"Oh sige! ayoko na, tama na." yan ang mga salitang narinig ko pero pinipilit kong isipin na panaginip lang iyon o di kaya ay nag bibiro lang sya.
"Ayoko na. Pwede ba!!" hindi ako nag patinag sa mga sinabi nya. gusto kong malaman kung anong dahilan.
" Wag mo namang gawin sakin to oh! wag mo naman akong pahirapan ng ganto ash. lahat naman ginawa ko ha? ano pa bang kulang? lahat naman inintindi at tiniis ko ha? ano pa bang gusto mo. sabihin mo!! bakit kailngan mo kong iwan! bakit kailngan mong gawin sakin to. ash please wag mo kong iwan. " sabi ko at niyakap sya yung tipong pinaramdam ko sa kanya na ayoko syang mawala sa mga yakap na yon. pero nagulat ako ng bigla nya akong itinulak, kusang nag-unahan ang mga luha sa mata ko. eto na siguro ang oras para isuko ko sya, eto na siguro ang oras para palayain ko sarili ko skanya, at eto na siguro ang oras para bitawan ko sya.
"Wag mong hintayin na itulak kita dito ng malakas para lang maramdaman mo na ayoko na sayo."
para akong namanhid sa mga sinabi nya."Bakit? ash bakit!!!" sabi ko habang pilit na inaabot ko ang kamay niya para mahawakan ko.
"Hindi mo ba maintindihan? iiwan na kita!"
"Bakit mo ko iiwan? akala ko ba hinding hindi mo gagawin saken yon? akala ko ba.😪😪"
Bigla nya akong tinalikuran ng walang pasabi at paliwanag kung bakit nya kailangang gawin ito. Hindi sya tumigil sa pag-lalakad hanggang sa makapunta sya sa kanyang kotse at biglang idinabog ang pintuan nito. Para akong tinusok ng napakaraming kutsilyo sa mga ginawa nya sakin ngayon.
"AHHHHH!! AYOKO NAAA!! ASH BAKIT!!!! wala akong pakielam kung madami mang makarinig sa sigaw ko. gusto ko lang isigaw lahat.
--
nanlulumo akong binuksan ang pintuan ng apartment ko, nang makapasok na ako ay biglang nagflashback sa utak ko ang mga memories namin dito sa aprtment ko."Ang liit liit mo no!" pang-aasar niya saakin.
"Mas maliit ka naman no!" sabi ko sabay bato ng pillow sa mukha niya.
"Ano? Liit mo kaya. haynako liit! liit! bleh! sabi nya sabay bato sakin pabalik ng unan.
"Sige," sabi ko sabay pout at taklob ng unan. syempre nag papaawa effect lang ako, alam ko namang hindi nya ako matitiis e.
"Alam mo ba? kahit pandak ka, mahal na mahal kita. alam mo ba na kahit maliit ka, matangkad ka para sakin at handa akong ipagmalaki ka sa buong mundo." Iniharap nya ang mukha ko sakanya. "Kasi mahal na mahal kita, hinding hindi ako magsasawa sayo, at hinding hindi ako bibitaw."
kinilig naman ako sa mga sinabi nya, at naramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko paangat sa mukha ko.
"I love you babe, I love you leen, I LOVEYOU SOFIA COLEEN BUENAVENTURA!" sabi nya sakin at hinalikan ako sa aking noo.
"I LOVE YOU TOO ASH! AND I WILL ALWAYS LOVE YOU JAMES ASHLEY ALCANTARA! i hug him.
Nabalik lang ako sa katinuan ng biglang nag-ring ang cellphone ko.
Andrea calling....
"Beeee!" pasigaw na sabi nya.
"Anong meron? bakit ka napatawag? " malamyang sabi ko.
"Okay ka lang ba be? Papaalala ko lang yung laban natin sa monday."
nagulat ako ng maalala ko na may lalabanan nga pala kami sa monday na Volleyball league. hindi ko alam kung anong irereact ko.
"Ayos lang ako. sige pupunta ako, salamat sa pag-papaalala.
then i ended the call.
biyernes ngayon so may dalawang araw pa ako para ayusin ang sarili ko at ifocus ang utak ko sa laro.