Tanya P.O.V
Ang hirap talaga ng buhay. Merong masaya, mlungkot, mayroong nananalo, natatalo higit sa lahat MERONG MAYAMAN AT MAHIHIRAP.
Kaya nag aaral ako ng mabuti para sa aking pamilya. Wala na kasi akong tatay pumanaw na noong 15 years old ako dahil sa sakit na cancer, maliligtas sana siya, kasi stage 1 palang ang sakit niya noon kaso wala kaming pera kaya ayun lumala ng lumala hanggang siya ay sumuko na. My mother is sick and I have a brother but a special one. Kaya ako nalang ang mag isang bumubuhay sa pamilya ko, kahit anong trabaho kakayanin ko, papasukan ko para lamang mabuhay ko sila at mapakain ng maayos.
*kringggggg kringggg*
sa wakas uwian na rin, makakapag trabaho na ako para mabayaran ang mga utang namin at mabayaran ang gastusin sa bahay, at syempre para mabilhan ng gamot si nanay at si christian para sa kanyang asthma.
While going out of this school. I would like to introduce first.
Hi. My name is Tanya Rivera, 20 years old. Isang working student sa Kolehiyo ng Montreal University, scholar rin ako kaya kahit private ang school wala akong bayad ni piso. Kinuha kong course ay Special Education, itong course ang napili ko kasi gusto kong makatulong sa mga batang katulad ng kapatid ko.
Ako ay may kapatid na lalaki, 10 years old, isang special child.
Nanay ko ay may sakit. Ako ay isang simple na babae na sa umaga ay nag aaral at sa gabi nag tatrabaho.
Nang nakarating na ako sa sakayan ng sasakyan, mabilis akong umupo at nagbayad, mahirap na mawalan ng upuan kasi maraming estudyante ang sumasakay rito , may iba't ibang school. At kapag nawalan ako ng Upuan baka malate ako sa trabaho ko ngayong gabi na mag linis ng isang Food Court ng Mall.
ok na rin yun pang dagdag bayad sa mga utang, kahit 300 lang ang sweldo ko doon. Hayaan mo, mag aaral talaga ako ng mabuti para makapagtapos ako at makapagtrabaho sa ibang bansa. Hayaan mo, yayaman din ako.
"Manong PARA po" sigaw ko doon sa driver.
Ihininto niya ang sasakyan at Bumaba na rin ako. Habang papasok ako sa mabaho at maruming Brgy. namin na para sa mga squatter di ko maiwasang isipin.
bakit ipinanganak akong ganito? at bakit ako pa? Alam kong may plano ang diyos para sa akin .
Dito sa Brgy. na ito ako lumaki, dito sa brgy. na ito ang buhay ko.
"Agang-aga mga Manong umiinom na ah" Sabi ko doon sa mga tambay sa amin.
"oh, Tantan Shot tayo" sigaw ni Manong Isko.
Ito ang pinaka gusto ko sa Brgy. namin, kasi kahit squatter kami walang nakawan at mababait ang mga tao dito.
"Nako po, Wag po muna. Sige ho, Una na po ako" sabi ko sa kanila paglampas ko.
"Sige iha! mag aral ka ng mabuti at ingat ka" sabi nila. Nag tagayan pa sila.
Naku po, ba't ang layo ng nilalakad ko? ok lang kaya kong tiisin para sa pamilya ko to.
"Oh, Mang Kanor kamusta po?" Tanong ko kay Mang Kanor na siyang inaayos ang kanyang sirang-sirang Motorsiklo.
"Aba, ok naman Iha, Medyo minamalas nga lang kasi nasiraan na naman ng motor, kung saan pa maraming pasahero. Naku iha, Kamusta pala ang Pag-aaral?" Sabi niya ng tumitingin sa akin.
Ngumiti ako, Napaka maalaga talaga ang mga tao rito. "Ok lang po manong, sige po, uwi na po ako" sabi ko at umalis na.
Habang naglalakad ako, nakita ko na ang bahay namin na maliit pero simentado at malinis. Napansin ko na may mga tao na gumugulo sa harapan ng Bahay namin, bigla akong kinabahan.
BINABASA MO ANG
My Best friend's Girlfriend
SonstigesPagkatapos mag kakilala sa panlalaking kasiyahang kahiya-hiya ngunit kaala-alalang araw. Evo and Tanya thought they would never see each other again. Ngunit, hindi nila alam na si Tanya ay kasintahan ng matalik na kaibigan ni Evo, si Van. nalaman...