ALL ABOUT US
***
÷÷÷ CHAPTER 5 ÷÷÷
"May nahanap na ba kayong donor para kay Jungkook doc?"
Ngumiti naman sya ulit "Yes."
"Thank you Lord!!"
Nagyakapan naman kami ni Jaimee sa sobrang tuwa.
"Finally may donor na rin tayo"
"Yes kakausapin ko muna si Mrs Jeon for this. And magsasagawa muna kami ng mga test kay Mr Jeon after that gagawin na namin ang operation."
Lumabas naman ng room ni Jungkook si Tita Jaidaat si Doctor Kim.
"Tita. May nahanap na pong heart donor!"
Hindi naman napigilan ni Tita na umiyak. Umiiyak sya hindi dahil sa lungkot, awa or what. Umiiyak sya this time dahil masaya sya.
"Salamat naman."
"Magsasagawa muna kami ng mga test para sa anak nyo Mrs Jeon. And then sisimulan na namin ang operasyon." Ani Doctor Jeon
Iniwan ko muna sila sa labas at pumasok sa room ni Jungkook. Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay.
"Napakaswerte ko talaga Baby. Dininig agad ng Dyos ang prayers ko. Kunting tiis na lang gagaling ka na. I love you Jungkook"
Hinalikan ko pa sya sa noo bago ako lumabas ng room nya.
"Tita, Jaimee pupunta muna ako sa chapel nitong ospital."
"Sige hija. Ako muna ang bahala dito"
"Ate gusto mo bang samahan kita?" - Jaimee
Umiling lang ako sa kanya
"Hindi na Jaimee. Samahan mo na lang dito si Tita. Saglit lang naman ako ehh.. tawagan mo na lang ako kapag may kailangan dito okay." - Wynn
"Opo ate" - Jimee
Iniwan ko na sila at pumunta na ko sa chapel ng ospital. Umupo ako sa pinakamalapit na bench sa pinto. May mga iilan ring nagdarasal sa loob.
"Thank you Lord, dahil nakahanap na kami ng heart donor para kay Jungkook. Nagpapasalamat rin ako sa pamilya ng taong nagdonate ng puso nya para matugtungan ang buhay ng mahal ko. Thank you dahil dininig mo ang mga prayers namin. Kayo na po ang bahala kay Jungkook. Iligtas mo sya sa operasyon nya."
Nabaling naman ang atensyon ko sa babaeng nakadamit pangkasal. Umiiyak syang naglalakad papunta sa unahang upuan ng chapel.
Sya yung babae kanina!
"Bakit?!" Panimula nito. "Bakit sa dinami-rami ng masasamang tao dito sa mundo?! Bakit yung taong mahal ko pa ang kinuha mo?!! Bakit sya pa?!!😭😭😭 I know I have a lot of mistakes that I've done pero handa naman akong pagsisihan lahat ng yun!! Pero bakit sya pa?😭😭😭 Bakit si Yoongi pa ang kinuha mong kapalit?!! Bakit?!!😭😭😭 Bakit sya pa?!!😭😭😭"
Kung ganun namatay Yung lalaki?? 😭🤧 Walang ibang maririnig dito sa loob ng chapel kundi ang pagtangis lang ng babae.
Nasasaktan ako sa sinapit ng taong mahal nya. Nalulungkot ako sa mga narinig kong sinabi nya at naaawa ako sa kanya!
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
"Alam mo Hindi mo dapat sisihin ang Panginoon sa mga nangyare sayo."
Simula ko. Inangat naman nya ang mukha nya at tumingin sa'kin.
"Lahat ng mga nangyayare sa buhay natin ay nakatakda ng mangyare. It all given and planned by God. Wala tayong karapatang kwesyunin Sya. Lahat ng yan ay pagsubok lang. Sinusubukan Nya tayo kung hanggang saan ang kaya natin."
YOU ARE READING
ALL ABOUT US
General Fiction#Lovestory #happyending #pain #sacrifices #movingon #lettinggo #trust