After 3 months
Nandito ako ngayon sa may canteen. Iniintay si Ken. Lilibre nya daw kasi ako ng lunch. Ang tagal nga nya eh.
"Renz! Sorry ah. May kinausap lang ako." Sabi ni Ken na hingal na hingal.
"Ah. Ok lang." sabi ko. Tinanong nya ko kung anong gusto kong order tapos pumunta na sya sa counter.
Habang nalalakad sya, tinitigan ko sya. Halos lahat ng babae nakatingin sa kanya. Gwapo naman kasi sya eh. Mabait pa! Complete package sya. Lahat naman siguro gusto ng ganun diba? Mabait, gentleman, matalino saka gwapo na lalaki. Si Ken lang yung kilala kong ganun. Kaya nga mahal ko eh.
"Oh Renz. Eto na order mo." sabi nya sabay lagay ng pagkain sa lamesa.
"Thanks. Nga pala, sino yung kinausap mo kanina?" tanong ko.
"Ahh. Si Chloe. Classmate ko. At the same time, Dream ko. Hehe" sabi nya. Sinong Chloe yun? Gusto sya ni Ken. Swerte ni Chloe.
"Ahh." Yun lang nasabi ko. Sakit eh.
"Lam mo ba? Sobrang ganda nya. Saka mabait pa! Matalino din. She's an angel. A perfect angel. Next time papakilala kita sa kanya." Sabi nya. Ngayon ko lang nakitang ganto si Ken. Im happy for him.
"Ahh. Nga pala. Hindi ako sasabay sayo mamaya. May gagawin pa kong thesis eh." sabi ko.
"Ahh. Yun nga eh. Hindi din ako sasabay, lalabas kami ni Chloe." sabi nya. Tumango na lang ako sa sinabi nya.
After naming kumain, pumunta na kong room, pati din sya. Baka malate kami eh. Di lang si Ken friend ko. Actually madami akong friends eh. Si Ken lang kasi bestfriend ko eh.
"Uy! Renzelle!" sabi ni Maggie. Friend ko.
"Oh? Mags! Musta na?" sabi ko.
"Eto, pretty parin. Haha! Kaw?"
"Hehe. OK lang. Sige Mags alis na ko. Baka malate pa ko sa next class ko eh." sabi ko.
"Ah. Sige. See you again." sabi nya tapos umalis na ko.
Actually 5 kami nyan. Ako, Maggie, Beth, Win, saka si Andrea. Di na kami nagkikita kasi nagiba sila ng course.
Pumunta muna ko sa CR para magayos. Pagdating ko sa CR, ako lang magisa. Scary! Pero ok lang. Haha!
"Hey! You're Renzelle right?" sabi nung babae na lumabas sa isang cubicle.
"Ahm. Yes." sabi ko nalang.
"I'm Chloe. Siguro naman nakukwento ka ni Ken sayo no? Ikaw kasi nakukwento ka nya eh." Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya. Sya pala yung Chloe. Maganda naman pero hindi super! Malabo na mata ni Ken. Tsk tsk.
"Ahm yes. Nice meeting you Chloe." sabi ko sabay labas.
Mas maganda pa ko eh. Hahaha! Char. Pero serious. Di naman sya gaano kaganda. Sakto lang. Angel daw? Psh. Kung sya angel, ako goddess! Char ulit. Hahaha!