Chapter 2

354 12 2
                                    

Chapter 2

Nandito ako sa dagat kung saan ako nag mumuni muni. Ang solusyon talaga sa problema ko ay ang dagat. It makes me calm and also forget about my problems kahit sa panandaliang oras lang. Pagod na pagod na ako. I'm mentally and physically tired but I've no choice but to fight. I do have a choice pero ayoko at baka biglang mag tampo si satanas pag naagaw ko pwesto niya ron sa ibaba.

Hindi na umuubra sa akin ang goma at lighter. Hindi ko na rin alam kung bakit ganito‚ wala naman akong alam na ginawa kong kasalanan para ganituhin ako. Yes‚ I admit that I was immature brat back then pero elementary pa ako non. People change kaya! Ayokong problemahin ang problema ko. Tangina sana problema naman ang prumoblema sa'kin kahit minsan lang, kapagod kaya puro na lang siya. Nasa'n ang equality ron?

Ang daming taong pwedeng pag bigyan ng pagsubok na ganito, bakit naman ako pa napili mo, Lord? Gusto ko lang naman mag lakad sa runway, Eh!

Biglang kumulog ng malakas kaya naman nagulat ako. Grabe biro lang naman bro, ito naman, oh, parang hindi mabiro. Nag peace sign pa ko sa langit at saka tumayo.

Saktong pag tayo ko ay nauntog ang ulo ko sa baba ng isang lalaki.

"What the heck!" kilala ko ang may ari ng baritonong boses na iyon kaya nakakasiguro akong sira na naman araw ko.

"What the heck ka rin! Bakit ka ba narito? Are you following me?" dinuro ko siya at tinaasan ng kilay.

Hinawakan nito ang hintuturo kong nakaturo sa kaniya at ibinaba nakuryente ang katawan ko kaya inalis ko agad ang hawak nito, "Calm down, woman. Jesus." tumingala ito at tila humihingi ng awa at talagang dinamay pa si Hesus?

"Hoy. Huwag mo nga tawagin si Hesus at baka kapag sinagot ka niyan, Eh, maihi ka sa takot." nag lakad na ako palayo dahil mukhang nag babadya ang malakas na ulan.

"Hey, miss, naiwan mo wallet mo, hey!"

Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya tinakbo ko ang parking. Basang basa pa ko pag pasok ko at kung mamalasin ka nga naman talaga.

Hindi lang naman binigay sa 'kin ang susi ng car ko kasi malakas daw ang ulan at may paparating na bagyo kaya kailangan naming nag stay. Ewan kung paniniwalaan ko sila o hindi, maybe ginagawa nila para kumuha ako ng room sa kanila para may kita sila?

Bakit ba tuwing nakakasama ko sa iisang lugar ang lalaking 'yon e minamalas ako?

May imamalas pa ba ko tuwing makikita ko siya??

Sabi na nga ba tama ang naiisip ko, Eh!

Pumunta na lang ako sa registrar para kumuha ng isang room. Grabe two thousand five hundred overnight? Shit! Wala pa akong ipon. Malas talaga. Wala akong magawa kaya nag bayad na lang ako. Ipursue ko kaya ang modelling? May kumukuha naman sa akin na agency at sabi nila laging may nakalaan na space para sa 'kin sa company nila kaya anytime ay pwede ako mag trabaho sa kanila.

Paano kung tuluyan akong itakwil nila Mommy? Kaya ko ba? Pero sila na lang ang pamilya na meron ako.

Nevermind.

Hindi ko kayang suwayin sila Mommy kasi sila nag alaga, nag-bihis at nag-palaki sa akin.

Hindi ko sila kayang suwayin.

"Here's your key, Ma'am."

"Your key, Ma'am?"

"Ma'am?"

"Sorry?"

"Susi mo raw. Hindi ka naman makakapasok sa kwarto mo kung wala kang dala."

Nilingon ko ang nag salita at hindi na 'ko nagulat sa sama ng ugali at sarkasmo sa boses nito dahil ito pala 'yung lalaking nag dadala ng malas sa buhay ko.

Hinarap ko na lang ang clerk at nag pasalamat. Not minding the diablo here sa tabi ko.

"Ano, hanggang dito ba naman sa room ko, eh, sumusunod ka? Ganoon ka ba ka-desperate para i-offer sa akin ang decent job in your mind, huh?" naka peace sign pa ang kamay ko at tinaas baba ito nang banggitin ang decent job.

"I didn't know na feeling-era ka pala Ms. Perez." ipinakita niya sa akin ang card number niya at siya pala ang mag o-occupy ng room tabi sa'kin "Masama sa kalusugan iyan, kaya kung ako sayo ititigil ko na." I saw how he smirked before he stepped in sa room niya.

What the hell?

Grabe talaga kapag buntot mo ang kamalasan dahil pati room ay mag katabi lang kami nito ni DEL GAGO.

Nakakainis.

Sana mag bakbak talampakan mong gago ka!

Hindi ko alam na nakatulog na ako kung hindi ko pa narinig na may nag d-door bell sa labas. Akmang bubuksan ko na ito nang may pumasok na ewan kung sino sila pero parang kanina pa nila binubuksan ang pinto ko at may dalang susi pa na parang sinadyang binuksan talaga ang pinto ko.

Bakas ang gulat sa akin at sa kanila nang makita ako at mukhang bagong gising. The heck? Anong nangyayari? At bakit nasa loob din ng room ko itong si malas sa buhay ko?

"Ano hong meron?" malat ang boses ko at halatang bagong gising.

"Okay ka lang ba, miss? Nakatanggap kasi kami ng tawag sa baba na kanina ka pa raw hindi lumalabas at baka may masama nang nangyari sayo. May medic pa kaming kasama kasi baka totoo," mahabang litanya nito.

"What? Nakatulog lang po ako sa pagod. Anong oras na po ba? At sino ang tumawag sa inyo?" naguguluhan kong tanong.

"Pasado alas-dos na po Ma'am kaya nag-alala na rin kami. Hindi rin po namin alam sinong tumawag, Eh. Sige, Ma'am, alis na po kami, nasiguro naman naming okay ka na."

"Sige po, maraming salamat sa concern kuya." pag iwas ko nang tingin ay nakaratayo pa rin sa gilid ang malas sa buhay ko.

"Sabi na nga ba may balat ka sa puwet, Eh. Pansin mo tuwing nakikita kita ay minamalas ako?" pinanliitan ko pa siya ng mata, "Oh, ano pang ginagawa mo rito? Makikichismis?"

Dumaan ang gulat sa mata ko nang mapansing bakas ang pag aalala niya sa mukha.

"Glad you're okay. Mag a-alas-tres na, you should eat. Masama malipasan ng gutom."

_______________________________________________________________________________________________________

The Captivating Boss Where stories live. Discover now