Prologue

7 0 0
                                    

"CONGRATS, CLEONNN!" Narinig ko na agad ang sigaw ng kaibigan ko nang pasukin ko ang aking condo.

"You don't need to shout, Vyne. Hindi naman siya bingi." sabi naman ni Genn na nakatakip ang kamay sa tainga.

Hindi na ako nagulat na nabuksan nila ang aking condo at narito sila ngayong tumatambay.

"Cleon, pre, 'lika rito!" Ani Vyne na abot tainga ang ngiti ngayon.

"Bakit ang saya mo yata ngayon? Saka, anong congrats?" Naguguluhan ko namang tugon dahil sa nauna na niyang sinabi.

Umupo ako sa couch at tumabi sa kaniya habang si Genn naman ang nasa kabila. He's browsing on his e-mail inbox when he stopped on a certain message.

Isa iyong e-mail mula sa Professional Regulation Comission o PRC. Nakasulat sa e-mail ang mga katagang "Results for Board Licensure Examination for Psychologists and Psychometricians (BLEPP)". Kumakabog ang dibdib ko habang binabasa ni Vyne ang nilalaman ng e-mail.

Hindi pa natatapos ni Vyne ang pagbabasa ay napatingin kaming tatlo na'ng may tumunog.

"Sandali, mga pre. I'll just take this call." Ani Vyne sabay hablot ng phone na tumutunog.

"Bobo ka talaga. I-silent mo nga 'yan pagkatapos." Inis na sabi ni Leon na'ng maudlot ang kaniyang excitement at kaba.

Medyo matagal pa 'yong tawag kaya naisipan ko na ring kumuha ng pagkain at beer sa fridge. Ipinatong ko na rin 'yon sa puwestong kanina'y kinauupuan ni Vyne.

"Mabuti na lang at hindi tayo naunang mabaliw sa mga future patients natin, 'no, Cy?"

Cy. She used to call me that, too.

"Yeah. We've been studying mental conditions for 4 years. And ngayon, alam na natin na psychology is definitely not easy to deal with."

Tumango na lang si Genn sa aking sinabi. Nagbukas na lang ako ng canned beer na kinuha ko galing sa fridge. Ilang mga sandali pa, nakita kong nakaupo na si Vyne sa gitna at sinimulan na ulit ang pagbubukas sa laman ng e-mail.

Hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman ko. Kaya kumagat na lang ako sa kare-reheat lang na pizza galing sa fridge. Ngunit, wala iyong epekto.

Ubos ko na 'yong slice ko ng pizza nang magsalita si Vyne.

"Pindutin ko na ba 'yong link, pre?" Ani Vyne habang nakatingin sa akin.
I was nervous but I still managed to nod and say 'okay'.

Sinimulan ko na'ng inumin 'yong beer ko sabay sa pag-scroll niya. He went scrolling from the letters A to M, and stopped at letter L.

I couldn't move...

"Psychologist na tayo, hoy!" Niyugyog ako ni Genn nang hindi ako nagsalita at gumalaw.

"What?"

"I said, 'Psychologist na tayo!'" Ulit niya na naging dahilan ng pagbuga ko sa iniinom na beer.

"Ang dugyot, Cleon!" Reklamo ni Vyne nang sa kaniya ko iyon nabuga.

Lopez, Cyrus Leon, M. - Rank: 1
Mendez, Kiel Gennesis, V. - Rank: 33
Sevilla, Vyllie Nero, A. - Rank: 170

I blinked twice.

I topped the board exam!?!?

I took a picture of the list and posted it on my socials and it garnered a lot of reactions and attention.

As I was hugging my friends, my phone rang.

It was a call.

From Myrrh.

I answered the call as soon as I got ahold of my phone. And as soon as I answered it, I heard a voice crying.

"Hello?"

"Cy, help!" Rinig na rinig ko ang nginig at takot ngayon sa kaniyang tinig.

"Why?! What happened?" May bahid ng pag-aalala sa aking pasigaw na sambit ng tanong habang patuloy pa rin siyang umiiyak.

Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makaabot ng elevator, hindi binibitiwan ang telepono.

Ang paghikbi niya'y tila isang tinik na tumutusok sa aking puso. What happened?

It's TimeWhere stories live. Discover now