Centro escolar university
PAGGISING ko ay nakita ko na lang na meron na kong kumot na nakabalot sa akin at nakitang wala na din si yohan sa tabi ko.
Napahinga ako ng malalim at saka umupo sa kama, mukhang umalis na nga si yohan.
Ganun kasi ang sabi niya sa akin kagabi, uuwi daw siya sa kuya niya at ire-report ang nangyari kagabi.
Bumaba ako sa kwarto at naabutan sila dad na merong kausap kaya agad ko naman itong tinignan and it was a guy na naka-suot ng facemask, matangkad, naka-eye glass at maganda ang ayos ng buhok.
Bigla itong napatingin sa akin kaya nagkunwari akong inaayos ang buhok ko at saka pumunta sa cr para maghilamos at saka mag-toothbrush.
6 am pa lang naman kaya okay lang na pagtapos ko ng ligo ay magi-skin care ako, nag-almusal na din ako at pagtapos ay naligo na din ako.
Nagbihis na din ako ng uniform habang may towel pa sa buhok ko, nag-skin care na muna ako bago ko isuot ang ribbon sa uniform ko na merong sulat na CEU.
Tinanggal ko na ang towel sa buhok ko at saka nagsuklay, pagtapos kong gawin ang lahat ay bumaba na ko sa kwarto.
"Dad aalis na ko" i said without looking dad, dumeretso na din ako sa garage para kuhanin ang kotseng niregalo sa akin ni dad nung debut ko at dahil malapit na naman ang august 3 dadagdag na naman yung age ko.
Nang matapos kong makuha ang kotse ko ay umalis na ko sa bahay para pumunta sa school.
Pagdating ng CEU ay nag-park agad ako sa parking lot at saka bumaba na sa kotse, kinuha ko na din ang bag ko at saka isinara ang pintuan ng kotse, pagtapos nun ay naglakad na ko papuntang school.
"Omg is that aira fuentes?!" napatingin ako doon sa nagsalita.
"Omg siya nga!" lumapit sila sa akin ng kaibigan niya.
"Pwedeng pa-picture miss aira? omg ang ganda mooo!!!" tumango naman ako kaya nag-picture agad siya at saka sila humarap sa akin.
"Thank you miss aira" nakangiti nitong ani kaya ngumiti din ako.
Papunta na sana ako sa gate ng school nang makita ko ang pamilyar na lalake, nakasuot siya ng uniform na pang-dentistry wait...
Yohan constello?!
Dito siya nag-aaral?! seriously?!
Gusto ko siyang lapitan para sabihing---no need na pala sino ba naman ako para tuparan ng sinabi niya sa'kin kagabi diba?
"I want you to be my friend aira" umiling ako at saka ipinagpatuloy na ang paglalakad.
So dentistry pala ang course niya, nang makapasok ako sa gate ng school at dumeretso na agad ako sa building naming mga nurse.
"Guys nandyan na si miss CEU!" bungad ni ryan na ikinagulat ko naman nang makapasok ako sa room.
Wala pa ngang nagaganap na pageant pero todo suporta na sila sa akin, "Grabe ka naman pres wala pa ngang pageant" pabiro ko siyang inirapan kaya tumawa naman siya.
He's ryan—our class president at syempre ako ang vice president sa classroom at nang dahil sa botohan na nangyari naging magkaibigan kami ni ryan, actually unexpected din na magiging kaibigan ko siya.
Napadako ang tingin ko sa dalawa ko pang kaibigan na sila chanel at irene na busy sa paglalaro ng genshin impact, nilapitan ko sila.
"Wow forda genshin impact ang fersons oh" napatingin sila sa akin at sabay na tumawa.
"Nandyan na pala yung kaibigan nating writer na, model at artist pa plus matalino pa" saad naman ni irene at saka tumayo para yakapin ako, ganun na din si chanel.
"Pare-parehas lang naman tayong model 'no" sabi ko naman.
"Pero ikaw aira, model ka din ng gucci kaya kita mo sikat na sikat ka dito sa CEU" singit naman ni ryan na ngayo'y kumakain na ng clover.
"At ikaw naman ryan manahimik ka na lang dyan" sabi ko sa kanya kaya napakamot na lang siya sa ulo.
"Palibhasa single" agad siyang tumakbo papalabas ng room matapos niyang sabihin yun.
"Mamaya ka sa'kin ryan!" natawa sila irene, chanel at ang mga kaklase namin.
"Ehem baka kayo magkatuluyan niyan ah" pang-aasar naman ni cath na secretary namin.
"Tse!" lumabas ako ng room para sana hanapin si ryan pero nagulat ako nang makita si yohan na gulat din na nakatingin sa akin.
Napalunok ako ng laway, "Aira?"
"Y-yohan?" agad siyang ngumiti nang banggitin ko ang pangalan niya.
Lalapitan niya sana ako nang biglang may magtilian na mga estudyante, napahawak siya sa noo.
"Mukhang nag-transfer na talaga siya dito" ani niya sabay tingin sa akin.
"Usap tayo mamaya... bes" ngumiti siya sa'kin at saka umalis, teka teka bakit parang natulala ako sa sinabi niyang yun sa akin? bes? as in bestfriend?
YOU ARE READING
Sean's obsession (Constello Series #1)
Teen FictionMeet aira fuentes a librarian student, one of the smartest student in their university, a musician, an artist, a model and also she's a writer. Then one day she met a guy who will obsessed with her, ano kaya ang magiging papel nito sa buhay niya? Da...