CHAPTER 1

2 1 0
                                    

ALL ABOUT US

***

÷÷÷CHAPTER 1÷÷÷

"Saan mo ba ako dadalhin, Baby? Kailangan nakablind fold pa talaga?"

"Secret heheh excited ka na ba?"

"Sobra"

Inalalayan naman nya akong maglakad. Bahagya pang kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang inaapakan ko.

Buhangin?

Nasa beach kami?

Magninight swimming ba kami?

"We're here"

"Saan ba tayo?" Tanong ko uli sa kanya

"Hmmm paradise" tipid na sagot nya

Tinanggal naman nya ang panyong nakatakip sa mata ko.

"Oh My God"

Nilibot ng paningin ko ang buong lugar. At hindi nga ako nagkamali. Nasa beach nga kami. Tanaw na tanaw ko ang napakaganda at malawak na dagat sa harapan ko. Mga cottages na gawa sa nipa. Natatanaw ko rin sa hindi kalayuan ang mga night clubs, restaurants, at mga tiangge..

May mga nagkalat ring turista sa paligid.

"Anong gagawin natin dito?"

Ngumiti lang sya sa'kin. At hinawakan ang kamay ko.

Maya-maya pa may narinig akong nagtitipa ng piano. Nilingon ko naman ito. Kailan pa nagkaroon ng piano sa gilid namin?

Song: BEAUTIFUL

"Wynona, you know how much I love you right?"

Tumango naman ako sa kanya kaya pinagpatuloy nya ang kung ano mang sasabihin nya.

"I want this relationship go to the next level. Gusto ko pag gising ko sa umaga ikaw agad ang una kong nakikita. Pagkakain ako ikaw ang kasabay ko. Gusto kitang makasama habang buhay."

"J-Jungkook"

Nag uunahan ng pumatak ang mga luha ko.

"Wala pa nga sa kalagitnaan ang speech ko umiiyak ka na agad hahah"

Pinahid naman nya ang mga luha sa pisngi ko.

May kinuha naman sya sa bulsa ng pantalon nya. Bigla syang lumuhod at binuksan ang kahetang hawak nya.

"Wynona Valdez, will you marry me?"

"Yes Jungkook!! I will marry you Baby" umiiyak na sagot ko sa kanya.

Sinuot nya sa ring finger ko ang diamond ring at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you Baby. I love you"

"I love you too, Baby"

🎶 YOU'RE BEAUTIFUL
What will we be like together??
I always imagine it like this..
You be with me.. with me......."🎶

- - - - - - - - -

Good evening Guys, welcome to Blue Paradise Resort. And we are here again para bigyan kayo ng panibagong set ng magagandang awitin." Nakangiting sabi ng lalaking may hawak ng gitara sa mini stage nitong bar.

Nandito kami ni Jungkook sa isang bar dito sa resort. At sakto ang punta namin dito dahil may bandang tumutugtog ngayon.

"Here"

Napatingin naman ako sa binigay nya.

"Pineapple juice? Then sayo martini? Ang daya naman" sabay pout

Umupo naman sya sa tabi ko. "Wag kang magpout Baby. Hindi bagay sayo haha"

ALL ABOUT USWhere stories live. Discover now