Chapter 10.

13.4K 408 1
                                    

11:00 pm ng makarating kami dito sa Condo ni Sly. Malaki ang unit ni Sly, pag pasok mo ay bubungad sa'yo ang malaking bintana at sa harap ng malaking bintana nito ay mayroon itim na couch na kasya ang 6 na tao, mayroon itim na carpet at mayroon dalawang lamp shade sa magkabilang gilid ng couch.

Pag lingon mo sa kaliwa ay mayroon divider papunta ng kusina niya na kulay gray ang pintura at isang malaking glass refrigerator na panay alak ang laman.

Sa kanan naman ay may 3 pintuan, sa guest room nagpahinga si Cathleen at malamang ay ako rin, pag pasok namin ay binigyan kami ni Paulo ng damit para makapag palit.

Pag pasok ko sa banyo ni Sly ay puting puti lamang ito. Agad akong nag bihis at naghilamos ng mukha.

Pag labas ko ay wala ang dalawa sa kusina o sala.

Sinilip ko si Cathleen sa kwarto pero tulog na ito.

Iika ika akong naglakad at inilapat ko ang tenga ko sa kwarto na sa tingin ko ay kwarto ni Sly. Pero pag lapat ko ay bigla itong bumukas. Nakita ko ang likod ni Sly na puro dugo. Hindi ko ito nakita nung pagdating namin.

Napahawak na lamang ako sa bibig ko at agad na lumapit sa kanila para tumulong.

"Get out!" Sigaw ni Sly.

"Please let me help you." Sagot ko dito.

Sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero tinabig niya lang ito.

"Paulo what happen?" Tanong ko kay Paulo pero hindi ako sinagot nito.

Sa halip ay tumayo si Sly sa kama at hinawakan ako sa braso para ilabas ng kwarto.

"Ano bang problema mo? Tutulong lang naman ako!" Sigaw ko dito.

"I don't need your help!" Diin na sabi nito.

"You don't need my help? Baka nakakalimutan mong hiningi mo ang tulong ko para maging Fiancé mo?!" Mariin na salita ko dito.

Gusto kong gamutin ang sugat ni Sly gaya ng pag gamot niya sa akin.

He glares at me at bumalik na sa kama.

Agad akong lumapit kay Paulo para tanungin kung ano ang dapat kong gawin punong puno na ng dugo ang gloves ni Paulo.

"Mag suot kang gloves at iabot mo sa akin yung dextros." Salita nito.

Agad ko naman itong ginawa kahit nanginginig ako sa takot.

Wala naman kaimik-imik si Sly.

"Tumawag na tayo ng Doctor,Paulo."

"No, mababaw lang ang sugat niya." Salita nito.

"Pero iba pa rin pag doctor na at mukhang hirap na hirap ka na." Salita ko dito.

"Baka maubusan ng dugo si Sly. I'm gonna call our private doctor." Dugtong ko, agad akong tumakbo sa kabilang kwarto para kuhain ang cellphone ko pero naalala ko na wala ito.

Agad kong kinuha ang cellphone ni Cathleen at dinial ang number ni Doctor Lee. Pagkabigay ko ng address ay agad ko na itong binaba.

Tumakbo agad ako ng kwarto ni Sly para bigyan siya ng first aid kit na itinuro sa akin ni Dr. Lee.

Kita sa mukha ni Sly na putlang putla na ito at halatang marami ng dugo ang naubos.

may isang oras din ng nakarating ang Family Doctor namin at sinabing nasa baba na siya ng unit. Agad na bumaba si Paulo para sunduin ito.

Pag ungol na lang ang naririnig ko kay Sly at hindi ko ito makausap.

"Please Sly dont't leave us like this." Salita ko dito habang hawak ang kamay niya.

Pag dating ni Dr.Lee ay agad kaming pinalabas ni Paulo.

"Paulo anong nangyari kay Sly? Bakit siya may dugo napa-away ba siya? Pero kanina ginamot niya pa ko eh, ok naman siya." Dire-diretsong tanong ko.

"Birthday niya na sa isang araw hindi pwedeng mawala siya. Ano ba to bakit puro disgrasya? Kanina pinasok kami ng magnanakaw hindi ko alam kung anong nangyari kila Manang at sa bahay namin." Bumuhos na lang ang luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko at takot.

Agad akong inakap ni Paulo at nag sorry.

Hindi ko alam kung para saan basta patuloy lang sa pag agos ang luha ko.

Inabutan ako ni Paulo ng tubig at umupo sa tabi ko.

"I'm sorry for letting this happen. Please forgive us." Salita ni Paulo.

"Letting this happen?" Tanong ko na may pagtataka.

"Kami ang may kasalanan kung bakit nagka-gulo sa bahay niyo."

"Paano? Hindi kita maintindihan, pinatay niyo sina Manang, si Nanay Virgie? Anong ngyari Paulo?"

"No, buhay sila. Bago pa mangyari yun pinaalis na namin sila."

"Asan sila?" Tanong ko.

Agad na ikinwento ni Paulo ang nangyari mula sa nakita niyang flash ng camera ay pinatawag niya na ang Lyrical Assault gang at inayos ang mga CCTV, baril, pag block out, hanggang sa inakala namin Magnanakaw ang pumasok sa kwarto namin na ayun pala ay isang miyembro ng gang nila, na akala namin kasabwat si Sly na humawak sa bibig ko at pinaghahampas ni Cathleen.

Na natamaan si Sly ng bala sa likod na dapat sa akin tatama. Hanggang sa sinabi ni Sly na Pulis siya para mailabas kami ni Cathleen.

Na inaayos na ng gang nila ang bahay namin sa mga oras na to at lahat ng gamit ay naibalik na sa ayos. Na wala nabasag na display ng bahay kundi mga basag na salamin ng bintana lamang dahil sa iniligpit nila ito at iniligay sa maayos na lugar bago pa nagkagulo.

Ang dami kong hindi maintindihan kung bakit kailangan akong masaktan ng mga kalaban nilang Gang para bumaba sila sa pwesto.

"Alam nila na ikaw ang bagong kahinaan ni Sly." Sagot ni Paulo.

Hindi ko maisip na nangyari ang lahat ng ito sa loob lamang ng isang araw.

Hindi ko alam na pwede pala akong mamatay kanina kung hindi nasalo ni Sly ang bala.

Sa mga narinig ko gusto ko na umayaw sa pakiusap nilang maging Fiance ako ni Sly. Natatakot na akong malagay ang buhay ko at ni Cathleen sa alanganin.

Pero mayroon konting puwang sa puso ko na sinasabing ituloy ko ito para kay Sly.

Biglang lumabas si Dr.Lee at sinabing okay na si Sly.

Agad ko naman itong hinatid at sinabing kung maari ay huwag na ipaalam kina Mommy ang nangyaring ito.

Hinatid na rin ako ni Paulo sa kwartong tinulhyan namin ni Cathleen para makapag pahinga na kami.

"Don't worry everything will be fine." Salita nito.

Nahiga na ako sa kama at tinabihan si Cathleen.

Hanggang ngayon ay marami pa rin tumatakbo sa isip ko, natatakot ako na baka masundan kami ng mga ito.

Nakatingin lang ako sa kisame ng unit ni Sly hanggang sa pagkita ko sa orasan ay mag alas tres na ng umaga.

Nagpasya na akong matulog para makapag pahinga.

********
Votes and comments are highly appreciated! you

Ride or Die?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon