"Kahit mahal kita.. Wala akong magagawa, tanggap ko. O aking sinta..." Kumakanta ang batang ako. Si Carine Jasmine.
"Ayeee. Gusto na rin niyang maging singer, para pareho sila ni Kurt." Tukso ni Ate Carisse.
"Hmm. CJ? Are you ready? Five minutes at lalabas kana." Tanong ni Kacey at agad naman akong bumalik sa kasalukuyan, galing sa aking nakaraan.
"Yes. Manager. Kace." Parang nahihirapan akong magsalita.
"Hey. Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Kacey.
"Yes. Where's the mic?" Sagot ko habang pinipilit na maka recover. Kasalukuyang nasa backstage na ako.
"Here." Sabay abot ni Kacey ng mic sa akin.
Inhale. Exhale. Relax, CJ. You can do it.
"CJ? In three, two, one. OUT!" Sigaw ni Kacey. At bumungad sa akin ang dagat ng tao na naghihiyawan sa Ayala.
"Mabuti pa sa Lotto.. Maypag-asang manalo. Di tulad sayo.. Imposible."
May pinanghuhugutan talaga ha. Pangarap Lang Kita ang kanta ng Parokya ni Edgar. Na kinanta ko noon. 9 years ago. Maraming emosyon talaga ang nararamdaman ko, everytime na kinakanta ko ito. Noon, excitement at saya dahil iisang tao lang ang nasa isip ko tuwing kinakanta iyon. Si Lei Christian. Pero ngayon, lungkot dahil sa kaalaman na talagang Pangarap ko lang talaga siya. Galit dahil sa ginawa niya at paghihiganti, na someday makikita ko siya at pagsisisihan niya ang ginawa niya. Pero bakit ito pa rin ang kinakanta ko? Sabi kasi ni Kacey ay nag-iiba raw ako kapag ito ang kinakanta ko at sabi rin niya ito daw ang request ng nakakarami na kantahin ko. Kitams? Wala lang akong choice kaya ganun.
"Pangarap lang kita..." Palakpakan at hiwayan na ang sunod kong narinig. May isa pa akong kinanta at pagkatapos noon ay picture taking and giving of autographs sa mga fans ko.
Then, there's a guy na talagang nakakuha ng atensyon ko. Guy in all black, nakataas ang buhok, mukhang rockstar o emo. I can't clearly see his face kasi naka sunglasses.
"Hm. CJ.. CJ?" Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ng lalaki sa harap ko.
"Oh. I'm sorry. Hm what's your name?" Tanong ko upang matabunan ang pagkawala ko sa sarili. Habang pinipermahan ko na rin ang album ko na pagmamay-ari ng guy.
"Its.. Christian." Sagot niya. At agad ng lumakad palayo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko na parang namumutla ako.
"Hm. Hi guys. I guess CJ is tired already. See you next time. I hope that you will continue to support CJ. And.. Abangan niyo rin po, ang bagong album ni CJ at ang magiging kasama niya. Thank you so much." Narinig kong anunsyo ni Kacey at agad namang inilalayan ako pabalik sa backstage.
