"Oh sige, Kira. Ikaw na ang bahala ha. Aalis na ako." I remain silent. Nandito na pala ako sa sasakyan niya. Ng bestfriend ko. Jazzgh(jaz) Dela Fuente. Kadugtong ng buhay ko. Talking about closeness. Kami na siguro yun. Mula pinganak ako, magkasama na kami. Kahit noong wala pa si ate. Siya na ang kapatid ko. Isa siya pinakamahalaga sa buhay ko. All my secrets, my flaws, my past, and my life alam niya. Best bestfriend award na sya. 19 years old rin siya. Third year college and taking up HRM. Sila rin ang may.ari ng university na pinapasukan namin. Southville U.
".... space out ka na naman".
"HA? " .
"Sabi ko una na ako. Ingat ka ha. And kung ano man yang iniisip mo, alam ko sasabihin mo rin yan. But in the meantime, san ka ba talaga kagabi? Anong nangyari?".
"Yan yung iniisip ko. Anyways mamaya ko na sasabihin, I have to go, bye bhe". You heard it right, yan ang tawagan namin. Bumaba nako sa sasakyan niya.
"Bye bhe. See you sa first day bukas".
"No... it's better. See you when I see you. Di tayo parehas ng sched. Ge uwi na. Babush".
--
Pumasok na ako sa bahay. "Oh kiesh, nandito ka na pala?".
That's my ate. Siya lang tumatawag sakin ng kiesh kasi mga friends ko, si mama at tatay ay kira tawag sakin. Lumingon ako sa kanya. At kasama niya pala si. ... .. "P-paul?".
My ghad why am i stuttering. I should remain calm."Ah . Oo. Sinamahan ko kasi ate mo". Napatingin ako kay ate. Sumimangot siya.
"Ate? What's with the face? Sabi sakin ni Jazzgh, buntis ka raw?".yeah right. That calm.
"That's the matter".
"Ate?".
"False alarm".
"Negative. Hindi buntis ang ate mo". Sabi ni Paul.
"Ha? Bakit?". Ako
"Anong bakit? Kiesh, hindi ako buntis. Hindi kasi eto 3-pointer eh. MVP pa naman sa basketball". Si ate. Tumawa sila. I smile at that thought.
"Ate... you have all the time in the world naman. Akala ko nga pag.uwi ko may pamangkin na ako eh. Wala pa pala."
"Wait. Saan ka nga pala galing kagabi at amoy alak ka na naman ah". Si ate at inaamoy.amoy pa ako.
"Ate, sinusulit lang namin ni Jazzgh ang bakasyon. Eh bukas pasukan na.... No worries ate okay lang ako".
"Talaga baby girl?".
"Oo ate. Ge sa taas na ako. I need some sleep".
Umakyat na ako sa kwarto ko. I'm wearing a smile on my face. Bakit nga ba? Dahil negative? Well siguro.
Sana mairaos ko pa ang buhay ko.