"What do you mean? You're the only best friend I have." Sagot naman ni Myrrh habang tumatawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa at bakit siya tumatawa.
"Promise me na ako lang magiging best friend mong lalake. Please." Sabi ko sabay taas ng pinky finger.
Nakataas ang kilay niya nang gawin ko iyon. "What? Pinky promise?" Inilapit ko ang kamay ko sa kaniya upang mapilit siya. "Okay, okay. I promise."
"Promise locked." Sabi ko bago ibinaba ang aking kamay. Mataman akong tinitignan ngayon ni Myrrh.
Myrrh's been my best friend my whole life. I met her at church 8 years ago.
"Stop pushing the door, little Juliane. Mabo-bore ka lang din naman kapag pumasok ka riyan." Sabi ko dahilan upang sumulyap si Myrrh.
"Hindi tulad ng description sa mga leon, mahina ka, Cyrus Leon. Ni hindi mo ako matulungang itulak ang pintuang ito." ani Myrrh saka umirap sa akin.
"Anong sinabi mo?" Singhal ko saka tumayo. Pero, bago ko pa mahawakan ang handle ng pintuan ng church ay nagbukas na ito.
"1 Iced Toffee Nut Latté, 1 Iced Americano and 1 French Toast for Cyrus and Juliane."
Ang isinigaw na iyon ng barista ang siyang nagpabalik sa akin sa wisyo.
"Ang cute niyo pong magjowa, sir." Nakangiting sabi ng barista sa amin.
"No. He's not my boyfriend." Agap ni Myrrh. "We're best of friends." Dugtong niya.
Tumango na lang ang barista sa sinabi niya saka ibinigay na sa amin ang aming inumin.
We walked the crossroads from the Starbucks to the academy. We were walking on the sidewalk until...
"Myrrh!" Sigaw ko nang matapilok ito dahil sa pumps na naputol. Mabuti na lamang ay nasalo ko siya bago pa man siya matumba.
"Uh... Uhm..." Nasa tapat na kami ng academy ngayon at hindi niya alam ang sasabihin nang kaniyang tingnan ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang magkabilang baywang.
Itinayo ko na siya bago pa man maging awkward ang lahat saka kinuha ang cup na may nakalagay na pangalan ko. Sumimsim ako sa aking iced americano bago pinasok ang parking lot ng academy.
I got my keys out to activate my motorcycle alarm. It was an Aprilia Shiver 900.
"Uuwi ka na?" Liningon ko si Myrrh na naka-flat shoes na lang ngayon.
"Yeah." Sa sagot kong iyon ay tumango siya. Nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko at tinitignan ako na parang may gustong sabihin. Nabasa ko na ang isip niya.
"I can fetch you. Hop on."
Nang sinabi ko iyon ay biglang nagliwanag ang kaniyang mukha at nagsuot ng isang malaking ngiti at paulit-ulit na nagpasalamat.
"Sorry talaga, Cy. Hindi kasi ako masusundo ni mama ngayon." Ginawaran niya lang ako ng simple at apolohetikong ngiti. Tinanguan ko na lang siya.
Ibinigay ko ang isang helmet kay Myrrh na siya namang sinuot niya agad. Ini-start ko ang engine ng motorsiklo nang makaalis na sa academy.
I started driving my bike slowly but sped up when we got on the highways. Pasulong na sana kami nang biglang mag-red ang traffic light kaya pumreno ako.
I groaned when Myrrh hugged me from the back. I knew that it was caused by the sudden halt my vehicle made, but it gave me foreign sensations. I bit my lower lip.
This is the first time that I had someone ride the bike with me. And this is also the first time her mom didn't fetch her.
I ignored the sensations I felt as I thought that I felt them just because I haven't been this close with a girl for a long time.
Nagkulay berde na rin ang ilaw kaya't sumulong na kami sa daan. I stopped in front of a modern house with a green gate. The house was not that big, but not so small either. Tama lang para sa kanilang pamilya.
"Thank you, hijo. I'm sorry, I had an emergency kaya hindi ko na nasundo si Myrrhacle."
"Tita Mary," tawag ko bago nagmano.
Sa hindi kalayuan ay ang bahay na namin. I parked my bike at the garage. There, I saw my parents busy serving food to our guests.
"Ma, pa." Bati ko saka hinalikan sa pisngi si mama.
"Ang suwerte niyo sa anak ninyo, Cyrene at June." Anang matandang babae na tingin ko'y kaibigan ni Inang Carmen. Nginitian ko siya.
Not long after she said that I saw someone who made my heart beat faster.
"Myrrh." Bigkas ko ng kaniyang pangalan sa aking sarili. My heart was beating faster than how it was normally beating before.
But I ignored it. Siguro ay dahil lang sa nangyari 'yon kanina. Siguro ay dahil lang 'yon sa wala akong naging physical contact sa mga babae nang ganoon ka-close noon.
I walked the distance between the two of us. I put a big smile on my face, ready to talk with my best friend. Best friend...
But just when I thought we could celebrate alone and together, someone interrupted.
"Symon." I started.
"Cleon, bro, congrats." Naglahad siya ng kamay bilang pagcongratulate sa akin. I shook his hand and smiled.
"Thanks, bro." Pagpapasalamat ko saka inalis ang kamay mula sa pagkakahawak niya. "I heard from Myrrh that you were studying in Manila. What made you come back here in Tarlac?"
"Well, it's our summer vacation now. So, I thought of coming back home. You know, I miss my fam. I miss Myrrh." Diretso niya itong sinabi saka sumilay sa kaibigan ko.
I don't why that made me mad. I felt like he was low-key taking my best friend away from me.
"Myrrh, kumuha ka nga munang food. Get some drinks as well." Utos ko sa kaniya na sinagot naman niya ng pagkunot ng noo't pagtaas ng kilay niya.
"Sige na, please." Pumayag naman siya sa huli at nagsabing 'okay'.
"So what now, Symon Arevalo?" Nagsimula akong tignan ng mataman si Symon nang makalayo na si Myrrh.
"Bro, what?" Pagdedepensa niya sa kaniyang sarili ngunit nakangisi pa rin.
"What are you planning to do with Myrrh? Whatever it is, stop it. Or else..."
"Or else what?" Matigas na ang boses niya ngayon at taas-noong nagtanong sa akin, seryoso ang mukha.
"You don't know what I can do for Myrrh. I know you're a jerk." Pagbabanta ko because from what I have heard, he's a walking heartbreak.
"You're just a childhood friend, Arevalo. Don't even plan on courting her. Back off, you jerk."
"My intentions are pure, Lopez. You can't stop me from pursuing Myrrh." Nakangiti niya iyong sinabi and it made my blood boil.
Nagtataka ako kung bakit pa siya umuwi rito. Pero, mas nagtataka ako kung bakit ako nagagalit ngayon.
YOU ARE READING
It's Time
RandomMen First, Not Ladies Series MFNL Series 1 Cyrus Leon is a man of courage and confidence. A man who values his dreams and principles. A man with simplicity and sincerity. A man who values his loved ones, especially his best friend. A man who is awa...