Chapter 1

9 0 0
                                    


Napakamot ako sa ulo ng marinig ko ang  na katok sa pintuan.

"Raven, gumising kana!" Rinig kong sigaw ni Mama kaya napasimangot ako. Mama talaga istorbo!

"Gising na," sagot ko at pinag buksan siya ng pinto.

"Ma gusto ko pang matulog," nakasimangot kong saad.

"Tss, anong oras ng bata ka! Alas 10 na ng umaga tas matutulog ka parin?!"

Ayoko ng sumagot-sagot pa dahil kabisado ko na ang bunganga ni Mama. Walang preno. Putak ng putak araw-araw at tinalo pa ang inahing manok.

"Bumaba kana dahil may bisita ka," utos niya kaya kumunot ang noo ko.

"Bisita?" Takang tanong ko sa kanya habang tinanggal ang mota sa mata. Yikes kadiri, ang dugyot ko talaga!

"Maagang bumisita mga manliligaw mo," sambit ni Mama kaya halos manluwa ang mata ko sa gulat.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Gulantang kong saad.

"Hindi mo naman tinanong," kaswal na sagot niya kaya napasapo ako sa noo.

"Paalisin mo nga sila," baritadong sambit ko. Ang aga-aga!

"Abay inuutosan mo na ako?" Sigaw ni Mama kaya napapikit ako sa inis.

"Ma naman e!"

Ayoko talagang makita mga pagmumukha nila dahil sumasakit ang ulo ko. Sino bang hindi sasakit ulo noe? Tatlo silang mangliligaw tas magka kaibigan pa.

Tsaka ano bang masamang nakain nila at naisipan nila akong ligawan? Wala namang bago sa hitsura ko, dugyot parin ako at hindi marunong mag-ayos. Anong nagustuhan nila dun?

Mga sira-ulo ata mga taong 'to. Ang daming nagka karandapang babae sa kanila, bat hindi pa nila yon patulan? Ako 'yong na i-stress dito, pag-untogin ko kaya mga ulo nun para mabokolan?

"Bumaba kana at kausapin mo sila. Patigilin mo kong gusto mong itigil at kausapin mo ng maayos, hindi 'yong ikaw ang umiiwas at nagtatago," sambit ni Mama kaya napaisip ako kahit wala naman talaga akong utak.

May silbi pala 'tong utak ni Mama? 'Yon talaga ang nasaisip ko, bwhahaha. Charot lang!

"Oo na, maliligo lang muna ako."

"Mabuti naman at sumagi sa isipan mong maligo. Tatlong araw ka ng hindi naliligo., ang dugyot mo talaga," iling-iling na sabi ni Mama kaya napasimangot ako. Oo na, dugyot na kong dugyot! Paki-alam ba nila? Nakakatamad kaya maligo!

Mabilis akong naligo at nag toothbrush narin ako para hindi ako machizmaze ng mga chismosang kapit-bahay na mabaho ang bunganga ko. Nagbihis narin ako ng simpleng damit para mag mukha akong tao for today's video.

Ano kayang nangyari sa tatlong 'yon? Bat na a-attract sila sa'kin? Wala naman akong pa gayuma reveal.

Nadatnan ko silang tatlo sa sala na nakahilata. Abay feelingness ba nila house nila 'to?

"Good morning!" Sabay-sabay nilang bati sa akin. Wow! Ano 'to scripted?

Bigla namang tumayo si Relian at lumapit sa akin.

"Para sa'yo nga pala," inilahad niya sa akin ang isang singsing at tinanong ako kong handa ko ba siyang pakasalan. Joke lang! Ito naman uto-uto parin. Inabot niya sakin 'yong bouquet of roses at isang malaking stuff toy tas ihampas ko daw sa ulo niya sa loob ng sampong oras.

Hindi naman nagpatalo 'yong dalawa dahil binigyan din nila ako ng condom—este chocolates pala at galing pa raw 'yon sa ibang bansa.

Share lang ba nila? Hindi ko naman tinatanong! Close ba kami para mag kwento sila sa akin?

Bad LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon