All ABOUT US
***
÷÷÷CHAPTER 4÷÷÷
ON THE OTHER SIDE
(Isisingit ko muna to XD)Reziah's POV
This is it Reziah!! Ajah heheh Pinagmasdan ko naman ang reflection ko sa malaking salamin na nasa harapan ko. Ngumiti naman ako ng makita ang ayos ko😊😊
"Ready??" tanong ni mama sa'kin
"Yes Ma. I'm ready and I'm damn excited! This is it!!"
Nakangiti naman akong humarap sa kanya. Hinawakan naman nya ako sa magkabilang balikat ko.
"You are so beautiful Ziah. Bagay na bagay sayo ang wedding gown mo. Hindi ko inaasahan na ikakasal ka na. Naunahan mo pa ang ate Zairel mo. Iiwan mo na kami dito sa bahay" naiiyak na sabi ni mama sa'kin.
"Mama naman eh. Wag kang umiyak. Masisira make up mo oh heheh pati ung sa'kin."
Niyakap ko naman si mama.
"Ikakasal lang naman ako Ma. Hindi naman ako mawawala sa inyo."
"Ganun na rin naman yun. Iiwan mo pa rin kami ng papa at ate mo. May sarili na kayong bahay. Wala na akong baby."
"Ma! Tama na nga yan. Wag ka na sabing umiyak ehh. Baka mamaya kapag tinanong dun sa simbahan kung sinong tututol sa kasal namin bigla kang sumigaw dun hah?! Hmmm magagalit talaga ako" pabirong sabi ko sa kanya.
Kumalas naman sya ng yakap sa'kin at hinampas ako sa braso. Tinawanan ko na lang sya😂😂
"Joke lang heheh pero Ma. Thanks for everything. I love you. Wag ka ng umiyak. Pumapanget ka ehh haha"
"Bwesit kang bata ka! Halika na nga at baka naghihintay na sila sa baba."
Lumabas na kami ng room ko at bumaba na. Nakangiti namang lumapit sa'kin sina papa at ate Zai. Niyakap pa nila ako.
"Goodluck baby girl. Inunahan mo pa ang ate mo." - papa
"Eh wala pa syang sinasagot sa mga manliligaw nya pa eh hahah tatanda atang dalaga si ate hahah"
"Tss hindi nuh! May boyfie na ko. Sige na. Tara na at naghihintay na sayo ang Groom mo sa simbahan" - Zai
"Goodluck baby girl. I'm happy for you Ziah" - papa
"Thankz Pa. Thanks for everything. Sa inyong tatlo thank you so much heheh group hug!!"
Natawa naman sila sa sinabi ko at nagyakapan nga kaming magpamilya. At hindi pa nakunteto si mama at ate. Nagpicture taking muna kami bago nila ako inalalayang makasakay sa bridal car ko.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang palapit kami sa simbahan😊😊 excited na kinakabahan heheh ano kayang itsura ng future husband ko? Lalo kaya syang gumwapo sa suot nya ngaun? Gosh, nasasabik na akong makita ka Yoongi Min😊😊
Huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng simbahan. Lumapit agad sa'kin si Tita Yanna. Mommy sya ni Yoongi. Heto na talaga heheh Boo nandito na ko😊 hintayin mo ako heheh.. lumabas naman agad kami sa kotse.
"Your so beautiful Hija."😊
"Thank you po Tita." 😊
"Mommy.. call me mommy now" pagtatama nya sa tawag ko sa kanya.
"S-sige po Mommy"
Nagsimula ng tugtugin yung BEAUTIFUL IN WHITE ni Shane Filan. Instrumental lang yun. Magreready na sana ako para sa pagpasok sa loob kaya lang pinigilan ako ni Mommy Yanna.
YOU ARE READING
ALL ABOUT US
General Fiction#Lovestory #happyending #pain #sacrifices #movingon #lettinggo #trust