"O, ayan ang mga gagamitin sa pag lilinis mo ng food court na ito" sabi ng manager ng foodcourt. Medyo pataas taas pa ang kilay niya. Hah! Di naman pantay kilay niya. Geez yung lipstick niya di bagay sa kanya nag mumukha siyang Barbie Doll na may cancer.
Papasara na ito kaya naman mga impleyado nalang at tulad ko rin na naglilinis ang natitira dito.
"Bilisan mo dyan kung gusto mong bigyan na kita ng sweldo mo. Tagal mong maglinis!" sabi niya. Ang taray talaga nito sakin. Hmp! Galit ka lang kasi mas maganda't maputi ako kesa sayo.
"Ok po" sabi ko at sinimulan ng mag linis sa sahig. Impakta!
Habang naglilinis hindi ko maiwasan ang pag iisip. Kamusta na kaya sila nanay? Natutulog na kaya sila? Si Van kaya? Sana nag eenjoy lang siya. Napabuntong hininga nalang ako. Tatay kung sana andito ka pa rin hindi kami mag hihirap ng ganito.
-------
"O, eto ang sweldo mo" sabi ng manager.
Inabot ko mula sa kamay niya ang pera at binilang. "Madame, kulang ho ng singkwenta pesos" sabi ko. Ilang beses na to ah!
She raised her not-so-on-fleek eyebrows on me. She look angry this time. Nge! Katakot naman. Mukhang Chakadoll.
"Anong sabi mo? Kulang? Hindi pa ba sapat ang 250 na iyan sayo? Kung ayaw mo ibalik mo. Hindi yung nag rereklamo ka pa. Sa susunod kasi pag butihin mo trabaho mo" sabi niya.
Parang mabibingi ako as sigaw niyang iyon. Pinagbuti ko naman ang trabaho ko at mas binilisan tapos kulang ng singkwenta? Ang saya talaga. Bahala na. Mabuti na eto, atleast meron kesa naman wala. Mas kawawa ako niyan.
Pinabayaan ko nalang at umalis ng tahimik. Minsan naiisip ko rin, bakit kung sino pa yung nangangailangan siya pa yung inaapi. Pero kung sino pa yung meron sila pa yung nang-aapi. Di ba dapat yung nangangailangan ang tinutulungan?
Hay buhay. Ok na to Tan kesa naman sa
Where I should go now? I need another work. I mean kailangan ko ng raket para naman mabayaran ko na ang mga utang namin. This is not enough, wala na kami kaakinin bukas pag di ako nag hanap.
Bahala na to. Kung saan ako dadalhin ng paa ko, diyan na ako.
Time check: 9:34 pm.
Gabi narin pala. Pero ok lang. May mga open shops pa naman siguro para mapagtrabahohan ko. Sana naman may mabuting loob na mag pa trabaho sakin.
~~~~~~~~~~
"Ate meron pa ba kayong ipapagawa? Ako nalang po ang gagawa. Kailangan ko lang talaga ate" sabi ko sa matandang Ale. Mukhang mabait naman. I can see my mother on her.
"Ah oo anak, papatulong sana ako mag linis nitong shop ko. Ang mga bagay pakilagay nalang sa sasakyan. Pagod narin kasi ako". sabi niya. Sinimulan ko namang mag linis ng Barber shop na ito. "Salamat at dumating ka anak. Mukhang makakauwi ako ng maaga ngayon ng dahil sayo". She continued.
I smiled at her and I worked very fast. Syempre dapat good ako. Sa katunayan nga sobrang bait niya. Sana marami pang tao na tulad niya.
" Ano nga pangalan mo anak?" Hayyy naalala ko tuloy si mama sa kanya. Parang gusto ko tuloy umuwi at yakapin tulad ng lagi kong ginagawa nung buhay pa si papa.
"Tanya po" I answered and genuinely smiled at her.
"Ako nga pala si Dolorees" at inabot ang kamay niya sa akin. "Tawagin mo nalang akong Nanay Dolorees"
BINABASA MO ANG
My Best friend's Girlfriend
RandomPagkatapos mag kakilala sa panlalaking kasiyahang kahiya-hiya ngunit kaala-alalang araw. Evo and Tanya thought they would never see each other again. Ngunit, hindi nila alam na si Tanya ay kasintahan ng matalik na kaibigan ni Evo, si Van. nalaman...