Chapter One

18 2 0
                                    


 " CJ, uwi ka agad after your class. You have a mall show at Ayala North Point." Sabi ni Kacey. Ang manager ko. Parang ate ko na rin siya. Siya rin ang naka discover sa akin noong 13 years old ako, habang sumasali ako sa isang contest. Yun nga lang, hindi ako nanalo doon at mabuti nalang, sinalo ako ni Kacey may potential daw kasi ako.


Kasalukuyang nagbi-breakfast ako at naka uniform na. Second year college na ako, Business Management ang nakuha kong course, kasi gustung-gusto ko kasing magka clothing line business balang araw.


"Okay. 8 pm pa iyon, diba?" Tanong ko habang nginunguya ang pancake ko.


"Yeah." Nakangiting sagot ni Kacey habang kumukuha ng fresh milk sa refrigerator.


Papunta na ako ng school, habang nasa byahe nakanagisnan na ni manong driver na ang mga kanta ko ang i-play. Utos rin kasi iyon ni manager, para rin daw makapag-practice ako.


Aura palang ay alam ko nang nasa school na kami. And dami na naman kasing mga estudyante na may hawak ng cam nila, cellphones at kung anu-ano pa. Pero sanay lang din naman ako, dito rin naman ako nag-aral ng first year ako. Sila lang talaga ang hindi pa rin nasasanay sa presensya ko.


Pagkababa ko ay agad akong inilalayan ng dalawang bodyguards ko. Gusto ko rin sanang wala na, kaso pagpipilit na rin ni Kacey. Hay. Miss ko na rin ang isang normal na buhay estudyante. 5 years ko na rin kasing hindi naranasan iyon.

 

"CJ! Manunuod talaga ako ng mall show mo later!"

 

"CJ! You're so pretty!"

 

"Crush!"

 

"CJ!"


At iba't-iba pang mga sigawan nila. Kaya binibigyan ko nalang sila ng ngiti at ang iba naman ay nagpapa-autograph pa. Paulit-ulit yan araw-araw. May bestfriends ba ako sa school? O syempre naman, si Sky at Sandy. Kambal sila. Naging bestfriends kami noong First day ng college ko.


Flashback


"Hi. Business Management ka rin?" Sabi ni Sky. He's a boy obviously.


Nagulat ako, dahil parang wala lang sa kanya. Unlike sa ibang mga estudyante na parang natatakot na lumapit o kumausap sa akin. Meron din naman, kaso parang hindi talaga ordinary ang pag treat nila sa akin.

 

"Y-yes." Sagot ko. At kumuha naman ng atensyon ko ang babaeng tumabi sa akin. Bale nasa gitna na nila ako.

 

"Ano ka ba Sky, not obvious?" Sabat ng babae.

 

"Panira ka talaga Sandy."  Sa nagngangalang Sky na naman ako nakatingin na ngayo'y parang naiinis ang mukha.

 

"I'm Sandy."

 

"I'm Sky."

 

Sabay pa talaga ah? Hahaha. Siguro sobrang close ng mga ito.

 

"And you are?" -Sandy

 

"Ano name mo?" –Sky

 

"Hahaha. Sabay talaga ah? I'm CJ—I mean Carine." Matagal na ring hindi ako nagpakilala bilang totoo ko talagang pangalan.


Pagkatapos noon ay palagi ko na silang nakakasama. Nalaman ko rin na kambal pala sila. At nalaman ko rin na galing pala sila ng States kaya hindi nila alam na singer ako, nahimatay pa nga si Sandy at si Sky at nabulunan  ng malaman nila.


Speaking of.. Nakikita ko na sila, kaya nag nod nalang ako sa bodyguards at naintindihan naman nila.


"Carine!"

 

"Carine!"


Hays. Sanay na ako sa kambal na to magsalita. Laging sabay. Nagkaka-copy-paste kaya ang mga utak ng mga kambal?


Lumapit sila sa akin at dahil early pa naman ay sa garden muna kami dumiretso.


"Sky, bakit namumula na naman yang mukha mo?" Tanong ni Sandy sa kambal niya na agad namang tiningnan ko rin. Parang alam ko na.

 

"Hahahaha. Sino naman ang niloko mong babae?" Pagloloko kong tanong.


Babaero kasi yang si Sky. Kasi naman hindi naman talaga maipagkakaila ang itsura niya no.  Si Sandy naman may pagka nerd, pero kung hindi mo siya close ay hindi mahahalata dahil maganda, fashionista at part rin siya ng cheerleading ng school. Marami ring nanliligaw sa kanya kaya lang, palaging natatakot sa mga banta ng kapatid niya.


"Hahahaha. Kaya pala hindi ako mapakali kanina, kasi may nangyari na naman sayo." Dagdag pang biro ni Sandy.


"Carine, ikaw nalang kasi." Sabi ni Sky na naka-akbay na sakin. Sanay na ako sa mga biro nito, pero aaminin ko crush ko ito. Yun nga lang hindi pwede kasi nag-iisang guy bestfriend ko nga lang siya eh.


"Hahaha. Asaness Sky? May Lei na yan, remember?" Agad akong namula sa sinabi ni Sandy. Awtomatikong nawala naman ang pag-akbay ni Sky sa akin.


"Aush. Ano ba kasi ang meron sa Lei na yan?"  Oo kilala nila ang lalaki na iyon.


"Ano? Pakiulit nga?" Pagtatanong ko na parang hindi ko narinig ang tanong kahit deep in side, ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.

"B – I –T" Nagkakantang sabi ni Sandy. Sabay tingin sa kapatid niya at naintindihan naman nito.


"T – E –R" Na pinatuloy naman ni Sky. Teka—?!


"Hoy. Hindi ako bitter!" Sigaw ko na agad ng nag walk-out sa kanila.


Tamang-tama lang din naman, dahil agad ring nag bell, para hudyat na kailangan na naming pumasok ng classroom.


——-

Yayy. Chapter One! XD

Follow me on IG guys! @SasakyangBubuyog

Winning CJ Montelle's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon