Chapter seven:Our Back Story

4 1 0
                                    


Paul's POV

Isang taon. Isang taon ng kasinungalingan. Isang taon ng hinanakit. Isang taon ng panloloko. Isang tao ng pagdurusa.
Isang taon na pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Na parang hindi nababawasan ang sakit. Ang sakit pa rin talaga.

Ang paulit.ulit mong naririnig at bumabalik sa utak mo ang mga katagang ako dapat ang magsabi.

"Paul...."

"Paul? Bakit Paul ang tawag mo sa akin? May problema ba tayo? May problema ba? Anong problema?". Sunod sunod kong sabi sa kanya. Alam ko kahit hindi niya sabihin, alam kong may mali. May hindi tama. Sa mga kilos at salita niya nitong nakaraang araw. I know there is something wrong with her. May alam na ba siya. ? Alam na ba niya??

Ang dami kong naiisip pero nananatili pa rin siyang tahimik.
I face her. Hindi ko mabasa ang emosyong binibigay niya sa akin ngayon. Blank emotion. Yun yon eh. I need her to talk. Sa mga panahong ganito hindi ko alam kung paano siya aamuin. I held her hand. Pero kaagad niya itong binawi.

"Raven lets talk. Anong----"

"Let's break up"

Mga katagang pilit kong binabaon sa limot. Mga katagang bumabagabag sa aking isip. Tatlong salitang nakamamatay. Tatlong salita pero ang pagdurusa ko'y wagas. Dapat ako yon. Dapat sa aking yong. Linya ko yon.

Katahimikan ang pumapaligid sa amin.

Unti-unting napoproseso ng utak ko ang sinabi niya.

"A-a-anoo?"

"I said let's break up, please"...
Nanatili pa ring blangko ang kanyang ekspresyon.

"Ha-a-a??? Bakit? May mali ba? May nagawa ba ako? Bakit? Di mo na ba ako mahal? Ano? Paano??? O baka naman, nagbibiro ka lang. Alam mo, hindi magandang biro yan. Huwa---"pinutol niya agad ako.
.

"Please Paul. Just let me go"

And just like that, she walked out.

At ngayon patuloy pa ring bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari ng gabing iyon.

At ngayong gabi ang huling gabi na dapat ko siyang isipin. Ngayong gabi magiging parte na talaga ako ng buhay niya. Kung noon, iniisip kong gusto kong maging parte sa kanya pero ngayon iba. Dahil hindi siya ang magiging kasama ko.


Sinasabi ko sa sarili ko na okay na. Kailangan ko ng mag.move on. Pero lintek na puso na yan. Siya pa rin ang tinitibok. Siya pa rin ang hinahanap. Mahal pa rin siya. Siya kaya? Mahal pa rin ako? Hindi. Hindi ko alam. Hindi pwede. Hindi.....
Hindi...

Shadow CastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon