Set 6

22 1 0
                                    

Chapter 6

Usok

Mataas ang reputasyon na konektado sa pamilya ng Mercado. Isa ang ina ko roon. Sumulong siya sa bitag ng isang kadugo nila. Nagmahal siya ng taong pinaasa lang siya para sa tiwala ng lintek na mamayan nila. Gaano ba kalaki ang pera namula sa magsasaka, mangangahoy, at mangingisda ang nalilikom ng makapangyarihan sa downtown na ito?

Gahaman si Arcuz DelCastro Mercado. Ito ang tatay ni Archermi. Pero bakit nabubuntong sa anak nito ang gulo ng walang puso na iyon? At nadadamay ako? Katulad ngayon na rinig ang kumakalat na ako raw ang kursunada ng binata? Napangisi ako. Kung sana ay totoo na lamang ang hakang-hakang iyon.

Instrumento ng musika.

Huminto ako sa isang shop kung saan ay pinapaayos ang mga kagamitan na angkop sa iba't ibang uri pang musika. Nasalubong ko si Lolo Guilermo.

"Ano ang atin at napabisita ka muli rito."

"Magandang hapon po, gusto ko lang bisitahin ang mga magsasaka." Pilit akong ngumiti. Nagmano ako rito, seryoso itong nakatingin sa akin. Dito ako palagi pumupunta sa tuwing gusto kong humilom. Marami akong kilalang pamilya, dito rin ako halos lumaki.

"Lumayas kana naman sa puder ng Tiya Milet mo ano?"

Bumuntong-humingi ako at napaiwas ng tingin. "Konting alitan lang ho."

"Kararating lang rin ni Onyx, pumunta ito sa kabilang sakahan upang tumulong. Ikaw ba'y nakipagpalitan na naman ng salita sa iyong Tiya, Aesille?"

"Ho? Hindi po." Tumayo agad ako. Napangiwi ako, ayaw ko pang makita ang buwisit na iyon. "Aalis na lang po ako."

Pagkatayo ko pa lamang ay nasalubong ko na ang pawisan na si Onyx, nakasuot ito ng puting kamiso na pangmagsasaka at pantalon na maputik na. Hindi siya pumasok ng hapon? Napangisi ako, ano pa bang aasahan ko? Eh, tamad rin siya at loko-loko.

Inirapan ko siya.

"Lo, alis na po pala ako." Tumango lang ang matanda at kahit walang alam ay parang naiintindihan nito ang gulo namin ni Onyx, alam nitong nag away rin kami.

Nasa pintuan lang si Onyx, kaya makakasalubong ko muna ito bago makalabas.

"Narinig mo na ba ang balita?"

Napahinto ako, nagtatakang lumingon sakanya, nakatalikod siya sakin. "Balita? Ano na naman 'iyon?"

Mula sa likod, napansin ko may kong ano sa galaw ni Onyx, makailang beses siyang bumuntong-hininga at parang kinikontrol ang problema. Kalaunan humarap sa akin, napamaang ako ng makita ang galit at sobrang panlulumo sa mata niya. Tila alam ko na ang kung anong meron sa kilos nito.



Hawak ko ngayon ang bagong news paper na bigay ni Onyx. Nakasaad rito ang balitang kasunduang kasal mula sa dalawa naglalakihan gahaman sa kayaman mga angkan ng Downtown.

Mercado at Santiago.

"Alam ko mangyayari to, hindi ka pa nagulat?" Kasalukuyan kami nasa sakahan ngayon.

Pasado alas-sais ng gabi na ngunit nagpasiya akong dumito muna. Narito ang halos mga kababata ng ina ko. Sila Aling Josefin at Mang Julio ang dalawang mag-kapatid na dapat may-ari ng sakahan ito. Mababait at marangal na magsasaka at may paninidigan sa lupa nila. Lupang gustong angkinin ng mga sakim at hayok. Isa pa, ayaw kong umuwi.

"Huy! Onyx! Aem! Aba'y kayong dalawa tama na iyan at magligpit na tayo, ipabukas niyo na samin iyan ng Itay Julio ninyo! Mga bata na 'to"

Nasa gitna kami ng maputik na taniman na halos wala pang tubong ani. Para ito sa susunod na buwan, ito rin ang pangunahin kinabubuhayan ng mamayanan sa Downtown. Bigas, Prutas, Pati mga mangingisda, ay dito sa lupain bumibili ang kalakhan. Mayroon rin pinapatakbo na farm, at nangangalaga rin ng batis ang magkapatid na sila Aling Josifin at Mang Julio. O, mas sanay kami sa tawag na Itay Julio. Ang tumawag samin kanina ay ang asawa nito na si Inay Paula, sa magkapatid ay mas matanda si Aling Josifin, bunso si Itay Julio na halos kaidad lang ng asawa nito na si Inay Paula. Mababait sila na halos ituring kaming sariling anak ni Onyx. Ilang kilometro ang layo ng sakahan sa sisyudad ng dowtown. Kaya kong tutuusin nagmumukha itong probinsiya kong tingnan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

- 1999 -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon