Kinuha ko ang bike sa gilid ng bahay at inilabas ito. Balak ko kasi 'tong ibenta para may pang binggo ako kila Aling Tina. Charot lang! Walang patutungohan ang sugal.
Naniniwala kasi ako sa isang kasabihang "There's no good without angel." 'Yon kasi ang narinig ko dati kay Lola kong matalino na gaya ko. Sabi pa niya dati 'she is smart' kaya ako na may originality ede nag globe nalang.
Sumakay ako sa bike at nag simulang mag split at tumbling habang nag pepedal. Kahit na tirik pa ang araw at sobrang init feel na feel ko parin na nasa isang bike racing ako.
Ramdam na ramdam ko ang sariwang tae—este hangin. Dahil sa likas kong pagiging intrimida at pabibo naisipan kong mag no hand.
Dahan-dahan kong binitawan ang manibela kaya sobrang lawak ng ngiti ko ng magawa ko ito.
Feel ko tuloy para akong asong nauulol sayieee.Napapikit ako habang dinadama ang sariwang hangin. Achievement unlock, dati ang smart ko lang ngayon I'm intelligent na!
Iminulat ko ang aking prettyness eyes at halos manluwa ang mata ko sa gulat dahil may itim na kotseng biglang paparating sa harap. Malakas itong bumusina kaya nataranta ako.
Preno!!! P*ny*m*s, ba't ba ngayon ko lang naalala na wala pala 'tong break?! Ayoko pang mamatay baka hindi pa ako qualified sa heaven!
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko na alam kong saan ako nasalampak. Ang sakit ng balakang ko! Nalukot pala ako sa isang sulok, mabuti nalang at mabilis kong nailiko. Namimilipit ako sa sobrang sakit at pansin kong dumudugo ang tuhod ko.
Kung ang one ay isa, bat isa akong dakilang tanga?
Hindi parin ako makatayo, ang sakit ng buong katawan ko, huhuhu.
Bigla namang may lumapit sa direksyon ko. Isang matangkad na lalaking naka shade at naka suot ng black suit. Dont tell me..!
Napatakip ako dahil sa bango ng bunganga ko at dahil narin sa gulat.
Patay naba ako? Kamatayan? Siya naba si Kamatayan? Naka aesthetic ba si kamatayan? Gwapo ba si Kamatayan?
"Are you okay Miss?" Tanong niya sakin kaya inis ko siyang tinitigan.
"P*ny*m*s ka, okay ba ako sa lagay na 'to? Asan bang kokote mo?"
Sira-ulo ata 'tong lalaking 'to, tinatanong pa kong ayos lang ako! Siya kaya masalampak ng ganito?!
"It's your fault Miss, kusa ka nalang sumulpot sa daan," he huskily said. Ang ganda ng boses niya, infairness! Ano ba 'tong iniisip ko? Dala ata to ng pagka bagok kanina!
Hindi ko alam kong ano bang pinag lalaban niya. "So, kasalanan ko pa talaga ngayon?"
"Isn't it obvious?" Masungit niyang saad kaya napairap ako. Hinayupak, tantanan mo aki sa kaka english!
"Wala kang kwenta kausap Mr. Putol ba yang kamay mo? Bakit dimo kaya ako tulongang tumayo e noe?"
"Why should I help you?"
"Pisti ka! Kailangan mo akong tulongan kasi kailangan ko ng tulong."
Mukha naman siyang matino pero bat hindi nita ako maintindihan?
"I guess you're not asking for my help. You're cursing me instead," sabi pa niya.
Nagawa niya pang mag english sa harap ko? Ang diyosa ng mga dugyot ay minsan lang nakaka intindi ng english lalo na kapag nasasalampak.
"I know you can handle yourself later on. Bye Miss Idiot," natatawa niyang saad.
"See you," mahinang sambit niya pero rinig na rinig ko yon.
