Kabanata 3

7 0 0
                                    

Ilang subject na ang lumipas. Filipino na ang subject namin ngayon.

"Para magkaroon kayo ng mas maraming kaibigan mag groupings muna tayo!" ani ng guro ko sa Filipino.

"Hahatiin ko kayo sa 4 na grupo, mag count of nga kayo ng 1 to 4." Dagdag nya.

1! 2! 3! 4! Sigaw ng mga kaklase ko.
Magkakatabi kaming 4 nila max kaya naman nahiwalay kami ng grupong magkakaibigan. Napasama ako sa group 2.

Laking gulat ko ng ako ang ginawang leader ng grupo namin. Nahihiya ako dahil hindi ko alam paano ko magagampanan ito ng ayos.

"group 2 mga ka grupo ni Patricia, tayo!" sabi ng aking guro.

Laking gulat ko ng makitang tumayo si Kyle! Siya, ka group ko sya! At ako pa ang leader nila! Lalo akong kinabahan dahil ka grupo ko sya, gagalingan ko, gusto ko ay mamangha sya saakin.

Nagpunta ng mga studyante sa kanikanilang grupo. Kinakabahan paden ako.

Patricia, sayo ba ako? Tanong ni Kyle.
Oo, saakin ka. Sagot ko naman.
Ngumiti naman sya saakin pagkatapos ay sinusubukan ko namang pigilang ang kasiyahan.
Kinikilig ako, shet.

Pinagpatuloy ko ang pagaasikaso sa aking grupo, plinano namin ang gagawin pero hindi ko maiwasang tumingin sakanya.
Ano bayan nakaka distract sya!

Oras na pala sa presentasyon namin at kinakabahan kami. Pero nagawa naman namin ito ng maayos at maganda kaya napuri kami ng aming guro masaya den ang aming grupo dahil kami daw ang nagpakita ng pinaka maayos na presentasyon.

Apir! Sabi ni Kyle na kinagulat ko.
Agad ko namang idinikit ang kamay ko sa kamay nya. Kinikilig ako sa ginawa namin. Mababaw oo pero crush ko sya eh ganon talaga. Nang matauhan ako napagtanto ko na nagdikit ang mga kamay namin at sa simpleng bagay na iyon ay nagwala ang nga paruparo sa tyan ko. Sya lang, sya lang ang nakakagawa nito saakin. Kahit naman yung mga dati kong crush hindi nagawa saakin ito.

Masasabi kong masayang masaya na ang araw ko, sobrang saya. Ang mga bagay na hindi ko inaakala na magagawa ko agad kasama sya ay nagawa ko.

May isa pa kaming subject bago ang uwian at bago dumating ang teacher namin sa last subject ay nag kkwentuhan ang mga kaklase ko.
Kausap ni Kyle ang kaibigan nya ay narinig ko ang usapan nila.
"hindi kita nakikitang mag post, madaldal ka sa personal pero tahimik ka sa social media." sabi ng kausap nya. Ito na, feeling ko ito na yung chance ko na malaman ang fb nya!

Agad akong sumingit sa usapan nila, medyo nakakahiya kase hindi naman kami close pero kumakapal talaga ang muka ko pag nag kaka crush.
"Oy, may socials ka pala?" tanong ko
"oo meron, hindi lang ako active."
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at ibinigay sakanya. "Type mo pangalan mo." sabi ko
Medyo nahiya ako pero kapag naiisip kong magiging friends kami sa fb ay natutuwa ako. Agad namang tinype ni kyle ang name nya sa phone ko.
Binigay nya na ito saakin.
Add kita ah. Sabi ko, sabay pasok naman ng teacher namin. Pumunta na sya sa upuan nya sumigaw naman ako ng mahina. "accept moko ah!"

Pinaka matagal na isang oras ng buhay ko ang last subject namin. Ngayong alam kona ang fb nya gustong gusto kona itong tingnan at uwing uwi na ako!

Hays, finally! Uwian na.
Habang nasa byahe pauwi ay iniisip ko ang mga moments namin ngayong araw, kinikilig paden ako. Sobra!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fudgee Bar Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon