Chapter 1: My Bestfriend

3 0 0
                                    

"Uy! Gising na!"

"Gisng na kasi."

"Ayaw mo gumising ah. Bahala ka. Maghahanap nalang ako ng bagong friend."

"Aba! Ayaw talaga. Hmp! Bahala ka na nga!"

"Makakahanap ka pa ba ng katulad ko?" sabi ko.

"Psh. Oo na. One and only ka na. Tumayo ka na."

Hahaha! Bestfriend ko. Nangungulit eh. Friendsary na kasi namin. Pang 7 years na namin to. Tagal na no? Sya kasi yung Superman ko eh. Nga pala, di nyo pa sya kilala. Sya si Ken. Ken John Tolentino. Man of my dreams. And yes. Inlove ako sa kanya. Deeply inlove with him.

After kong maligo, nagbihis na ko at bumaba na. Nadatnan ko si Ken na naglalaro. Naglalaro ng psp nya. Naglalaro lang yan gta. Hahaha! Di nya kasi matapos eh.

"Anak kain muna kayo." sabi ni mama.

"Ahm, tita wag na po. Kakain nalang po kami sa labas." Sabi ni Ken habang naglalaro parin. -.-

"Ah ganun ba? Friendsary nyo nga pala. Haha! San nyo ba yan nakuha?" Tanong ni mama.

"Imbento po nya." sabi ko. Sya talaga nagimbento nyan. Ang lawak kasi ng utak.

"Bakit hanggang friendsary lang kayo? Bawal bang monthsary? Anniversary? Bagay naman kayo eh. Gusto nga kita sa anak ko eh." Sabi ni mama. Feeling ko nagblush ako sa sinabi ni mama.

"Tita magbestfriend lang kami nyan. Diba?" Sabi nya tapos sabay akbay. Ang sakit naman nun. Bestfriend LANG nya ko. Hayy.

"Sige ma. Alis na po kami." sabi ko. Baka humaba pa yung conversation namin eh.

"Ah sige. Ken ingat sa pagmamaneho ah." sabi ni mama.

"Sige po tita." Sabi ni Ken tapos umalis na kami. Sumakay na ko sa sasakyan nya.

Umalis na kami. Pero hindi ko alam kung san kami pupunta. Laging ganto pag friendsary namin eh. Hindi nagsasabi kung san kami pupunta. Pero sanay na ko. Kapag nagtanong naman ako di naman nya sasagutin eh.

"Matulog ka muna. Mahaba byahe natin. Mga 2 hours pa layo. O baka gusto mo magdrive thru tayo?" Sabi nya. Tumango naman ako. Gutom na ko eh.

Nagdrive-thru kami sa may mcdo. *0* kilalang kilala nya talaga ako pati favorite ko alam nya. Di na nga nya ko tinananong kung anong ioorder ko eh. Alam nya na eh. Hahaha!

"Oh ito na. Favorite mo." sabi nya. Hahaha!

After kong kumain, pinatulog muna ko ni Ken. Mahaba pa daw yung byahe eh. Hmmm. San kaya kami pupunta?

Bago ako matulog, magiintroduce muna ko. Im Renzelle Jannah Cruz. College na ko. Pati din si Ken. 18 years old na ko. Si Ken naman 18 din. Halos pareho kami ng favorites eh. Para nga kaming kambal eh. Unidentified nga lang. Hahaha!

-----

"Renz. Gising na. Nandito na tayo."

"Hmmm."

0.-

-.0

-.-

"Tulo laway ka talaga." sabi ni Ken. Di naman ako nahiya dun sa sinabi nya. Haha! Sanay na ko eh.

"Psh. *tingin-tingin* Nasa EK tayo?"

"Hahaha! Oo. Tara na! Bili na tayo ng ticket!" sabi nya. Bumaba na sya tapos pinagbuksan ako ng pinto. Yan yung isang reason kung bakit ako nainlove sa kanya. Masyado syang gentleman.

Bumili na kami ng ticket tapos punasok na kami sa loob. Namili kami ng ride na sasakyan.

"Extreme muna!" sabi nya.

"H-huh? Agad agad?" sabi ko tapos hinatak nya agad ako papunta sa extreme. Huhu. 5 years na nung sumakay ako sa extreme. Feeling ko tuloy first time akong sasakay.

Medyo hindi mahaba yung pila kaya nakasakay kami agad. Hinawakan ni Ken yung kamay ko para hindi ako matakot. Afraid kasi ako sa heights eh.

Habang umakyat kami, nakahawak parin sakin si Ken. Natatakot talaga ako. Pero siguro kung hindi ako hawak ni Ken, kanina pa ko inatake.

*Dyuuggg

"Waaaaaaaahhhhhhhhh!!!"

"Hahahahahahaha!!" Tawa ni Ken. -.-

"Di ako natakot sa pagbaba eh. Natakot ako sa pagtili mo. Scary shout! Hahaha!" Sabi ni Ken habang tinatanggal yung harang namin.

"Psh." sabi ko. Binilan nya ko ng tubig. Baka daw nawalan daw akong tubig nung tumili ako. -.-

Sinakyan namin lahat ng ride kahit nakakatakot. Lalo na sa ferrie's wheel. Huhu. Katakot sa taas.

Kumakain kami ngayon ng DQ. Napagod kami eh. Hahaha! Nabasa kami kanina sa Rio Grande. Grabe. Para kaming naligo. Hahaha!

"Renz di ka ba nilalamig?" Tanong sakin ni Ken. Actually lamig na lamig na ko kanina pa.

"Ahm. Ah eh, medyo?" Sabi ko.

"Sige. Bili tayo damit. Pero sa labas tayo bumili. Ginto gamit dito eh." Sabi nya. Tumawa naman kaming dalawa.

"Sige. Hahaha!" sabi ko.

Natapos na yung 'friendly date' namin ni Ken. Whole day kaming nasa EK. Ang sarap daw kasi ulitin nung mga rides eh. Ako naman takot na takot. Halos masuka na nga ako eh. Eto naman si Ken tuwang-tuwa sakin. Psh.

Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng damit. Feeling ko magkakasipon ako. Huhu. Ayoko pa namang sinisipon. Tss.

"Oh eto. Damit mo. Palit ka na." Sabi ni Ken. Dumiresto na kami sa cr. Nagpalit na ko tapos nagayos na konti. Ang haggard ko na eh. And pale na ko kasi masama na yung pakiramdam ko.

Nakalabas na ko at nakita ko si Ken na nakasandal sa pader. And gwapo nya. Kanina pa nga sya pinagtitinginan sa EK eh. Gwapo naman kasi talaga si Ken eh. Hahaha!

Napansin kong couple shirt yung damit namin ni Ken. Hahaha! Ewan ko pero kinikilig ako. Hahaha!

"Hehe. Napansin mo na noh? Ang mahal din ng damit eh. Yan lang yung nabili ko." sabi nya.

"Haha! Ok lang. at least may damit." Sabi ko.

"Mukha kang may sakit ah. Tara bili tayong gamot." Sabi nya. Masyado na ata akong pale.

"Ahm. Sige." sabi ko nalang.

Pumunta kaming watsons para bumili ng gamot ko. Sanay na ko sa kanya. Lagi nya kong nililibre eh. Ayaw nya kasi akong gumagastos eh. Ewan ko dun.

Nakauwi na kami ng 11pm. Naawa nga ako kay Ken eh. Mukhang pagod na pagod na sya. Sabi ko sa street nalang namin ako bababa eh. Kaso mapilit. Psh.

"Good night ah! Happy friendsary ulit." Sabi nya.

"Ahm. Good night din. And happy friendsary din. Magtext ka kapag nakauwi ka na ah." Sabi ko.

"Haha! Dyan lang naman ako eh. Pero sige. Magtetext ako." Sabi nya.
"Ingat! Goodbye!" sabi ko. Tumango naman sya and umalis na.

Ang sarap magkaron ng bestfriend na kagaya ni Ken. Swerte ng magiging girlfriend nyan. And I know na hindi ako yun. Im just his bestfriend. A bestfriend that will be at his side. Im contented of what we are. And di na ko aasa sa kanya. Basta ang alam ko lang, i love my bestfriend.

Can I Be Her ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon