Set 2

40 0 0
                                    

Kabanata 2

First Encounter

"Uy congrats, Eira! Congrats, napaka talented mo talaga nanalo kana sa poster making tapos dito pa sa university pageant."

As i walk towards the school aisle all of my batchmate complimenting her. My bestfriend.

Naalala ko pa before we first encountered each other. We're in elementary year level, nakita ko ang isa sa pinakamaganda painting sa corridor ng academe it turns out na galing pala iyon kay Eira. Eira Santiago. Gusto ko siya makausap kung ano ang dahilan niya kung bakit ito ang napili niyang ipinta. Ngunit walang time na hindi kami nagkatagpo kahit iisang paaralan lamang kami noon.

Unitl this scene happened. It's like a deja vu.

Ganitong-ganito rin ang eksena ng una namin pagkikita. Sa gitna ng maraming studyante. Mga bulungan ng ingit, at paghanga. Dahan-dahan ako naglalakad palapit kung nasan siya.

Hawak ang dala kong camera film. 

Sa gitna ng marami sumusuporta, nahagip ng mga mata nito kung na saan ako. Sabay kami napangiti.

She waved her hand. Nang makalapit ako sakanya inakbayan niya ako. "Hindi kana naman pumasok sa first subject natin."

"Tinatamad ako" we both giggled. "Congrats. Sorry hindi ako nakapunta" i pouted.

Mas matangkad sakin si Eira kaya malaya niya ginulo ang buhok ko. "It's fine! Para naman hindi pa ako nasanay sayo. First day of school absent ka agad eh"

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa main hall ng university. Doon nakita namin ang mga baguhan studyante. First day of school. College. New life. Friends. Environment.

Habang naglalakad kami napatingin ako sa rosas na hawak ni Eira. Ngayon ko lamang iyon napansin. Maganda ito at amoy ang bango.

Napansin ata niyang nakatingin ako roon. "Admirers, you want? Sayo na lang, sunflower ang gusto ko."

Natawa ako. "I hate flowers"

Natigilan siya "Ay oo nga pala may allergy ka sa bulaklak" 

Umayos ako ng tayo at pumunta sa harap niya. "Ganto, picturan kita. Tara sa labas" masaya ko siya hinila. Nang makarating kami puno ng mga mata nakapaligid ang nagmamasid samin. Bakit kasi ang ganda ng bestfriend ko. Minsan tuloy kahit ako na hindi maganda na co-conscious sa sarili ko.

Nasa gitna ng university kung nasaan ang logo ko siya kinunan ng litrato. Eira is simple yet full of elegance. Yun bang hindi mo mahahalata na laki siya sa mayayaman pamilya, pero alam mo na dapat siyang respetuhin at galangin. She's half spanish. Maputi, balingkinitan, matangkad, at higit sa lahat matalino. Naiisip ko minsan sana lalake na lang ako. Para naligawan ko siya. Napailing ako. Ano ba to?

Sa gitna ng pagkuha ng mga litrato. May umepal na unggoy.

Nakasuot ng puting t-shirt, denim jeans, itim na sneakers at sumbrero vans na kulay puti. May sukbit din guitar case sa likod niya. Nag pose siya ng wacky at sakto napindot ko ang click ng camera hawak. Napangiwi ako.

"Epal" bulong ko.

"Hi, Eira!" Abot langit ang ngiti ng mokong. Lumapit ako at hinila nasi Eira. "Wait, Eira nood ka ng band audition mamaya, sumali kami nila kev. Nood ka ah"

Hila-hila ko siya at pilit iniiwas ang paglingon sa abnormal.

Tawa lang siya habang nagpapahila sakin. "Konti na lang maiisip ko ng may gusto ka kay, Onyx"

- 1999 -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon