Chapter 3

3 0 0
                                    

"Ma!" Tawag ko kay Mama. Nag enjoyable ako kausap ang lalaking rebulto. Ayaw mag salita.  Nakalunok ata ng kaldero?

"Ano ka bang bata ka?! Bat sigaw ka ng sigaw?!" Sigaw rin sakin ni Mama. Ganito talaga kami mag-usap ng aking lovely mother, nag sisigawan kami pero hindi kami nag-aaway.

Natigilan ako at napatitig ang cute kong mata sa babaeng katabi ni Mama.

"Tita?" Usal ko at mabilis siyang niyakap.

"It's been a long time since we've meet pamangkin," nakangiting aniya ni Tita Krisha.

Noong huli ko siyang nakita 7 years old pa ako nun tas tulo sipon pa ako at dugyotin. Ngayon, never mind nalang.

Sobrang tagal na diba? Mabuti pa ang pag-alis ni Tita sobrang tagal pero ang relasyon n'yo hindi. Chos!

"Ma, ang tagal mo dumating," rinig kong usal ng lalaki tsaka tumayo.

Wait, Ma? Hala, don't tell me...

No way!

"Neithan?" Alangang tawag ko sa kanya.

Inismidan niya ako bago ngumisi. "Yes Ms. Idiot?" Nakangising sabi niya kaya bigla ko siyang dinaganan tsaka yinakap ng mahigpit.

Hala, siya ba talaga ang pinsan ko? Promise from the buttom of my large intestine hindi ko siya nakilala kasi ang gwapo niya.

Dati kasi bungi ang isa niyang ngipin, bwhahahaha!

"I miss you," bulong ko sa pinsan ko tsaka kumawala sa pagka yakap.

"I don't miss you," ismid na sabi nito kaya binatokan ko siya.

Feelness niya ba noe? Kahit na gwapo pa siya hindi ko parin makakalimotan na tumae  siya sa short niya dati, hahaha!

"May atraso kapa saken," sabi ko at sinamaan siya ng tingin pero ang p*ny*m*s ini-snob lang ako. Ang dugyot sa personal ay nag tatanim  ng sama ng loob.

"Raven, bumili ka muna ng tinapay sa bakery," utos ni Mama kaya palihim akong napasimangot.

Ako na naman! Si Ate nalang kaya utosan niya! Hindi kaya si Kuya or bunso, bat ako pa?! Charot, ako lang pala ang nag-iisang dugyotin niyang anak.

"Masakit pa ang tuhod ko," pag paparinig ko. Siya nalang dapat ang bumili total malaki na naman siya.

Pinandilatan ako ni Mama kaya nakuha ko agad ang ipinupunto niya. Sasapakin niya raw ako kapag hindi ko sinunod ang utos niya. Walangyang buhay 'to puro pag babantang utos kay Mama.

Wala ba akong freedom sa home sweetie home namin? Kung may sahod lang ang sama ng loob may ipon na ako.

Aalis na sana ako kasi bigla kong naalala na naiwan ko pala ang utak ko. Joke! Wala pala ako nun!

Napabaling ako sa nakahalukipkip na lalaking poste. Lumapit ako sa kanya at kinaladkad siya palabas.

"Will you please stop dragging me out? I'm not a dog. Sasama ako ng matiwasay," masungit niyang saad. Inirapan ko naman siya dahil mas mataray pa siya sa akin.

"Porket gwapo ang sungit na," irap na bulong ko, hininaan ko talaga ang boses para di marinig ng mga chismoso't chismosa.

"Pardon?" Kumunot ang cute niyang noo at tinaasan ako ng kilay.

"Wala—"kang jowa! Tahimik lang kaming nag lalakad sa kalsada habang panay tingin naman ang mga chismosa at chismosong tao.

May nag bulong-bulongan pa na parang ngayon lang nakakita ng magandang dugyot. Wag naman nilang ipahalatang ang ganda ko talaga! Chos!

"Why they are staring at us?" English na tanong ng katabi ko. Hindi ko siya sinagot.

"Hey I'm asking," english niya paring sabi at huminto sa pag lalakad.

" Bakit kaba english ng english? Me don't us understanding!" Pag e-english ko rin. Akala niya siguro siya lang marunong mag english, duh! I'm englisherist!

Bigla nalang siyang natawa sa harapan ko kaya napairap ako.

"Ang sabi ko, bakit nakatitig sila sa atin?" Mahinang tanong niya habang palihim na natatawa. Mabilis akong nag lakad pero nahahabol niya parin ako.

"Nakatitig sila sa atin dahil ang ganda ko," sagot ko sa tanong niga kanina.

Bakit ba siya ngiti ng ngiti? Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda?

"False," pag kontra niya. False? Diba talon 'yon? 'Yong pinupuntahan ng tao para dun sila maligo, false? Diba? Ang gulo niya kausap parang anytime lang mag papa bangs ulit si Dora.

Nakatitig naman kami sa bakery kaya bumili ako ng cookies. Panay pa cute pa ang tindira kay Nate. Ang haliparot! Kung ipalunok ko kaya ang pandecoco nilang walang konserba?! Kung maka pabebe ang p*t*k parang wala ng bukas.

Aalis na sana kami ng may biglang humarang sa harapan namin.

"Hi Raven," nakangiting bati ni Andrea habang palihim na sumusulyap sa pinsan ko.

Wow! Feeling close niya! Sa pagkaka-alam ko ay  plastic lang ang kinakausap niya. Plastic ba ako? Hindi naman, slight lang ata.

"Hello," kunyari bukal sa loob kong bati sa kanya.

"Balita ko mag su-summer class ka," parang malungkot ang boses niyang tanong. Saan niya nakalap yan?

"Saang channel mo ba napanood ang balitang 'yan? Ba't hindi ko alam?"

"Pero totoo ba?" Tanong niya. Chismosa!

"Hindi," nakangising sagot ko.

Binalingan ko ng tingin ang nababagot na si Nate. 

"Hindi totoong mag jowa kayo niyang kasama mo?" Gulat na tanong ng plastic at chismosa kong kaklase.

Nagugulohan ako sa chismosang babaeng 'to. Bakit ko namam jojowain ang pinsan ko? Haler, I'm not like that kaya.

"Love. What does she mean? " Takang tanong ni Neithan at tumutig sa akin.

"What is shelling you crazy? Anong love?" Takang tanong ko sa kanya, parang nangungusap ang mata niya habang tumititig sa akin.

"I know you are mad at me because of what I did earlier but don't deny me to your acquaintance," sabi niya kaya napakamot ako sa ulo. Ano bang pinag sasabi niya? Hindi ko maintindihan, straight english kasi heheh.

Nagugulohan namang tumingin sa amin si Andrea na animo'y nag e-exam na walang maisagot.

"It is indeed true that I'm her boyfriend Ms. " Nakangiting sabi ni Nate pero kahit bobo ako naintidihan ko 'yon. Diba parang sinasabi niya na jowa kami? Tama ba or bobo talaga ako?

"Ah heheh. I'll go na Raven because I need something to do." Pag e-english din ni Andrea. Tumango nalang ako bilang tugon para kunyari na gets ko siya.

"Why did you told that to her?" Pag e-english ko sa harap ni Neithan hanang naka pamaywang. Anong akala niya sa akin hindi nakapag Grade 1? Duh, I'm englisherist in the field of English.

"Tumigil ka sa kaka english, nakaka bobo ka kausap, " sabi niya at iniwan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon