"Sa bawat gabi, ako'y nakatitig sa kawalan
Tinatanong ang aking sarili kung bakit ka pa ba dapat balikan
Ngunit sa kabila ng lahat ng sakit at lungkot
Hindi ko kayang kalimutan ang iyong init at lambot"Si Vince ay isang lalaking may pusong matiyaga at tapat. hindi niya iniwan si Toni. Kahit gaano pa ito kahirap, kahit gaano pa kalayo, lagi niyang sinisiguro na nand'yan siya para sa kan'ya.
Umaga na at unang tingin ko pa lang kay Vince ay nakita ko na ang ngiti sa kan'yang mga labi. Nag-abot siya ng pagkain ko at sinabing
"Good morning po, ito na po ang food mo." Ngumiti ako at nagpasalamat sa kan'ya
"Ay, salamat po." sagot ko kan'ya.
"Welcome, kain ka na po," sabi niya.
Nang matapos ko na ang aking almusal, sinabi ko na mag-aayos ako ng k'warto mamaya.
"Opo, tulungan po kita," tugon ni Vince, pero napansin ko ang kakaibang ngiti sa kan'yang labi.
"Bakit parang ang saya mo ngayon?" sabi ko sa kan'ya, kasabay ng isang pasimpleng tawa.
"Wala, masaya lang ako," tugon niya, na hindi pa rin nawawala ang kan'yang ngiti.
"Bakit nga?" tanong ko sa kan'ya.
"Wala nga lang, inspired," biro niya sabay tawa.
"Kanino?" At biglang tanong ko sa kan'ya.
"Sayo yiee," sagot niya kasabay ng isang matamis na tawa.
Napangiti ako sa kan'yang sinabi. Pero naisip ko, baka may nakausap siya kagabi kaya gano'n siya kasaya.
"Hmm, baka naman may nakausap ka kagabi kaya ang saya mo?" pangaasar ko sa kan'ya.
Napansin ko ang kaba sa mga mata ni Vince at bigla niya 'kong binara ng,
"Luh kung may kausap ako kagabi edi sana puyat ako at hindi ako nakagising nang ganito kaaga para ipaghanda ka ng almusal mo." Tumawa ako sa kan'yang mga salita at sinagot siya ng pang-aasar.
"Ah, sabi mo e."
"Kahit icheck mo pa phone ko, ikaw lang," dagdag pa niya. Napangiti na lamang ako sa kan'ya, hindi na 'ko nakasagot.
Pagkatapos kong kumain, nagtulungan kaming ayusin ang k'warto. Habang naglilinis, biglang nag-ring ang cellphone ni Vince.
*Ringggg ringggg*
Tumingin ako sa kan'ya at agad niyang sinagot ang tawag.
"Hello?" bati niya sa kabilang linya.
"Vince?" tugon ng babaeng nasa kabilang linya.
"Cha?" gulat na sabi ni Vince.
Napalingon ako kay Vince at naibsan ang pag-aayos ko sa k'warto. Hindi ko inaasahan na magkaro'n ng ganitong tawag si Vince. hindi ko mapigilan na makinig sa usapan nila.
"Oum, ask ko lang sana kung p'wede tayong mag kita mamaya? If ok lang kung 'di ka busy may importante kasi akong sasabihin eh, i-sama mo na rin si Toni if gusto mo," ang sabi ng kausap niya.
"A-ah wait," sabay takip ni Vince sa phone.
"Mameh, if p'wede raw magkita tayo ni Cha mamaya, may importante raw siyang sasabihin. Sasama ba tayo?" tanong niya sa 'kin.
Napaisip ako saglit. May mga dapat pa sana 'kong gawin ngayong araw.
"Ikaw gusto mo ba?" seryosong tanong ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME, MY LOVE
Short StoryMasaya ako sa mga alaala natin, pero masakit din isipin na hindi na kita makakasama pa. Hindi ko alam kung paano ko malilimutan ang sakit na iniwan mo sa 'kin, pero handa ako na hintayin ka kahit gaano pa katagal. Mahal kita, Vicente, at wala ni isa...