RIMD: Dream #18

266 16 2
                                    

Reality in My Dreams

RIMD: Dream #18

"No. . ."

Kitang-kita ko kung paano dumiretso ang linya ng cardiac monitor ni Reywen. Sunud-sunod na tumulo ang luha ko.

"No. . ."

"Suzette!"

Kitang-kita ko rin kung paano umiyak ang Mama at Papa niya.

"No, Reywen." Sabi ko habang umiiling at umiiyak.

"Suzette!!!"

Tumingin sa akin ang Mama at Papa niya at base sa mga tingin nila, ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng nag-iisa na lang na anak nila.

"Kasalanan mo lahat 'to!" Umiling ako sa sinabi nila. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak namin. Ikaw ang dahilan, dahil hindi mo siya pinakawalan!"

"NO!!!"

"Suzette, wake up!"

Napamulat ako ng mata nang marinig ko si Allaine na tinatawag ang pangalan ko. Kita ang pag-aalala sa mukha niya. Umupo ako at mabilis siyang niyakap at doon, umiyak ako ng umiyak. Nananaginip lang pala ako. Akala ko, totoo na.

"What happened?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ko.

Wala akong nagawa kundi ang humagulgol habang paulit-ulit lumalabas sa bibig ko ang mga salitang. . .

"I'm sorry, Reywen. I'm sorry. I'm sorry."

Hindi. Hindi ito panaginip. Isa itong bangungot. Bangungot na kailanman ay hindi ko na aasamin pang balikan.

***

Simula nang dalhin ako ng Dream Catcher sa nakaraan at kasalukuyan ni Reywen, two weeks ago, gabi-gabi na akong nananaginip ng ganoong klaseng panaginip. Panaginip kung saan nakikita kong nawawala ng tuluyan sa akin si Reywen. Yung mga pangyayaring kinatatakutan kong mangyari, nangyayari sa panaginip ko.

Kung pwede lang huwag na lang matulog para di ko na ulit maranasan yung mga ganoong pangyayari kahit na sabihing panaginip lang iyon, ginawa ko na. Pero hindi ko rin naman pwedeng pabayaan ang totoong buhay ko dahil sa mga napapanaginipan ko.

Ang gulo.

Ang gulo ng buhay ko.

"Wala ka na bang gagawin kundi magmukmok na lang dyan? Palagi kang tulala. Suzette, napapabayaan mo na ang pag-aaral mo." Sabi sa akin ni Kevin noog kasabay namin siya ni Glezel at Bernard na mag-lunch. Kasama namin ngayon si Jerisha. Girlfriend ni Kevin.

"Oo nga, tol. Laging tutula." Kumento ni Bernard.

"Gago! Tulala. Katanda mong bulol." Singhal ni Glezel kaya natawa si Kevin at Jerisha.

Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit na ang saya saya na ng usapan nila, hindi ko magawang maging masaya.

Naiinis rin ako dahil kung anong ikina-talino ko sa academics, yun namang ikina-tanga ko pagdating sa pagpapatakbo ng buhay ko.

Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang pababayaan ang pag-aaral dahil lang sa mga nakikita niya sa panaginip? Sinong matinong tao ang magmamahal sa taong sa panaginip niya lang nakilala?

Sino pa ba? Siyempre, si Suzette Duque.

Kahit naman pilitin ko yung sarili ko na huwag maniwala sa mga nangyayari sa panaginip ko, hindi ko magawa, eh. Nagkaroon kasi iyon ng malaking parte ng buhay ko. At masakit isipin na hindi totoo ang lahat ng iyon dahil doon, naranasan kong sumaya. Naranasan kong maging totoo sa sarili ko. Naranasan ko na mahalin ako ng totoo ng isang tao. Ang sakit isipin na hindi totoo ang lahat ng iyon dahil alam kong mali ang iniisip ko. Alam kong totoo ang lahat ng nangyayari doon. Kaya ang sakit paniwalain ang sarili ko na puro imahinasyon lang ang nandoon dahil ramdam kong totoo ang lahat. Ang nararamdaman ko, ang nakikita ko, ang nahahawakan ko, ang lugar na tinatapakan ko.

Reality in My Dreams [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon