RIMD: Dream #15

275 17 0
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #15

Gabi-gabi, sa tuwing matutulog ako, hinihiling ko na sana, bumalik ako sa lugar kung saan makakasama ko ang taong mahal ko.

Gabi-gabi, umaasa ako na sana, makita ko ulit yung taong mahal ko na nasaktan ko ng sobra

Gabi-gabi, umaasa ako na sana, maibalik ko ang oras. O kung hindi man, hinihiling ko palagi na sana, makita ko ulit siya at maipaliwanag ko sa kanya ang lahat. . .na mali ang iniisip niya.

Pero araw-araw, sa tuwing gigising ako, palagi akong bigo sa mga bagay na inaasahan ko. Gumigising ako na walang Reywen Javier ang nagpapakita sa akin. Araw-araw, gumigising ako na nasasaktan.
Ang sakit magmahal ng tao na hindi mo pa nakikita sa totoong mundo.

Ang sakit magmahal ng tao na kahit kailan, hindi mo maipagmalaki dahil kahit ipagsigawan mo sa buong mundo na nagmamahal ka ng tao na nakatira sa mundo ng panaginip, alam mong walang maniniwala sayo. Kasi para sa kanila. . .imposible.

"I tried to figure out kung ano ang nangyari sayo simula last last week na gumising ka mula sa pagkaka-himatay mo. I tried to examine every paintings you paint para malaman ko kung ano ang nasa isip mo ngayon. And all I see was flowers and treehouse and. . .a guy with no face." Bumuntong-hininga si Glezel at umupo sa gilid ko habang nagpipinta ako. "You can tell me everything, Zet. I'm your best friend. I will listen and I will never judge you."

Hindi ako nagsalita. Ipinagpatuloy ko lang ang pagpi-paint habang tumutulo ang mga luha ko.

"You've been very quiet for the past two weeks, Zet. Kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sayo."
Itinapon ko ang paint brush ko dahil hindi ko na kayang ibalik sa dati ang emotion ng paintings ko. Parang. . .parang nawalan na ng emotion. Nakakainis!

"Suzette! Ano bang nangyayari sayo?" Halos pasigaw na sabi ni Glezel nang magulat siya sa pagtapon ko ng paint brush.

"Hindi niyo ako maintindihan! At alam ko na kahit kailan, hindi niyo ako maiintindihan!" Sigaw ko.

"Suzette, alam mong hindi totoo yan. Ano bang sinasabi mo? Best friend kita. At kahit na anong mangyayari, iintindihin kita. Kahit na gaano kahirap na intindihin ka, gagawin ko kasi mahalaga ka sa akin. Kasi best friend kita!"

Pinulot niya ang paint brush na itinapon ko at inilagay iyon sa table na pinaglalagyan ng mga pintura.

"Hindi mo ako kayang intindihin, Zel. Dahil noong una pa lang na hindi mo ako pinaniwalaan, hindi mo na kaagad ako naintindihan." Hindi kaagad siya nakapag-salita dahil sa sinabi ko kaya nagsalira ulit ako. "Glezel, hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin na mismo yung best friend ko, hindi ako pinaniwalaan sa sinasabi ko."

Umupo siya sa higaan ko at hinawakan ang kamay na nasa lap ko.

"Suzette, kung ito yung tungkol sa mga napapanaginipan mo. . .pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung anong meron doon at ganyang nasasaktan ka?"

Tinanggal ko ang pagkaka-hawak niya sa kamay ko.

"Kahit sabihin ko sayo, alam ko na hindi ka maniniwala."

"Makikinig ako, Suzette. Pangako."

Niyakap ako ni Glezel nang magsimula na naman akong umiyak. Ikinwento sa kanya ang lahat.

"Nasaktan ko siya, Zel. Nasaktan ko siya. Mahal niya ako pero sinaktan ko lang siya. Napaka-walang kwenta kong tao. Nakaka-paksyet ako dahil naging duwag ako. Natatakot lang akong masaktan ulit kaya ko nagawa yun. Gusto kong magsorry pero alam kong huli na ang lahat. Wala na siya. Hindi na ako makabalik sa lugar na yun kasi ayaw na niya akong makita. Glezel, ang sakit."

Reality in My Dreams [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon