Chapter Four

6 3 0
                                    

"CJ, we have a meeting with Ms. Santos para sa album mo later at 9 AM, okay? Sige na. Baba kana at mag breakfast." Kakagising ko lang at ang anunsyo na naman ni manager Kacey ang narinig ko.


"Okay. I'll follow." Sagot ko sa kanya.


Bago ako bumaba ay tiningnan ko muna ang phone ko.


From: Ate Carisse

Carine, we'll go there later ha? Ahm maybe, 6 PM


Hindi ko na muna nireplyan si ate at sa Facebook ko naman ako nag check.


From: Carine Jasmine Montelle

See you later. J


Oh my God. Heto na naman ang creepy poser ko. Pero, sino kaya to? Tinanong ko si Sky, hindi daw siya eh.


Hindi na ako nagtagal sa pag check ko sa facebook ko at bumaba na upang makapag-breakfast. 6 AM na kasi at may meeting pa kaming pupuntahan ni Kacey at 9 AM. Hay nakakaloka.

Kasalukuyang nasa office kami ng Moon Records - isang recording company na mag po-produce ng album ko. Actually, hindi lang akin dahil may makakasama daw ako sabi ni Kacey.


"Hi. Where's Ms. Santos?" Tanong ni manager sa assistant yata ni Ms. Santos.


Kung nalilito kayo sa tawag ko kay Kacey. Eh, Kacey lang talaga ang tawag ko sa kanya kasi 5 years lang naman ang agwat namin, bale 23 years old na siya. At siya rin naman ang nagsabi na huwag ko siya i-ate at Kacey nalang ang itawag kapag kami lang dalawa.


"She's waiting in her office Ms. Kacey." Magalang na sagot naman ng babae.


Pumasok kami sa office ni Ms. Santos at doon nakita namin si Ms. Santos na nakangiti at sa harap naman niya ay may lalaking nakatalikod sa amin. Siya siguro ang makakasama ko sa album.


"Good morning, Ms. Kacey and CJ. Have a seat." Anyaya niya sa amin at umupo kami sa couch sa harap niya.


"Same to you, Ms. Santos." Masayang bati rin ni Kacey ako naman ay nakangiti lang.


"As to what we have agreed, Ms. Kacey. Here's Lei Espiritu ang makakasama ni CJ sa kanyang magiging album." Pagkasabi noon ni Ms. Santos ay parang napuno ng langaw, paru-paro, lamok at kung anu-ano pa ang tiyan ko.


Bago pa makasagot si Kacey ay nagulat ako sa naging reaction ko at sana ay kakainin nalang ako ni Godzilla pagkatapos noon.


"Lei Espiritu?!" Wala sa sariling sigaw at agad namang nakuha ko ang atensyon ng lalaking nakatalikod kanina pa.


Oh my dad. Totoo nga. Malas


"Hahaha. You are funny talaga CJ." Tanging nasabi ni Ms. Santos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Winning CJ Montelle's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon