan niyang hindi siya buntis.

Natahimik saglit si Blanca. "No symptoms?" Umiling si Aria. "You were in a relationship for two years. Did you have—"

"No. Never," mariin niyang tanggi.

***

Nang magising si Aria kinabukasan ay tanghali na. Blanca already left at nasa laundry basket na rin ang hiniram nitong pantulog. She got up and went to the washroom to wash her face and brush her teeth. Nakaramdam siya ng hilo kaya saglit na napasandal sa may hamba ng pinto.

"Manang, sina Mommy?" tanong niya sa kasambahay nang makababa sa sala. Naroon ang kasambahay nila at nagtatanggal ng alokabok sa mga muwebles.

"Umalis sila ng Daddy mo kanina. May luncheon meeting kasama ang—" Saglit itong natigilan at pilit na inaalala ang pangalan ng ka-meeting ng mga magulang niya. "Hindi ko matandaan ang pangalan."

"Okay lang po, Manang." Naglakad ako papunta sa kusina.

"Kakain ka na? Magpapahain na ako kay Saling."

"Ako na po ang bahala, Manang sa—" Biglang natutop ni Aria ang bibig. Nasusuka siya nang may maamoy na hindi kanais-nais. "Ano po 'yong amoy panis?"

Kumunot ang noo ng matanda. "Panis? Wala naman akong naaamoy. Nakapaglabas na kami ng basura kanina pati recycle. Tuwing Sabado ng umaga ang pangalawang pick up ng basurero." Suminghot-singhot pa ang matanda. "Ang naaamoy ko ay itong air freshener."

"Hindi po 'yan e." Nilapitan ko pa ang air freshener at inamoy. Clean linen 'yon kaya mabango. "Amoy panis na—" Sinundan ni Aria ang amoy hanggang kusina at natagpuan niya si Saling na nagsasangag ng kanin. "Saling, ang baho. Panis na 'yan bakit sinasangag mo pa?" Pinisil ni Aria ang ilong para hindi maamoy.

"Po? Ang bango nga po ng sinangag. Marami akong tinadtad na bawang at saka sesame oil ang ginamit ko sa—"

Hindi na nakayanan ni Aria at dumuwal siya sa lababo. Wala siyang ilabas kung hindi laway dahil hindi pa siya kumakain. All she had last night was pineapple juice. Nagkatinginan ang dalawang kasambahay at si Manang ang unang nakahuma. Hinagod nito ang likod ni Aria.

"Ano bang nangyayari sa iyong bata ka? Baka kung ano na 'yan. Mabuti pa ay magpacheck up ka na at ilang araw na rin masama ang pakiramdam mo." Binalingan ni Manang si Saling. "Itigil mo muna 'yan at itabi."

Nang kumalma ang sikmura ni Aria at nailayo ni Saling ang sinasangag ay nagsabi siya kay Manang na pakidalhan na lang siya ng soft boiled egg at dalawang basong pineapple juice na maraming yelo. Nagtataka man ang matanda pero hindi ito nagtanong.

✨🌟✨

To continue reading this story:
✔️ Daily update - Goodnovel
✔️ Weekly update - Raven Sanz APP

The Grumpy CEO Married Our MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon