NEXT DAY

1 0 0
                                    


My day started with many paper works, tipong parang akala mo hindi na kami student dahil nga sa project for this month andaming inaayos para mapapirmahan yung mga need na materials.

"VP, ito na daw yng file na papapirmahan kay Chairperson" sabay abot sa akin ng file.

"Pacheck nyo muna kay Pres. para alam nya na ibibigay na kay Chairperson yung paper." Sabi ko.

Nag patuloy ako sa pag aayos ng mga papel naming, nag print na rin ako, and so on. Plano ko pa naman na pumunta sa library para sana ayusin yung ibang activity na to submit na bukas mukhang mawawalan nanaman ako ng tulog nito.

Biglang nag ring ang cellphone ko, nang I check ko ang caller ID si Karl lang naman pala ang tumawag.

"Hello?"

"Zei where are you? Need mo daw umattend sa meeting ng Student Council." Sabi ni Karl.

"Wait andami ko ginagawa dito sa office ngayon, tyaka di ba dapat si Pres. Ang umattend dun?" I ask.

"May other meeting si Pres. right now"

"Sige try ko pumunta pero if ever na hindi ako makapunta pwede ba na ikaw na lang maging representative ko andami ko talagang ipapasa na papel for project this month." Paliwanag ko

"Okay, inform me ASAP"

And he ended that call.

Buti na lang at dala ko ang laptop ko kung hindi baka maipon lahat ng gawain ko at hindi nanaman ako makatulog ng maayos nito mamaya. Nang matapos ko na ang mga paper na need na ipasa for tomorrow ay pumunta muna ako sa CR bago dumiretso sa classroom for our class. Nakasalubong ko ang ibang kaklase ko wala pa naman daw pala kaming Prof. pero need ko pa mag review para sa quiz bukas. Nang makarating na ako sa classroom namin ay nakita ko agad si Molly isa rin sa kaclose ko na kaklase, she's our secretary.

"Oh nandito kana pala girly, btw nakapag review kana ba?" yun ang bungad nya agad sa akin.

"Wala pa akong review, bahala na ang stuck knowledge at kaunting basa sa Chapter na diniscuss ni Sir." Sabay lagay ko ng bag sa upuan ko.

"Yah Yah Yah, hindi nag review. Remind lang kita ako pa ang niloko mo." Habang nakangiti sya na nakakaloko.

"Well, hindi naman talaga ako nag review pero nakinig naman ako sa discussion kaya siguro kaya ko naman yung quiz andami ko kasing gawa sa org. pasensya naman." Sabi ko sa kanya habang nag bubukas ako lecture book ko.

"Sige sige na, oo nga pala nasan nga pala si Karl? Nandito sya kanina" sabay lingon sa kanan at kaliwa.

"I don't know chat mo na lang mag rereview muna ako."

Habang natagal feel ko na natibok ang veins ko sa utak, sabi sa biopsychology this ang pag tibok daw ng ulo ay hindi sa utak natibok kundi yung veins ng utak.

Tumagal din ng halos 5 minutes bago pumasok ang prof naming, at nag discuss muna sya ng kaunti bago kami ng quiz, as far naman sa quiz okay naman sya kaya naman sagutan hindi ganun kadali, hindi din ganun kahirapan.

"Good Bye Class, see you next meeting prepare your long bond paper for your activity." Paalala ng prof namin.

Nang makalabas na ang prof naming nag announce yung president naming,

"Guys paalala mag vote na kayo sa poll para sa make up class with Sir Avaldibano, and also mag bayad na kayo ng 20 pesos kay Jhon para sa Xerox copy ng Experimental Psychology." Paalala nya.

Buti na lang ang vote na ako sa poll, and nakapa bayad na rin kanina, wala nanaman kaming next class so didiretso muna ako sa office para mag print ng accomplishment report and paper para sa mga officer para sa mga papa sign na events. Mabilis ko lang naman na print ang mga need ko at nagawa ko rin nanaman ang To Do ko for today I checked my watch kung anung oras na, 3 P.M na pala gusto ko sana tawagan si Karl to ask if sasabay sya sap ag uwi sa akin nag ka hiwalay kasi kami kanina may need syang ayusin sa external, hindi ko alam kung uuwi na ba ako or tatambay muna ako sa Fio Café para mag chill at mag browse na rin ng mga material para sa report ko sa Abnormal Psychology.

I CAN'T SEE THE LIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon