Set 4

24 0 0
                                    

Kabanata 4

Drawing

Natatanaw ko ang mga pinagkukumpulan ng mga estudyante sa malaking bulletin board na nakapaskil sa main entrance ng university. Agad napangunot-noo ako ng mapansin halos lahat interesado roon.

Nang makalapit, napamaang ako ng makita ang iba't ibang desenyo mula sa mga graphic students. Mula iyon sa mga seniors namin na galing sa architecture at engineering. Meron mga posters, slogan, paintings, stickers. Tahimik kong pinagmasdan at di namalayan napahanga.

"Ganyan rin ang projects na gagawin niyo once na tumungtong na kayo ng third year"

Napalingon ako sa katabi dahil bihira ko lang marinig ang boses na yon, mula sakanya. "Luckev." Tahimik rin siyang nagmamasid sa mga magagandang pigura sa harap namin. "Can I barrow your camera?" Aniya ng wala atang balak sulyapan ako.

Tahimik na kinuha ko sa bagpack ang camera film ko. Naninibago ako kay Luckev, madalas kasi siyang walang pake sa mundo niya. Kumbaga tinatago niya ang sarili sa mga tao. Sikat ang banda nila dito sa university. Ngunit siya ang pinaka-ilang at kakaiba.

"Anong nakain mo at pinansin mo 'ko ngayon ginoo?" Mas matanda ng dalawang taon sa amin ni Luckev, siya ang pinsan ni Eira. Pero hindi ko siya matawag na kuya. Dahil bakit ba? Di naman kami close 'no!

Wala siyang imik ng makuha sakin ang camera ko. Binuksan niya iyon at nagsimulang kumuha ng litrato. Maya-maya nag ring na ang bell hudyat na mag-sisimula na ang flag ceremony. Naiwan kami sa gitna ng entrance. Lumapit siya at seryoso kinunan ang ilan pang mga gawa. I pouted, bumaling muli ang tingin ko sa mga designs, till a drawing caught my sight.

Lumapit ako roon at matagal na pinagmasdan.

It's like, it has a deep meaning. Isang pigura iyon ng tao na pinapalibutan ng mga arrows the color of it was grey, dark, and white. The picture gives nude concept, kakaiba iyon dahil kung magaling ka sa pagsusuri ng drawings saka mo lang maiintindihan ang totoong konsepto niyon. Malayong may makaisip na tao ang pigurang iyon dahil natatago ito ng ibat-ibang lines. It's like the owner of it tends to hide the real definition and meaning of the art style.

"Archermi" Mabilis na bumaling kay Luckev ang tingin ko. Nagtaka ako ng marinig ang pangalan ni Archermi. "He's the one who painted that"

Muli kong binalik sa painting ang paningin. Basta na lamang kumabog ang puso ko ng maisip na galing pa pala ito sakanya.

So,

He's the owner of this majestic art.

"What a masterpiece" pagpuri ko. "Nanalo siya? Teka lang." natigilan ako ng may ma-realize. "Pano siya nakasali eh diba first year rin siya tulad namin?"

Walang expression niya ako sinulyapan. "He's the son of the two alkalde and top most rich clan in this downtown. What makes you think he hasn't time to waste those talent?" Pumalantak niyang binalik sakin ang camera. "Mag flag ceremony kana nga"

Halata ang pagkapikon sa mukha niya. Napa-iling ako. Luckev Santiago isa siya sa mga head ng student council, pano niya kaya nagagawang maging lowkey lang kung meron itong mataas na katungkulan at posisyon sa university? At isipin natalo siya ni Archermi sa ganito, alam kong disappointed siya. Right! How could i not possibly think about that?

Sasabayan ko na sana siya ng mapahinto ako, mula sa di kalayuan natanaw ko si Eira, she's with Onyx. Binubulabog ito ni Onyx at mukhang nagpapasali na siya na lang ang magbitbit ng mga dalang libro ng bestfriend ko. Natawa ako ng palihim.

"Kuya kev! Bebs!" Sigaw niya sa amin. Doon lamang sila napansin ni Kev.

"Yo, brad!" Nakipag fist bump si Onyx kay Kev. Sulyap lamang ang binigay na bati sakin ng unggoy.

- 1999 -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon