May Mahal Siyang Iba </3

889 54 76
                                    

Her POV

"Yani umiiyak ka na naman ba?" Sabi sa akin ng bestfriend ko.

Kanina pa ako nakaupo dito sa isang bench sa may school namin, nagpapahangin wala pa naman kasing klase.

Di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nakita pa tuloy ako ng bestfriend ko.

"Hindi best napuwing lang" sabi ko sabay pahid ng aking luha saka ako humarap sa kanya at pilit na nagkurba ng ngiti sa aking labi.

"Hay nakoo alam ko naman umiiyak ka e, siya na naman ba?" Sabi ni Jen at saka ako tinabihan at tinap sa likod.

Kilalang kilala na niya talaga ako. ╭(╯^╰)╮

"Wag ka ng umiyak best, hindi ka ba napapagod? Tama na please." Dugtong pa niya.

Naramdaman kong lalong nagsikip ang dibdib ko kasabay nito ang pag agos lalo ng luha ko. Hindi ko na kinaya, tama nga siguro siya dapat itigil ko na.

Pero mapipigilan ko pa ba?

Matagal na akong mayroong pagtingin sa isang lalaki, hindi niya alam at mas mabuti na yung hindi niya nalalaman.

Siya si Harry and its been 3 years ko na siyang gusto. Di ko alam kung pagmamahal na ba itong masasabi ang alam ko lang ay gustong gusto ko siya.

Simula ng tumuntong ako ng highschool naging kaklase ko siya ngunit di kami nagpapansinan.

At pagtungtong ko ng grade 8 hanggang ngayong grade 9 na ay siya pa rin, pero hindi na kami magkaklase schoolmate na lang.

Mula sa malayo lagi ko siyang natatanaw, hindi ko siya abot dahil abot na abot na siya ng iba.

Gets niyo ba? Sorry kung magulo ako. Ganito daw kasi pag nagmamahal ka. NakakaTANGA.

So bakit ko nga ba siya iniiyakan? Alam kong mababaw lang ang dahilan, baka nga ako'y inyo pang pagtawanan.

Nabalitaan ko kasing mayroon siyang nililigawan, matagal na pala at ngayon ko lang napagalaman.

Oo na ako na ang dakilang stalker, nasungkit lang naman kasi ni best ang bagong chismis na yun.

Maganda yung girl, talented, mabait. Sino nga ba namang hindi magkakagusto sa kanya hindi ba? Ano nga lang ba ako?

Ako lang naman yung taong may lihim na pagtingin kay Harry.

Nung sabihin sa akin ni best yun ewan ko ba pero bigla na lang ako nakaramdam ng sakit, paninikip ng dibdib. Nag init ang mga mata ko at tuluyan ng nabasa at doo'y tumulo na ang aking mga luha.

Bakit nga ba ako nasasaktan? Dahil baa napamahal na siya sa akin?

Hindi ko din alam ako mismo ay naguguluhan na rin. Hindi ko na alam ano ba ang tunay na ipinaihiwatig na aking damdamin.

Mahal ko na nga ba siya o gustong gusto ko lang talaga siya?

Nung gabing yun umiyak talaga ako andrama drama ko. Siguro nasasaktan ako dahil umasa ako? At dahil na rin siguro naniwala ako sa  sabi sabing gusto niya rin ako?

Mga ilang araw pa mula non ang lumipas pero ngayon nga ay medyo na iiyaak pa din ako kapag naaalala ko iyon.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako o masasaktan eh.

Nabalitaan ko na lang kasi na tumigil na siya sa panliligaw niya duon sa babaeng gusto niya. Hindi ko alam ano ang rason. Pero nung nabalitaan ko nga yon na tumigil siya. Muli na namang may nabuong pag-asa sa puso ko.

Alam kong hindi niya ako pwedeng magustuhan dahil may mahal siyang iba pero nangingibabaw ang saya ko kaysa lungkot na nadarama.

That day nung tumigil siya ng panliligaw sa babaeng yun, ay ang araw na mismong sayang din na pagkakataon kung maituturing.

Dahil nung araw na sumuko siya, ay ang araw na handa na ang babaeng nililigawan niya.

Sasagutin na sana siya nito e ang kaso nga diba ayon sumuko. Hindi ba't sayang na sayang? Sobrang sayang talaga.

Biruin mo magiging sila na dapat e, tapos ayon hindi na nangyari ang maging sila dahil sumuko na siya.

Nanghihinayang ako na may halong tuwa? Ewan ko baliw na yata talaga ako.

Pero bukod sa tanong na ano nga bang dahilan kung bakit siya sumuko? Ay mayroon pang isaang tanong na bumabagabag sa isip ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan?

Matutuwa ba ako dahil hindi naging sila? O masasaktan ako dahil MAY MAHAL SIYANG IBA?

At ang mas malupit MAHAL NA NILA ANG ISA'T ISA!

His POV

Nandito ako sa isang bench sa medyo kalayuan tanaw ko ang isang babae. Si Yani.... Bakit kaya siya umiiyak?

Gusto ko siyaang lapitan kaso nanduon ang bestfriend niya. Hindi na lang ako lumapit pa.

Ngayon ko lang narealize na gusto ko din siya, oo gusto ko din si Mae pero noon yon. Dahil ngayon ko lang napagtanto na nasa ibang level na pala si Yani.

Nasa puso ko na! Mahal ko na yata siya?

Hindi ko maamin hindi ko alam kung paano sisimulan ang pag amin.

Basta alam ko lang..

Si Yani ang dahilan ng pagtigil ko sa panliligaw kay Mae.

Si Yani ang dahilan KUNG BAKIT AKO SUMUKO SA PANLILIGAW.

SI YANI ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NGAYON TORPE AT SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NANGANGAMOTE (natatanga.)

At higit sa lahat siya ang dahilan kung bakit ako nagmamahal.

Ngunit ang kinatatakot ko lang ..

Baka kasi....

MAY MAHAL SIYANG IBA?!

All Rights Reserved 2015

ZNeverQuitDrawing :)

VOTE. COMMENT. FOLLOW.

~

May Mahal Siyang Iba [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon