Bato

5 0 0
                                    

May 7, 2023

Mabilis ang paggalaw ng kapaligiran, tila nanlalabo ang mga ito sa aking paningin.

Ako ay nanatiling nakapako sa kinatatayuan at hindi kayang sumabay sa agos ng karamihan-- tila isang bato na nananatiling nakalubog habang tinatanaw ang pag-agos ng liryong-pantubig sa ibabaw ng katubigan. Nagpupumilit ang katawan kong makisabay ngunit mabigat ito at hindi kayang iangat ang sarili para sabayan ang agos ng kawalan.

Naiiwan na ako.

Nananatili sa likuran, habang tinatanaw ang kanilang paglayo.

Ayaw kong manatili rito at pagmasdan ang pagbabago at pagkawala ng lahat.

Gusto kong gumalaw, umusad, at makisabay sa takbo ng bawat isa.

Kaya ko ba?

Letra at SalitaWhere stories live. Discover now