Mahal ko siya. Mahal na mahal. Di ko alam kung anong gagawin ko paginiwan nya ko. Di ako obsess sa kanya ah. Sadyang sya lang yung minahal ko, minamahal ko at mamahalin ko.
Kaso wala eh. May mahal siyang iba. At ako? Isa lang akong kaibigan na nandyan kapag nagaaway sila ng girlfriend nya. In short, im just his comfortzone.
Sakit diba? Ako yung laging nandyan pero sa iba nakatingin. Ako yung nandyan pero di nya ko makita.
Masakit yun. Sobra. Pero mas maganda na yun. Mas maganda nang maging kaibigan ako. At least meron taong nandyan para sa kanya. May taong kayang maging sandalan nya.
Pero hanggang kailan kaya magiging matibay yung pagiging sandalan ko? Hanggang kailan? Parang ang hirap naman ipredict nun. Hanggang kailan ko kaya matitiis na maging comfortzone lang ako?