Chapter Thirty Two

5.5K 278 30
                                    

Margaux's pov





Nandito kami ngayon sa perya, nakasakay sa ferris wheel at nag tatawanan habang nag aagawan sa fishball na nasa cup na hawak hawak ni Monique. 

"Akin nga kasi yung toasted." Natawa kong saad habang sinusubiukan na tusokin yung fishball. 

"Nooo. Ako kaya yung nag request kay Kuya na i-toasted yung fishball." Tumatawa naman din niyang sagot at isinubo yung kanina ko pang inaagaw na fishball sa kaniya.

"Eh hindi ko naman kasi alam na mas masarap kapag toasted eh." Pag mamaktol ko ng ibinigay niya sa akin ang cup ng fishball na panigurado ay ubos na yung toasted. 

"Well, now you know." She said and stuck her tongue out like a child. 

Imbes pa mainis ay nag belat lang din ako sa kaniya bilang ganti. 

Tumusok ako ng fishball at tumingin sa magandang tanawin na nakikita namin. Ang taas kasi nitong ferrsih wheel na sinakyan namin kaya kitang kita yung ilaw na nanggagaling sa city. 

"Masama bang hilingin na sana masira yung ferris wheel tapos ma-stuck dito sa taas ? In front of this amazing view?" Monique said while looking at the view in front of us. 

Umiling iling nalang ako sa kaniya bago ulit sumubo ng fishball. "No, as long as I'm with you then I don't care kung ma-stuck man tayong dalawa dito."

Lumingon naman siya sa akin at nginitian ako kaya napangiti din ako pero agad din nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "Wala naman akong sinabi na kasama ka."

Nakasimangot ko siyang inirapan at tumusok nalang ulit ng fishball habang ang katabi ko ay natawa lang. 

Abnormal.

Akmang isusubo ko na yung fishball ng makita kong toasted ito. "Yey! May toasted p--"

"Akin nalang!" Sigaw niya at hinawakan yung kamay ko para maisubo niya yung fishball sa bibig niya pero pilit kong nilalayo yung kamay ko. 

"Noooo! Ako nakakita kaya akin na 'to, dami mo na kayang nakain kanina." Reklamo ko at sinusubukan na isubo yung fishball sa bibig ko pero inilalayo din ito ni Monique sa bibig ko. 

Napatawa ako ng makita ko kung gaano siya kadeterminado na maagaw yung fishball sa akin. Kagat kagat pa niya yung ibabang labi niya. 

"Sige na nga. Sayo nalang, bitaw ka muna ibibigay ko say--Hala ka!" Gulat kong turan ng bigla ngang binitawan ni Mon yung kamay ko. 

Tumalsik sa may bintana yung fishball dahil sa biglang pag bitaw ni Mon. Hinihila ko pa kasi ang kamay ko palapit sa akin kaya nung binitawan niya ay nahila ng malakas palapit sa akin pero sa may bintana tumalsik yung fishball, yung stick nalang yung natira sa akin.

"Shoot..." Rinig kong turan ni Monique habang nakatanaw kami dun sa bumabagsak na fishball at napangiwi ng pumatak ito sa may ulo ng isang babae na hindi namin kilala. 

Kita naming tumingala siya para tingnan siguro kung saan galing yung fishball kaya agad kaming nag tago ni Monique. Mabuti nalang din at pababa na yung ferris wheel kaya hindi na niya pag hihinalaan na kami yun. 

Tumigil yung ferris wheel at isa isa kaming bumaba. 

Nadaan namin yung babaeng napatakan ng fishball kaya hindi namin napigilan na mapatingin sa may ulo niya. May hawak hawak siyang tissue at pinupunasan ang ulo niyang may sauce pa. Blonde yung buhok niya kaya kitang kita yung sauce. 

"Pfffttt... kita ko yung pag dikit ng sauce sa buhok niya..." Nag pipigil ng tawa na turan ni Monique. 

Marahan ko naman siyang siniko. "Shhh...baka marinig ka." 

Undecidedly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon