RIMD: Dream #2:

504 22 1
                                    

RIMD: Dream #2:

 

These past few weeks, nagiging cold sa akin si Kevin. Hindi ko alam kung bakit. Simula nung inihatid niya ako sa bahay, naging cold na siya sa akin.

Bakit kaya?

 

Gusto kong itanong sa kanya ng diretsahan pero sa tuwing itatanong ko 'yun, ngiti lang ang isinasagot niya sa akin sabay pat sa ulo ko at sasabihin na, akala mo lang 'yun.

Naguguluhan na ako. Kahit kailan, hindi pa kami nag-away ng matindi kaya ayokong mag-away kami ngayon, lalo na't malapit na ang 26th monthsary namin. 2 years and 2 months.

"Kevin. . ." tawag ko sa kanya sabay yakap sa bewang niya at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hmm?"

Nandito kami sa sala ng bahay nila. Wala dito ang parents niya. May business trip daw. Legal kami kaya wala namang dapat ipag-alala. At wala naman kaming gagawin na masama. May galang sa akin si Kevin kaya alam kong hindi niya magagawa 'yun.

"May problema ka ba? Bakit ang cold mo?" tanong ko.

"Wala." sagot niya habang nakatuon lang ang atensiyon sa screen ng TV.

"Yung totoo, babe." pamimilit ko.

Mahabang katahimikan ang nagdaan sa aming dalawa. Walang nagsasalita at wala ding gumagalaw. Kung ano 'yung posisyon namin kanina, ganun parin yung posisyon namin hanggang ngayon.

"Naaalala mo ba 'yung unang araw na nagkakilala tayo?" tanong niya.

"Uh, huh?"

"Gabi noon. Nasa tulay ka, naglalakad at parang wala sa sarili. Umiiyak ka rin noon..."

Bigla ko tuloy naalala ang mga sumunod na parte ng masasakit na alaala ko sa nakaraan…

***

"Papa, ang tanda niyo na para gawin pa 'yan! Mahiya naman kayo sa mga nakakakita sa inyo!" bulyaw ko sa ama ko.

 

Simula ng iwan kami ni Mama, tuwing gabi, iba't-ibang babae ang dinadala niya sa bahay namin. Mga babaeng nangingintad sa make-up ang mukha. Nangangapal ang balad sa mukha dahil sa kapal ng foundation. Sa pananamit palang nila na kulang na kulang sa tela at sa suot nilang makakapal na make-up, alam mo na kung ano ang trabaho nila.

 

"Huwag mo akong pakikialaman. Buhay ko 'to."

 

Right. It's your life. Wala naman akong pakialam, actually. Nahihiya lang ako para sa sarili ko. Simula nang makita ko ang lahat ng ginawa mo kay Mama noong iniwan nito kami, kinamuhian ko na ang sarili kong ama.

 

Ilang sandali pa, dumiretso na sila sa taas, sa kwarto ni Papa. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi na ako magtataka kung isang araw mabalitaan kong marami akong kapatid sa labas. Sa dami ba naman ng babaeng iniuwi niya sa bahay, at idiniretso sa kwarto, imposibleng walang nangyayari sa kanila. Lalong imposible na nagba-bato bato pik lang sila doon.

Reality in My Dreams [2014] ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon