Chapter XV: I want it!

120 10 2
                                    

CHAPTER XV:Gusto ko din.

A/N: Medyo sidestory tong chapter na 'to. But still Sunny's POV. Medyo boring~

************



"LAMEEEEE!"agad akong tumakbo papunta sa kanya. Hinahabol ko sya, Aba. Yari talaga siya sakin pag-naabutan ko sya. Urgh.



Ang laki ng kasalanan sakin nitong babaeng to! Ay nako. Muntikan na 'kong maghubad sa loob ng c.r na puno ng mga topless na mga Fafa! Halos mahimatay ako sa sobrang kaba. Mapatindig damdamin pa ang peg. Pffffffft!



Shumort-cut ako sa may hallway, alam ko kasing pupunta yun kay Suho at magtatago. Uunahan ko na sya bago pa niya magawa yun!



Habang tumatakbo ako sa may hallway may creepy sound akong narinig sa may C.R. Kaya naman heto ako si tsismosa at tinignan ang C.R ng girls. Tapang ko diba?



Nagulat ako sa nakita ko. May kahalikan na naman si Suho, ibang babae pero sa pagkakataong to umaayaw si Suho. Pero yung babae pilit na nilalapit ang mapupulang labi niya kay Suho.



Nakikita ko kung paano itulak ni Suho yung babae. Ang weird. Tumatanggi siya sa babae? Tsaka si Doreen Moral yun, yung Liberty High SweetHeart. Halos ang daming nagkakandarapa sa kanya, tapos eto si Suho pa-choosy pa akala mo naman yummy.



Sinipa ko yung basurahan sa tabi ng pinto para lumikha ng ingay at maalarma sila. Tinulungan ko sya kasi. Wala. Trip ko lang. Halata namang ayaw niya. Kaya yun.



Kainis! Ba't ba lagi ko nalang siya nakikitang may kahalikan sa c.r? Kadiri sya. Wala ba siyang matino-tinong venue? Tsk. Tsk. Paano kung iba nakakita at video-han sila? Scandal na naman? Nakakabwisit!



Teka. Bat ba ako naiinis? Ano bang pake ko? Edi mabuting magka-scandal siya at tumino-tino na siya at tigilan niya na ang pakikipaghalikan sa C.r. Kadiri.

Habang tumatakbo ako natatanaw ko na si Lame kaya nagtago ako sa pader. Nang dumaan na siya ay agad ko siya hinawakan sa braso niya.



"HULI KA BALBON!"


"Waaah. Mommeeeh!"


"Loka. Ako lang to! Akala mo makakatakas ka sakin ha!"sinimulan ko siyang kilitiin sa tagiliran at sa iba pang parte ng katawan niya. Malakas kasi kiliti nito ni Lame e. Tignan mo nakahiga na siya ngayon sa sahig na parang kinukumbulsyon sa sobrang kiliti. Hahaha! Akala mo Lame haaa!


"Hahhaahhahaha. T-tama n-na! T-tama na! Hahahhaahhaha! P-please. A-ayoko na hahaha di na 'k-ko na ta-takas hahahha"


Tinigilan ko na ang pagkiliti sa kanya at tumayo. Nakakapagod na nakakatawa na yung mukha ni Lame e, umiiyak na sya tapos tumutulo na yung laway. Hahahaha. Nilahad ko yung kamay ko para tulungan siyang tumayo. Hinawakan ni Lame ang kamay ko at tumayo.

Her Boyfriend is a GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon