Chapter 3

581 28 4
                                    

Chapter 3

Kumain lang ako sa baba at umakyat na rin para tumambay sa may rooftop. Babalik na sana ako sa kwarto ko kasi naroon yung malas ng buhay ko kaso bigla naman siyang lumingon at kita sa mga mata niya ang gulat.

"What are you doing here?"

"Ikaw, anong ginagawa mo here?"

"Don't answer me a question, Perez."

"Bakit ka ba Perez nang Perez, eh, Calliope Mace pangalan ko!" naiirita kong sagot sa kaniya.

"You didn't answer my question, Cali." kunot na ang noo niya at bakas na rin ang iritasyon sa boses. Ha! Kapal naman ng mukha niyang mairita sa'kin.

"Del Gado rin naman tawag mo sa'kin. Nagalit ba ako kahit napakapangit mo bigkasin pangalan ko?" lumitaw ang ngisi sa labi niya nang mapansin niyang kumunot ang noo ko.

Hindi ko na lang pinansin pangalawa niyang sinabi, "Wow, first name basis, Ah. Close tayo?"

I crossed my arm and even glare at him. Minding the sexiness in his voice when he says my name. I didn't know my name sounds sexy kapag siya na ang nag bigkas. Oh god! What am I even thinking? This is wrong.

"What the fu-"

"The fuck ka rin! Bakit mo ko minumura?"

"Hindi kita minumura, okay? Reaction ko lang 'yon dahil parang nagagalit ka dahil lagi kitang tinatawag na Perez tapos nang tinawag kita sa pangalan mo, eh.... parang kasalanan ko pa? Kasalanan ko bang pangit pangalan mo kaya ayaw mo ipabanggit? What do you want me to call you, huh? Mahal? Baby? Babe? Love? Honey? Tell me, para hindi na umiinit lagi ulo mo sa'kin." mahabang litanya nito kaya medyo natulala ako dahil nilait niya pangalan ko.

Pero ang totoong rason ay dahil sa huling mga sinabi niya.

"How dare you to insult my name! Eh, mas maganda pa nga ito kaysa sa buong pagkatao mo!" I hissed.

"Edi lahian mo ako," he chuckled.

Wow! What a beautiful view.

Char.

"Hindi ba dapat lalaki ang mag lalahi sa babae?" I sounded like an innocent kid!

"Yeah, I forgot. So, Ms. Mace.... papayag ka bang malahian ng isang Mateo Amir Del Gado? Hindi ka na lugi sa'kin," he playfully smirked.

Pumasok sa isip ko ang isang balita na nabasa ko noon. Isang article na nag sasabing may long time girlfriend na siya na hindi niya naman dineny o cinonfirm na totoo.

Sinabayan ko na lang siya sa trip niya. "Oo, kaso nabalitaan kong may girlfriend ka. Sayang!" nag kunwari pa 'kong malungkot saka siya tinalikuran.

Pasakay na sana ko ng elevator nang marinig ko uli siyang nagsalita.

"I don't have a girlfriend, Cali." medyo may kahinaan niyang sabi.

Ngunit sapat na para marinig ko.

"Say that to my ass, asshole." bago pinindot ang 8th floor para kunin na ang mga gamit ko at umuwi.

Pagkakuha ko ng mga gamit ko ay pumunta na ko sa lobby para mag check out. Nang lumabas ako ay maganda na ang panahon.

"Saan ka galing na babaita ka?" bungad sa akin ng bibig ni Lia.

Kwinento ko lahat sa kaniya kung paano ako minalas nang makita ang Amir na iyon at ang mga pang-aasar na ginawa sakin kaya grabe 'yung hagalpak ng tawa niya at sinasabing meant to be raw yata kami kaya shiniship niya na sa'kin.

"Ew, kabagin ka nga sa mga pinagsasabi mo, girl." nandidiri kong sabi.

"Totoo naman, eh, bagay kayo. Sa personality pa lang. Hindi mo ba napapansin? Mahilig siya mang-asar tapos ikaw naman pikon. 'Di ba, sabi nila opposite attracts? Malay ma iyan na 'yon." tumatawa pa rin ito habang nag sasalita.

"Eh, kaso nga may girlfriend iyon." wala sa sarili kong sambit.

"Lumalabas niyan, eh, gusto mo rin siya? At pinipigilan mo lang dahil may girlfriend siya? Huli." eto na naman ho siya. Gumagawa na naman siya ng sarili niyang konklusyon sa utak.

Ewan ko paano ko 'to naging kaibigan, Eh. Asar.

"Hindi, no! At saka kahit wala siyang girlfriend, eh, ayaw ko sa kaniya. Mamatay na lang akong mag-isa basta hindi siya boyfriend ko, okay lang."

"Asuss. Pakipot ka pa," tinusok pa nito tagiliran ko para kilitiin.

"May kiliti ako riyan! Gagong to. Saka seryoso kasi, mas pipiliin ko pang mag pakain don sa mga uod kesa sa kaniya."

She gave me a meaningfully stare. "Mace, ang usapan lang naman natin ay tungkol sa kung may girlfriend ba si Amir o wala," she's still smiling... smiling like an idiot.

"And so? Ano ngayon?" tinaasan ko siya ng kilay. "Ano nga? Parang tanga naman, Lia!"

"Bakit mo sinabing mas gusto mo pang mag pakain sa uod kaysa kay Amir? May balak ka ba, Mace?"

"H-hoy wala, n-no!" nauutal kong saad.

"Uy, nauutal, ano nga? Hindi kita aasarin promise!" panunuya nito.

"Bahala ka nga riyan." at nilayasan ko na siya.

Naghahanap ako ng mga kompanyang pwede pag apply-an online kaso wala kaya heto ako, gumagawa ng bagong resume ko sa kwarto dahil feeling ko may mali iyong una kong gawa dahil hindi ako na tanggap.

Nang matapos na ako sa mga ginagawa ko ay nag luto muna ko ng pagkain ko dahil nag t-trabaho si Lia.

Sa bar siya nag t-trabaho pag weekends bilang bartender. Ewan ko bakit kailangan niya pang mag side line, eh, malaki naman kita niya sa pagtuturo. Ang rason niya naman lagi pag tinatanong ko ay ayaw niya raw na hindi nagiging produktibo ang isang araw niya. Saka nag iipon daw siya para maka bili na rin ng sarili niyang condo. Nakakahiya raw kasi para sa kin na nakikituloy siya.

Sa akin wala namang problema kung dito siya tumutuloy kasi mas maganda nga kung ganoon para may kasama ako. Saka iwas gastos na rin para sa kaniya, pero kung iyon ang gusto niya. Okay lang din naman.

Inaalok ko nga sa kaniya itong condo ko kasi may bahay naman ako sa Cavite. Kaya lang sanay na akong nandiyan siya sa tabi ko lagi kaya baka ako na lang ang makitira sa kaniya pag inaccept niya offer ko.

"Ay nanay mong walang ulo!" napaigtad ako sa gulat nang biglang tumunog ang rice cooker dahil luto na pala ang kanin.

Tinignan ko muna ang niluluto kong chicken curry at nang okay na ay kumain na ako. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko.

Nag s-scroll ako sa Facebook nang may biglang mag pop-up galing sa browser.

Nang aalisin ko na sana ay napindot ko pala kaya na punta ako mismo ron at binasa ko na lang.

Just In : The CEO of Del Gados', Mateo Amir Del Gado confirmed that he and Fiona Cortas are not in a relationship.

_______________________________________________________________________________________________________

Hello! Thank you sa tatlong nag v-vote and sa mga silent readers. Y'all are inspiring me to keep writing.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Captivating Boss Where stories live. Discover now