Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 19: Ignore

16.4K 461 55
                                        

~

"Mommy, let's go to mommy's room na!"binilisan ko ang pagpapalit ng damit dahil kanina pa ako kinukulit ng batang to.

"Wait okay, let me fix myself." Nagsuot lang ako ng jean shorts tyaka white polo. Para talagang nasa summer vacation ako.

Agad kong binuhat si Faye, papuntang elevator at nakasalubong ko pa si Miguel na gulat na makitang kasama ko ang bata.

"Magpapakita na kayo sa penguin niyang nanay ma'am Dianne?"gusto ko tumawa dahil sa tawag nitong penguin. Saakin kaya nanggaling yon.

"Yeah, I need to surrender this kid to her."tumango naman ito tsyaka ako sinamahan sa kabilang hotel kung saan tumutuloy ang nanay ni Faye.

Papasok na sana kami sa loob pero may tumawag sa pangalan ko at pangalan ni Faye.

"Yuki! Faye!" Mga propesora na kaibigan ni Fyerine.

"Omg crush kasama mo pala si Faye!"ngumiti lang ako kay Tanya. Mabilis namang binuhat ni Jana si Faye na mukhang nagaalala.

"Faye bakit ka humiwalay saakin? Alam mo bang muntik na akong patayin ng mommy mo?"naiiyak na sabi niya kay Faye na yumakap rin sakanya.

"I'm sorry tita ninangs kung nag-alala kayo saakin."nakasimangot na sabi nito.

"Ay oo nag-alala rin kami sa nanay mong imbes na mag hanap sayo nagmukmok dahil baka iniwan mo na rin daw siya." Kali.

"What happen to mommy po?" Faye asked.

"Ayon tumba kagabi, lumagok ba naman mag-isa sa bar." She drank? Tss.

"Yuki pano mo pala nakita si Faye?"tanong ni Maycia.

"She saw me, and she said naghiwalay daw sila ni miss jana."paliwanag ko. Tumango lang ang ginawa nila at mukhang nagaalala talaga sila kay Faye.

"Ay Yuki paki gising na rin sa penguin ,dito cottage namin oh. Pakitawag, sabihin mo kakain na."gusto kong tumanggi pero hindi na ako naka pagsalita dahil naglakad na sila papunta sa cottage nila.

Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Fyerine. Ayoko ituloy baka ano na namang gawin niya. Baka batuhin na naman ako ng hindi oras.

Kumatok muna ako pero wala akong nakuhang sagot. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tadaaaa nakahiga parin ito at mahimbing ang tulog.

Lokohin mo na ang lasing wag ang bagong gising dahil baka ikaw ang hindi na magising.

Lumapit ako rito at umupo sa tabi niya. She's sleeping peacefully, pero kapag gising andaming problemang dala dala—

Hep galit tayo sakanya Yuki, hayaan mo siya.

"Laurel get up."malamig na emosyon ang pinupukol sakanya. Mas lumapit pa ako sakaniya at tinapik ang mukha nito.

"Kapag di ka pa nagising, sasampalin na kita."gusto kong matawa sa itsura niya ngayon. She's so cute—dang it!

"Hmm"she moaned, gumalaw ito at humarap ang pwesto nito habang tulog.

"Gising na,"tinapik ko ang balikat nito pero wala! "Isa Laure—"hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla ako nitong hinila.

Ang mga mukha namin ay magkalapit na,konti nalang ay mahahalikan ko na siya. Ayoko! Huwag!

Tumitig lang ako sa mukha nito and okay Fine!! She's so beautiful, kahit tulog. My heart start to beat faster again. Tangina Laurel, anong ginawa mo sa puso ko!

Minulat niya ang kaniyang mga mata kaya naman nagkasalubong ang aking mga paningin.

She raised her right hand and caressed my face. She bit her own lip as she stared at my lips.

Babysitter feat. MotherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon