I woke up very early today. 5:30 pa lang ng umaga. New day again. Hope this day will be great. I clearly remeber what my Tatay told me. Bagong umaga, bagong pag asa. Kaya di dapat ako mawalan ng pag-asa.
Sabado ngayon at hanggang 11:00 lang ang aming klase. Salamat at maaga pa akong makakapaghanap ng bagong raket.
Bumangon na ako at nag ready na for school. Nag saing ako at ininit ko na rin ang ulam na natira kagabi. Plinantsa ko ang aking gagamiting damit. Nag timpla ako ng gatas para kay Christian at kay nanay.
"TANYA! TANYA!" boses pa lang alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin. She shouted like it's not early in the morning. Lord, sorry pero nakakahiya yung kaibigan ko
"Oh! Leslie may sunog ba? Tahimik naman tulog pa si nanay at Christian". Napahawak naman siya sa bibig niya. "Ano ba kailangan mo? Ang aga aga Leslie!" Sabi ko sa kanya.
"Ikaw naman Tanya ang aga-aga. Wag ka ngang ganyan. Nakakasira ka ng mood" Tumuloy siya sa bahay at umupo "Don't me Tanya! Ikaw may kailangan sa akin" habang naka sigaw pa rin. Ang aga-aga nga ang taas ng energy niya. "Grabe Tan namiss kita" at kung ano-ano pa pinag sasabi niya. Tungkol sa boyfriend niya, o di kaya naman tungkol sa nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw.
"Shhhh! Wag ka ngang maingay Les! Akala mo naman kung ano na ang nangyayari, ano bang kailangan mo at napaaga ka ng sugod dito?" Umupo ako sa isa sa mga upuan sa sala at pinag patuloy ang pag tutupi ng damit na hindi natapos ni nanay. Sumunod naman si Leslie at tumabi sa akin.
"Hoy lukaret ka bakla, ikaw kaya may kailangan sa akin" sabi niya sabay hampas sa balikat ko. Aray naman! Amazona talaga to!
"Oh? Ano namang kailangan ko sayo?" Tanong ko. Wala naman akong tulong na hiningi sa kanya.
"Kasi bakla may available na raket ako para sa iyo" sabi niya. Agad-agad naman akong napasigaw at napatalon. Gagang to sinabayan pa ako sa ingay namin. Pero teka? Seryoso ba to? Baka kalokohan na naman to'
"Talaga bakla? Hindi ka nag bibiro? Salamat Bakla" Patuloy pa rin ako sa kakasigaw. . "Tama ka kailangan talaga kita. Blessing ka bakla. Salamat sa Diyos" sabi ko sa kanya. Excited ako sa kung ano mang raket yan. Sana lang wag palpak kung hindi kukutusan ko talaga siya.
"Sandali bakla, di naman masyadong excited ka no? Kalma lang, siguradong mag eenjoy ka dito" sabi niya at naupo kaming dalawa. Si nanay pala natutulog ang ingay ko.
"Oh ano ba yan? Bilisan mo at makapag ready na ako. Naman oh. Ang bagal mo naman. Bilisan mo kasi! May pasok pa ako"
"Kalma nga, doon kasi sa pinagtatrabahohan ko sa 'heaven' may bakanteng trabaho. Magiging waitress ka lang at wala ng iba pa. Umalis kasi yung kasama ko kasi nabuntis" heaven? Di ba yun yung bar na may mga babaeng naghuhubad? mga babaeng hindi matitino. No way! Never.
"Gaga ka bakla! Alam mo namang hindi ako pwede diba? Ayaw ko sa mga ganyan. Di naman ako mahilig diyan eh. Tsaka magagalit si Van. Ano ba naman yan, excited pa naman ako" hayy dissapointed talaga ako.
"Ano yan bakla? Choosy much? Wala namang mangyayari sayo eh. Basta sundin mo lang yung rules. Bahala ka may makaka-una dun sayo. Wag na kasing mapili. Ang arte mo te". Sabi niya.
"Sigurado ka ba? Teka malalate na ako, basta pag iisipan ko. Sige na bakla, bye!" Sabi ko ng makita ko ang oras. Masyado kaming nagkwentohan at di ko na namalayan ang oras. Tsk!
BINABASA MO ANG
My Best friend's Girlfriend
RandomPagkatapos mag kakilala sa panlalaking kasiyahang kahiya-hiya ngunit kaala-alalang araw. Evo and Tanya thought they would never see each other again. Ngunit, hindi nila alam na si Tanya ay kasintahan ng matalik na kaibigan ni Evo, si Van. nalaman...