Unang araw ng pasok kaya naman naghahanda ako ng sarili. Importante
Ito no! Sabi nga nila "first impression lasts" Dapat pag pasok ko sa room kaaya aya akong tignan.Ngayong school year nangangako ako na magsisikap at magseseryoso ako sa pagaaral. Dapat makasama ako sa with honors, at dapat den maging friendly ako para masaya.
Papunta na ako sa school. Kinakabahan, natutuwa, excited ay nahihiya yan ang mga nararamdaman ko habang papunta at papalapit na sa school.
Nandito na ako, ang laki naman ng school nato ang taas taas pa, mukang bago ako makapasok sa room haggard na ako.
Ilang hagdan ang inakyat ko pagod na pagod agad ako, buti nalang umaga at medyo mahangin at malamig hindi ako pinawisan ng matindi.
Finally! Mahinang pagsigaw ko ng mapunta na ako sa hallway ng floor namin. Ilang room nalang ang lalampasan at konting kembot nalang room kona! Wohoo! First achievement ko ngayong highschool, Congratulations Patricia!
Pero nang lumapit na ako sa room ang kasiyahan ay pagod na nadadama ko kanina ay biglang nawala. Takot, kaba at hiya ang nananaig saakin ngayon. Lord, lord, paano bato? Paano ako papasok, saan ako uupo? Paano kung madapa ako? Lord, ikaw na ang bahala
Nakarating na ako sa room ko at laking gulat ko ng makitang kakaunti pa lang ang nandoon. Ang aga ko ata. Dumiretso ako sa gitnang linya ng silid dahil wala pa masyadong nakaupo doon.
Agad na may kumausap saakin na babae, mabait sya. Nalaman ko den na Maxille ang pangalan nya at naging kaibigan ko den ang kasama nya na si Trisha.
Sila ang una kong naging kaibigan at naginhawaan ako ng magkaroon na ng kaibigan dahil sa wakas ay hindi na ako nagiisa. ngayon may ka kwentuhan na ako.
Nagsipasukan at dumami na ang studyante sa loob nandito naden ang aming guro at nagsimula na ang klase.
Nag pakilala kami ng sarili at agad kong nakilala ang iba pa naming kaklase.
8:00 na wala pading pogi! Ng dalawa saakin na nagpatawa naman saakin.
Pagkasabi naman nila non ay pumasok ang isang gwapong binata.
Napukaw nya ang atensyon ng lahat, pati ako. Nagwapuhan den ako sakanya at sigurado akong marami kami.Ang gwapo! Sabi ng mga babae sa likod, tinanong naman ako ni Maxille
Patricia, gwapo ba? Tulala lang akong nakatitig sa lalaki at walang pakielam sa paligid ko. Huy, huy! PATRICIA!
sigaw ni Trisha na nagpabalik sa mga sensyasyon ko at nagpagulat saakin. O-oh? Sabi ko. Tinatanong ka ni maxille. Nako Trisha, nasagot na ang tanong ko. Titig palang nyan sa lalaki halatang love at first sight eh. Sabi ni maxille sabay tawa ng dalawa.Parang totoo ang sinabi nila ngunit dapat ay hindi agad nila malaman. Dapat itanggi ko.
Huh? Yung muka nya parang walang magagawang tama! Ganti ko.
Tumawa ang dalawa at tinignan ako na tila ba ay nagtatanong kung seryoso ba ako.Ano ba? Wala naman akong gusto dyan, muka kayang tatay.
Tumawa ulit sila.
Wala naman kaming sinabi Patricia.
Sabi ni maxille na natawa parin.
Alam ko yang mga ganyang tingin eh. Wika ko.Ang totoo nyan ay para saakin muka syang adik. Dahil sa mukang ganun sya ay ayaw ko syang kaibiganin. Parang wala namang maiaambag na mabuti yan saakin eh.
Sige sabi mo eh, natawa paden sila na para bang hindi kapanipaniwala ang sinasabi ko.
Recess na at sumama ako kay ish at max papuntang canteen. Si Trisha at Si Maxille ang mga iyon, tinanong ko kase sila kung ano ang nickname nila at sabi nila yun nalang ang itawag ko sakanila. Ako naman si Pat, Patricia na pinaikli.
Nang makapunta na kami sa room ay narinig ko ang isang kaklase na sumigaw ng "kyle!" at lumingon naman ang lalaki kanina na pinaguusapan namin. Yung mukang adik, yung mukang kaka adikan ko. Joke hehe
Ah Kyle, kyle pala ang pangalan nya.
BINABASA MO ANG
Fudgee Bar Love Story
Cerita PendekSi Patricia ay isang mabuting studyante. Magaling, mabait, masipag at maganda sya kaya hindi nakakapag takang maraming nahanga at nasuporta sakanya. Pero hindi lang sya sa pagaaral seryoso, seryoso den sya pagdating sa "love" kapag mahal kanya ay ma...