Epilogue

71 6 0
                                    

His POV

Mahigit isang taon narin syang wala.

Pero kahit ang tagal na, tila kahapon lang para sa akin.

Bakit ganto? Kung kailan pa sya nawala saka ko lang napagtanto na walang kwenta ang lahat kung wala sya??

Akala ko awa lang ang nararamdaman ko towards her, pero nung makita ko syang umiiyak, bawat patak ng luha nya, parang karayom na tinutusok sa puso ko..

Ang sakit lang..

Ngayong wala na sya, parang wala na ang lahat sa akin kaya tuluyan ko na silang binitawan..

Ang career ko, ang buhay ko, si Stacy..

Hindi ko na alam kung saan pa ako tutungo.

"Blaize.." may narinig akong boses..

"B-Bella??" alam kong sya yun.. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Blaize.."

"Bella nasaan ka??! Nasaan ka??!"
Tumakbo ako papalapit sa cliff at tumayo sa dulo nun..

"Blaize.."

"Bella.. Please magpakita ka sa akin.. Bella!!" mukha na akong desperado.

Nakaluhod na ako ngayon at konting tulak nalang ay mahuhulog na ako sa bangin..

"Bella. Gusto mo bang sundan na kita jan?? Bella!!" hindi na mapigilan ang mga luha ko.

"Blaize.."

Umangat ang tingin ko nang maramdaman ko ang isang kamay na humahaplos sa pisngi ko. Although my vision is blurr but there I see her, I see my life, she's lifeless but full of love..

"Bella.."

"Blaize.. Please.. Continue my life.. Ituloy mo ang naiwan ko.." sabi nya..

"Bella.. Anong--" pero nang tignan ko sya ulit ay wala na ito ang nakita ko na lamang ay isang napakagandang puting bulaklak..

Continue mg life?

Ituloy ang naiwan?

"I love you Bella. And this time, it's for real."

--

"Oh anak kumusta ka na?" tanong ni Tita.. Ang mommy ni Bella.

"Okay lang po ako tita." at pumasok na ako sa bahay nila.

"May projects kana ba ulit?" tanong ni tito.

"Ah. Opo. May teleserye po ako ngayon.. Maganda po sana kung panonoorin nyo.. It's about her." lumambot naman ang ekspresyon nila sa huli kong sinabi, pero ngumiti lang sila at sinabing, "Sige, papanoorin namin."

--

"I-I love you Blaize.." sabi nya..

"I love you Bella.." at unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya..

For a second nakita ko talaga ang mukha ni Bella sa babaeng ito, nakangiti sya sa'akin ngayon. Encouraging me to continue, so I kissed her full of love.

"Cut!" sabi ni derect. "Good scene. Congrats team."

--

I'm Blaize Karl Salvatore mas kilala bilang The Black Salvatore or simply Black.

Isa akong artista, isang superstar ika nga nila. Pero lahat nang ito ay kasangkapan lang para matakpan ang walang kalaman laman kong buhay..

Pero hindi na ganun kadilim ang mundo ko, nung makilala ko sya.

Oo akala ko wala paring kwenta ang buhay ko nang makilala ko sya, pero nang mawala sya dun ko lang napagtanto na sya lang pala ang bubuo sa akin.

Ang taong bubuo sa akin, pinakawalan ko lang. Kung kailan huli na ang lahat saka ko pa nalaman ang halaga nya..

Alam kong huli na para ibalik sya pero, hindi pa huli upang magsimula muli.

Ikaw ba? Maiinlove kaba sa isang tulad ko?

Sa isang SUPERSTAR?

Life With A Superstar [One Shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon