03

118 15 3
                                    

Napansin ko na nakita ni Vince ang mga luha sa 'king mga mata habang kami ay nag-uusap.

"Ma-meh? Bakit parang naiiyak ka po?" ang tanong ni Vince, at tinanong ako kung ano ang nangyayari.

"H-ha? Hindi, wala 'to. May naalala lang ako," sagot ko, sabay pag-iwas ng tingin kay Vince. Ngunit hindi nagpatalo si Vince at tinanong pa rin ako.

"Ano po 'yon?" sabi niya sa 'kin.
Napakunot-noo ako, ngunit hindi ko na napigilan ang mga luha ko at sinabi ko sa kan'ya ang totoo.

"Wala, sobrang thankful ko lang sa araw-araw na napapasaya mo 'ko. Hindi mo ako iniwan kahit minsan sobra-sobra na 'yung ugali ko. Gusto ko lang sabihin sayo, nandito lang ako palagi para sa'yo," sabi ko sa kan'ya, sabay hawak sa kan'yang braso at naluluha.

"Sana nga hindi ka napapagod, Vicente," ang sabi ko sa kan'ya.

"Nasaan po, mameh?" tanong ni Vince.

"Sa paghihintay," sagot ko.

"Mameh, hindi po ako napapagod maghintay," sabi ni Vince.

"Mahal na mahal ko po kayo at handa akong maghintay kahit gaano pa katagal. Hindi niyo po deserve na masaktan kaya maghihintay ako hanggang sa oras na kayo na ang magiging akin. Gusto ko kayong mahalin at ingatan ng tama." Napapangiti ako sa mga sinabi niya.

hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak sa harap ni Vince. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya kung gaano ko siya kamahal.

"Bakit ka po naiyak, mameh?" tanong ni Vince sa 'kin.

"Thank you," sabi ko sa kan'ya, sabay yakap.

Habang niyayakap niya 'ko, nararamdaman ko ang kan'yang pagmamahal at pag-aalaga sa 'kin.

"Mameh, tandaan mo po, nandito palagi ako naghihintay sa 'yo," bulong niya sa 'kin.

"Thank you, thank you sa pagmamahal," sagot ko sa kan'ya, habang patuloy pa rin akong umiiyak.

"Wag ka na po umiyak, hindi kita iiwan at hindi ako mapapagod," sabi ni Vince sa 'kin.

"Vicente, gusto ko pong malaman mo na ayaw kitang mawala kasi mahal kita," sambit ko sa kan'ya habang umiiyak.

Biglang natahimik si Vince sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, pero alam kong nararamdaman niya ang pagmamahal ko.

Kinabukasan, nagising ako at nakita ko si Mikay na naghatid ng pagkain sa 'kin.

"Mikay?" tawag ko sa kan'ya.

"Oh, Tonyang? Good morning, kain ka na," sabi ni Mikay sa 'kin.

"Salamat. Siya nga pala, nasaan si Vicente?" tanong ko sa kan'ya.

Nagulat si Mikay sa 'king tanong at para bang nabigla sa 'king sinabi.

"H-ha? Tonyang, ano ka ba? Wala na si Vince, 2 years na siyang patay. Napanaginipan mo na naman ba siya?" sabi ni Mikay sa 'kin.

Napakurap ako ng ilang beses sa kan'yang sinabi. Hindi ko maalala na pumanaw na pala si Vince at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa aking katawan sa narinig ko.

"Napanaginipan ko siya? Ano ba ang nangyari sa kan'ya?" ang tanong ko sa kan'ya, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.

"Mikay, hindi totoo 'yan!" sigaw ko sa kan'ya habang nanlalata ang mga mata ko sa pag-iyak.

"Kausap ko lang siya kanina, dito, dito sa k'warto ko mismo! Siya rin ang naghatid sa 'kin ng almusal kahapon! Na sa'n si Vicente? Hindi siya patay!" pagwawala ko sa kan'ya.

REMEMBER ME, MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon