Nabalik ako sa katinuan ng may parang matigas na bagay ang tumama sa aking noo. Akala ko ay nauntog na ko sa pader ngunit ng dumilat ako ay tao pala ang nakatayo doon.
"Sa Girls restroom ka pupunta pero umabot ka na dto? kanina pa kita tinitignan at mukhang may malalim kang iniisip, mag palit ka na ng damit mo at sige na pumunta ka na sa restroom hintayin kita dto. dito lang ako." sabi ni zac na ikinagulat ko naman.
"Ah--eh sige okay lang ako dito, iwan mo na ko" sagot ko na nauutal utal pa.
"Hindi pwede mag didilim na din." sabi nya at hindi na ako sumagot, tumalikod nalang ako para maglakad papuntang restroom.
Hindi nan kami close ni zac. and never din kaming nakapagusap ng maayos so bakit kailangan nya akong itrato ng ganto.
Bakit ba kase ako nakaabot dun. -_- hindi ko alam na dahil sa pag iisip ko sa kanya ay makakalagpas ako at makikita pa ako ni zac doon.
--nakapag-bihis na ako at nahlalakad na ako palabas ng CR. dumiretso lang ako paliko at hindi ko na inisip kung hinintay ba talaga ako ni zac.
"Sabi ko diba hihintayin kita, pag sinabi ko gagawin ko kaya kung pwede tara na at ihahatid pa kita sainyo" nagulat nanaman ako sakanya bakit ba lagi nalang syang nasulpot.
"di ako naniniwala sa mga salita, pasensya na pero kaya ko ang sarili ko, sanay akong magisa kayat salamat nalang." sabi ko dahil nakaramdam ako ng inis ng dahil sa mga salita kasi ay umasa ako ng todo kaya ngayon sobrang sakit ng nararamdaman ko.
Tinalikuran ko na sya ngunit makulit talaga itong taong to.
"Sumabay ka na, delikado. whether you like it or not." sabi nya na seryoso.
"Ayoko po pasensya na salamt nalang talaga."
hinatak nya na ako at hindi ko na sya napigilan pa.
Walang nagsasalita sa aming dalawa, at hindi ko rin naman gusto na mag first move para lang makausap siya.
Medyo malapit lang naman dito ang apartment na tinutuluyan ko kaya hindi masyadong matagal ang byahe.
"Saan ang bahay nyo dito?" tanong nya na nakatutok sa daan na parang sobrang ingat kung mag maneho.
"diretso mo lang, medyo malaayo pa naman.sasabihin ko nalang pag malapit na."
"Osige, bakit kase hindi ka pumayag na mag-dinner tayo? anong oras na, pagod ka sa laro tapos late ka pa mag didinner.
"Ayoko naman pong makaabala pa, at okay na po yung inihatid mo ako.
dito na po ako, salamat."Akmang lalabas na ako ng kanyang sasakyan ng pigilan nya ako.
"Naka-apartment ka? sinong kasama mo dyan?" tanong nya na halatang gusto nya ng mabilis na sagot.
"Ahh oo, wala akong kasama sa apartment na yan."
nag paalam na ako sakanya ngunit nagulat nanaman ako kung bakit nya hinawakan ang kamay ko.
"nice to meet you, sana magkita ulit tayo. " nakangiti nyang sabi.
"Nice to meet you too po salamat!
i wave, then pumasok na ako sa loob ng apartment na tinutuluyan ko.