Toni: Hindi ko talaga mapilit si Vince na umalis kahit anong sabihin ko. Ginawa ko na ang lahat, sinabi ko na sa kan'ya na masama ang pakiramdam ko at pinapunta mo na siya do'n. Pero wala, gusto ni Vince na siya ang mag-alaga sa 'kin.
Habang kinukwento ko ang nangyari kay Cha, bigla niyang sinabi sa 'kin,
Cha: Pano kami magkaro'n ng time kung lagi ka niyang iniisip at hindi siya maalis sa tabi mo?
Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Toni: Eh anong gusto mong gawin ko? Palayasin ko si Vince?
tanong ko sa kan'ya.
Cha: Hindi naman pero...
sagot niya.
Toni: Pero?
tanong ko sa kan'ya.
Cha: P'wede bang iwasan mo na lang siya?
l sabi ni Cha.
Bigla akong natahimik. Kilala ko si Vince at alam ko na hindi siya titigil hangga't hindi ko siya pinapansin. Pero susubukan ko na lang na iwasan siya.
Kakain na kami at naghahain na si papi. Narinig ko si papi,
"tawagin mo na si Tonyang sabihin mo kakain na," sabi ni papi kay Vince.
"Sige," sagot ni Vince bago umakyat sa taas.
"Mameh?" Naisip ko na hindi ko na lang sasagutin si Vince. Nakarinig ako ng katok galing sa pintuan,
Ngunit hindi ako sumagot sa kan'ya. Hinayaan ko na lang siya na pumasok sa k'warto ko.
"Pasok na po ako ah," sabi niya bago binuksan ang pinto.
"Mameh, kakain na po." Pero nanatiling tahimik ako at umalis na parang hindi ko siya nakita.
Habang kumakain kami, napansin ni papi na parang tahimik si Vince at ako.
"Vince? Toni? Ok lang ba kayo?" tanong niya.
Pero nanatiling tahimik kaming dalawa at kumain lang.
"Oo nga, kanina pa kayo hindi nagpapansinan," sabi ni Mikay.
Napatingin si Vince sa 'kin pero nanatiling tahimik ako habang kumakain.
"Yes mother, anyare?" tanong ni Papi.
Nanatiling tahimik kaming dalawa ni Vince habang kumakain. Pagkatapos namin kumain, agad akong umakyat sa k'warto at hindi na nakipag-kukitan kina papi.
Narinig ko si papi na nagsalita,
"Vince? Ano ba kasing nagyari? Bakit hindi ka pinapansin ni Toni?" Sumang-ayon si Mikay.
"Oo nga, nag-away ba kayo?" Natatawang sabi ni Mikay.
"T'saka nakakapanibago, Vince, haha!" Sabi ni Papi,
"Yes mother." sabay na sabi ni Mikay at Papi.
Narinig ko ang katok galing sa pinto at naisip ko na si Vince na 'yon. Hindi na lang ako sumagot. Narinig ko na bukas ang pinto at sinabi niya,
"Pasok na po ako ah, mameh?" Tahimik lang ako at hindi sumagot, Narinig ko siya ulit.
"Mameh?" Pero tahimik pa rin ako habang naka-focus sa cellphone. Bigla na lang siyang nagsalita.
"Mameh, bakit hindi mo po ako pinapansin? Hindi po ako sanay." Wala pa rin akong naging tugon at tahimik pa rin ako.
"Dahil po ba 'to kanina? Na hindi ako nakapunta kay Cha?" Sabi niya ulit.
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME, MY LOVE
KurzgeschichtenMasaya ako sa mga alaala natin, pero masakit din isipin na hindi na kita makakasama pa. Hindi ko alam kung paano ko malilimutan ang sakit na iniwan mo sa 'kin, pero handa ako na hintayin ka kahit gaano pa katagal. Mahal kita, Vicente, at wala ni isa...